Thursday, July 27, 2006

Go home and plant Kumara

Pag-sinabihan ako dito ng "go home and plant Kumara" (or camote in tagalog), I won’t get offended. Bat kamo? Ginto kasi ang camote dito. Ang grapes nasa $3/kg, broccoli $1.5/kg and Kiwi fruit $0.99/kg (minsan $0.59 lang) pero ang camote, tumataginting na $4.00. My gulay, camote lang yon! As in camoteque.

Isa pang mahal na gulay dito ang baguio beans. Nasa $11 ang isang kilo. Iniisip ko na lang na mahal ang pamasahe mula Baguio hanggang NZ. For prices of veggies and groceries, check out www.foodtown.co.nz (pero cheaper sa Pak 'n Save, wala lang silang online shopping)

Friday, July 21, 2006

DIY haircut

$10 ata yung pinakamura, most often asian ang taga-gupit. Kung sa parlor na puti ang haircutter, nasa $20 to 22 ang patabas. Nakakamiss yung friendly neighborhood barbero naming si Jimmy na P40 lang ang singil.

Gamit ang $19 na clipper from Hill&Stewart plus 10 minutes na free tutorial kay Jimmy, nangahas akong gupitan ng buhok si Vince. Noong una, nagaaway pa kaming mag-ina kasi naiipit yung buhok nya sa ngipin ng clipper. Nang patapos na kami, nakuha ko na rin kung pano gamitin yung lintyak na clipper. Final result: parang gupit din ni Jimmy yun nga lang kung may hangover sya. (picture to follow)

Tuesday, July 18, 2006

Fog

I never realized how uncomfortable and dangerous foggy environment could become until last week. Paglabas naming ni Henry ng bahay para pumasok sa trabaho (mga 6:00am), nagulat ako sa kapal ng fog (mga 7:30 simisikat ang araw). Sabi ni Henry hindi pa raw yon ang pinakamatinding na-experience nya.

Mga 15meters lang ang nakikita ko ng malinaw. Further than that, blurred na. Yung naramdaman kong excitement noong una ay nawala. I suddenly felt suffocated. Hindi ako makahinga. I think it was a psychological thing. Henry didn’t have any problem with it except that he couldn’t drive as usual. Nag-on na yung fog light nya pero palabo pa rin yung paligid.

Well, this is one of the things that I have to live with. Masasanay din ako.

Thursday, July 13, 2006

Overheat

Yesterday, I woke up in the middle of the night with a big panic. Shannen, who sleeps beside me, was kinda hot. When I took her temperature, it was 38.1 degrees. Her cheeks are so red. Gosh, I didn't know what was happening. She was very ok went we went to bed.

Esep-esep ako kung ano ang gagawin. Tinanggalan ko sya ng kumot (duvet), baka ma-dehydrate. Then gave her a bottle of milk. I checked her temp after 10 minutes. Bumaba na, 37.1 na lang. Although mainit pa rin, di ko na kailangang bigyan ng paracetamol. Gising ulit ako after an hour, nasa 36degrees. Nang nasa-trabaho na ako, minomonitor ko pa rin si Shannen. Normal naman daw sabi ni MIL.

Naikwento ko to sa kaibigan ko. Sabi nya, baka daw nag "overheat" ang katawan ni Shannen dahil sa kumot. Maybe the duvet was too hot for her. Mukhang tama sya, di kasi sanay nagkukumot si kulasa. Nung gabing yon ko lang sya nakumutan, duvet pa.

Malaking lesson sa amin yon. Kids' bodies don't work like adults'. Mas kaya nila ang lamig. Overclothing (in our case it's over-blanketing) them could make them generate more heat which can lead to dehydration. Hayaan lang natin sila kung saan sila comportable.

Wednesday, July 12, 2006

Chinese? who? me? Part 2

This actually happened in Henry's workplace. Na-assign si Choi (syempre di tunay na pangalan) sa isang installation project. Not long after he left, eto na sya sa pintuan ng planta bitbit lahat ng gamit na dala nya noong umalis sya. Ang nangyari, di sya pinapasok noong puting customer because he's different. Choi is chinese. Di lang minsang nangyari sa kanya yon. Ngayon, di na sya mautusan na lumabas para humarap sa mga kliyente.

Aside from the fact that there is no single drop of chinese blood in my body, some chinese here are somewhat discriminated. Yan ang iniiwasan ko kaya ayaw kong ma-tag kami na chinese. Oo, meron ding ganyan dito pero di naman kasing lakas kumpara sa ibang parte ng mundo. Hanggang dito na lang ang sasabihin ko. Mahaba at malalim kasing usapin ang discrimination. Sino ba naman kasi ang naka-imbento nyan?

Thursday, July 06, 2006

Chinese? who? me?

Siguradong pagtatawanan ako ng mga kapatid ko pag nalaman nilang 4 na beses na akong napagkamalang chinese dito. One 2 occassions I was asked translate chinese script. Yun namang 2, basta na lang akong kinausap ng 2 chinese.

Oo ngat medyo maputi ang balat ko at darkhaired ako pero naman-naman, me kalakihan ang mata ko. Di naman ito side-effect ng goiter ko. Sadya lang maraming nasasakop ang tingin ko. Ang ginagawa ko ngayon, naglalagay ako ng eyeliner para lalo pang dumilat ang mata ko. Plano ko ring magpakulay ng buhok. Ano ba ang maganda? brunette, redhair or blonde?

Ngayon pa

Kung kailan ako may trabaho na, saka naman dumadating ang ibang employment opportunities. Since late last week, nakaka-walong na calls na ako. Naku, ngayon pa, nakakahiya ng umatras dito sa trabaho ko. Isa pa, may potential growth tong ginagawa ko. Ang downside nga lang talaga nito ay nasa city ito. Mas malayo, mahaba ang travel time.

Ganun daw talaga yon. Don’t expect the employers/employment agents to contact you 1 or 2 weeks after sending your application. Mahihinog pa lang yung mga itinanim mong CV mga 3 to 4 weeks later. Don’t get depressed kung isang buwan na ay wala ka pang trabaho. You really need patience when applying for a job, lalo na kung wala kang local experience. Sanay naman siguro lahat ng new migrants doon (lalo na kung VO mo yung lovely VO namin).

If you get rejected after an interview, ok lang yon. The interview alone is a good sign. Ibig sabihin non, your qualification/experrience is good enuogh for them to notice you.

Monday, July 03, 2006

Shhhhhhh....

Aside from being friendly, one Kiwi characