Friday, June 30, 2006

Kulo-kulo

Eversince dumating kami dito, lagi na lang kumukulokulo ang loob tyan ko. Di naman ako nababanyo, tumutunog lang na parang may drum and buggle sa loob. Well, di lang naman ako, lahat kami sa bahay ganito ang nararamdaman. Sa tubig kaya ito? Sa lamig? I really don't know. KU, Kiwinoy and KP, ano ba tong phenomena na to?

Thursday, June 29, 2006

The boxes have arrived

Gone are the nights when Henry and Winnie would sleep together. Hindi nakakatulog si Henry pag di katabi si Winnie (malapit na nga akong magselos). Limitado kasi ang gamit namin kaya pinatyatyagaan nyang gawing unan yung Winnie the Pooh na stufftoy ni Shannen. Buti na lang dumating kahapon yung boxes.

Our things were shipped thru EMCS. It left Manila on May 22 and arrived in Auckland port on June 25. Mga 3 days ang processing/releasing sa customs. Para makatipid, sabay kaming nagpa-ship ni Bubut (hi, Bubut). She has 8 boxes, while I have 5 (7 if included yung fishing rod at cue stick). Approximately 0.8cbm yung gamit namin. I paid P9600 to EMCS. Nasa P11k ata yung kay Bubut. Upon delivery, nagbayad pa kami ng NZ$525 for the whole thing to EMCS' NZ counterpart, NCT Freight Services. None of our things was taxed. Mga electronic devices at commercial items lang ata ang subject doon. Panay personal effects ang laman ng mga kahon. Some are used, some are now.

Monday, June 26, 2006

Walking School Bus

Problema ko ngayon ang work pero pag may work na ako, problema ko naman ang paghatid-sundo kay Vince. Buti na lang may program na Walking School Bus ang mga schools dito sa North Shore. This is how it works. Instead of riding a car or bus to school, naglalakad lang ang mga bata but under the supervision on one or two adults. "Driver" ang tawag dun sa nanay o guardian na-chaperone ng mga bata. This saves gas, promotes camaraderie among the kids and, of course, is very healthy. One requirement though is that you have to take turn in sending/picking up the kids.

Sa school ni Vince, may ilang buses na nag-o-operate. Sa routa namin (Becroft), may 2 school buses. The big one has 18 kids and 2 drivers. The smaller one, on the otherhand, has 8 kids and 1 driver. Ilang beses na rin naming sinabayan yung bata. Vince prefers the small one because he has 2 classmates there. I'm sure it'll be fun "riding" the school bus.

Thursday, June 22, 2006

Updating NZIS

Magta-tatlong buwan na si Henry dito, kahapon lang nya nakausap ang NZIS para malaman kung ano ang procedures for converting WTR visa to PR. Actually, he made sevetral attempts to contact the Keep-In-Touch (KIT) manager on his first week here pero lagi daw recording ang sumasagot sa kanya.

This is what one should do upon arriving in NZ (on WTR visa).

1- Advice your visa officer in Bangkok that you have already arrive in NZ and that you want your application transferred in NZ.

2- Call KIT manager to know where to mail the request for Welcome Kit. Also, confirm with him/her about the transfer of your application.

3- Once you have a "relevant" permanent job for 3 months, ask your employer for an employment contact and letter of offer.

4- Send the above plus 2 payslips to NZIS in New Zealand. Tell them that you are requesting for the upgrade of your WTR visa to PR. Dito daw sa Akl, the approval takes around 1 to 3 months.

Dalawang buwan pa lang si Henry sa trabaho nya pero ngayon pa lang inaalam na namin yung mga dapat gawin pagtungtong nya ng 3 buwan.

Monday, June 19, 2006

Jobs, jobs, jobs

Ang hirap ding maghanap ng work dito. Panay "sorry" ang reply ng mga pinadalhan ko ng CV ko. Is it just me? Naku, tama na ang drama ko.

Ano nga ba ang hinahanap kong trabaho? First criteria, office work. Second, officework. Nevermind if it's not related to IT. Third, malapit sa bahay. Karamihan ng mga IT job vacancies na nakikita ko ay nasa city. Sa ngayon, di pa kami ready sa ganon. Kailangang maihatid o masundo ko si Vince sa school. Ang pang-apat, actually bonus na to, ay may room for growth.

May iterview ako kanina for a call center job. Pasok naman sa mga criterias ko yon. Ang tanong na lang eh pasado ba ako sa kanila. The company is looking for 10 people. Ang dami naming nag-a-apply. Panay puti pa yung kasabay ko. Lamang sila sa akin. Syempre native tongue nila ang english. But there is such thing as "divine intervention". Kaya paki tulungan na lang akong magdasal.

Wednesday, June 14, 2006

"Living Thing"

Usapan namin sa bahay noong isang araw.

Henry: Nakita mo ba yung pajama ko?
Jinkee: Anong itsura non?
Henry: Yung suot ko kagabi na blue?
Jinkee: Ah yung ba, baka naglakad na. 3 araw mo nang suot yon di ba?

Pag-ganitong malamig at maulan, di ka papawisan kaya pwedeng i-recyle nang i-re-cyle ang damit. Pero kung naging "living thing" na yon at naglakad nang mag-isa, aba'y dapat ng i-shoot sa washing machine.

Sadyang mahirap magpatuyo ng damit sa panahong ito. Meron naman drier (separate from the washer) pero sayang ang kuryente kung laging gagamitin. Isa pa, nasisira ang elasticity ng garter ng mga damit pagnainitan sa loob ng drier.

Sa susunod na may mawalang recycled na damit sa bahay namin, alam ko na kung ano ang nangyari.

Monday, June 12, 2006

Koreans and Korea-nobela

Mula ng dumating kami dito, maaga na ang bedtime namin. Sa Pinas kasi, hiniintay pa ng MIL ko na matapos lahat ng mga kapana-panabik na telenobela at Korea-nobela bago sya matulog (mga 10:30pm na yon). Dito, walang masyadong "interesting" na palabas sa free-TV kaya maaga kaming natutulog. At 9:00pm, nahihiga na kami.

Madaming Koreano dito sa North Shore. Akala ko nung una, dun lang sa lugar namin (Forrest Hill). Yung kasing take-away, bakery, Asian store at dairy na malapit sa amin ay panay Koreano ang tumatao.

Noong isang araw nabasa ko sa dyaryo na laganap pala sila sa buong North Shore. There are about 13% Asians here at majority ay mga koreans. Talo pa nila ang mga chinese. In fact, second most spoken language dito ang salita nila. Sana balang araw may korea-nobela na rin sa NZ-TV. Pero dapat may english sub-title. hehehe

Pumapatak ang ulan

It was windy and drizzling this morning. I was actually awakened by the wooshing sound of the wind. If I am in the Philippine, I would think that there's typhoon. But today is just as usual as any "maambon" day.

Instead of walking to school, Vince and I took the bus. Takot kasi akong mabasa kami. Kahit na may water-repellant clothes, gum boots at raincoat pa. Never mind if the bus fare is $2.40 ($1.50 for me and $.90 for the young lass), what's more important is the we don't get wet. Ganyan ang mga Asians, takot mabasa (baka kasi dumami pag-nadampian ng tubig, hehehe). Bat ko nasabiang mga asian? Aba'y sila lang ang nakita kong nagpapayong. Yung ibang mga older kiwi kids, ni walang dalang jacket habang naglalakad sa ulan. Naka-sweatshirt at shorts lang. At hindi lang iisa ang nakita ko. Halos lahat ng nadaanan kong puting papasok sa Westlake (boy's school) ay ganon ang get-up.

Sa mga papunta pa lang dito, don't forget to bring raincoats and water-repellant pants for your kids. Yung gum boots, dito nyo na lang bilhin. Mas cute ang mga available dito. I got Vince a pair for $12. Spiderman pa yon.

Wednesday, June 07, 2006

Proudly Pinoy

Limited pa lang ang trips ko sa grocery at chemist, pero may ilang produktong pinoy na akong na-encounter. Natutuwa ako everytime I see a Philippine-made item. At least I can buy something na familiar sa akin ang lasa/effectiveness.

Here are the items I found so far:

- bananas (yung mahahaba na mabango)
- Incremin at Dimetapp (gawa ng Interphil)
- Milo Cereals (gawa ng Nestle Cabuyao)
- Clover Chips (NZ$1.65 yung malaking pack)
- Jack 'n Jill Mr. Chips

Tuesday, June 06, 2006

Brrrrrrrr.....

Grabe, umabot ng 3degrees dito kaninang umaga. Umaabot pa daw ng zero pag talagang winter na. Nag-yelo yung mga salamin at bubong ng kotse ni Henry. Even the lawn is not spare. Parang may puting kumot na nakatakip sa damuhan nang lumabas ako kaninag 8:30am.

How do people here keep warm? Aside from warm clothing, kailangan ng makapal na kumot. Wa-epek yung mga kumot sa Pinas. Ang mga nakita ko na so far ay duvet and electric blankets. Andyan din ang heater at dehumidifier to keep the room comfy. Medyo tataas lang ang electric bill mo pag lagi kang gumagamitn ng heater at dehumidifier. May nag-tip kay Henry na maglagay daw ng mga bote na may hot water sa ilalim ng duvet blankets. This will keep you warm through the night.

Saturday, June 03, 2006

Visit to the doctor

Nagpa-checkup yung dalawang bata nung Wednesday. Sa may Chartwell, Glenfield yung clinic ni Dr. Wilcox. My friend recommended him to me.

Yung ubo ni Vince ay 11 days na. Bronchitis @ right lung daw sabi ni doc. Surprisingly, walang respiratory asthma si Vince. Mukhang hiyang sya sa Auckland. Si Shannen naman kumakati ang torso dahil sa skin asthma. Well problem na namin yon sa Pinas pa lang.

Ang bayad sa doctor ay NZ$28 para sa kids over 6 at NZ$5 for under 6. Presyong may govt subsidy ito. Di ko pa alam kung magkano ang sa adult.

May mga prescription na isinulat si doc. NZ$12 ang binayad ko sa Chemist (botika) para sa Ventolin inhaler, anti-biotic at lotion for skin asthma. Subsized din ito ng govt. Nakakatuwa dito, good for 3 months yung gamot na yon. Pag-naubos na, pwede akong bumalik sa Chemist para magpa-dispense ulit ng gamot (except for the antibiotic). Wala na daw bayad yon. Kukunin ko yung gamot kahit di na kailangan, sayang din kasi yon. Haaay, ugaling pinoy pa rin ako.

Vince is going to school

I went to Forrest Hill Primary School last Tuesday to enroll Vince. Simple lang ang reqt - passport and visa ko at ni Vince. Hindi nanghingi ng school records/certs. Age ang basis nila kung saang class ilalagay ang bata. Since Vince is 6.5y/o, he'll be joining Year 2. Pwede na sana syang magstart nung Wednesday pero sabi ko sa Tuesday na lang. Di pa kasi ako emotionally prepared. hehehe

Maliliit lang ang class size dito. Less than 30 ang isang klase. Sa class nila Vince, 23 lang sila. Ang start ng class ay 8:55am to 3pm. 3 beses ang break para kumain. Isang 5 minutes sa umaga where they need to bring "healthy food", isang tea break at lunch sa 1pm. Di daw uso ang kanin sa school kaya ipagbabaon ko ng sandwiches at pies si Vince. Sana masanay sya sa ganitong pagkain.

Kung working ang parents, pwedeng iwanan ang bata before or after school. May ganitong service na available sa school. NZ$12 ang bayad. Isasama ko si Vince dito pag nakapag-work na ako. Kung sanay na sana sa area yung MIL ko, pwedeng sya na ang susundo. Medyo takot pa kami at this point.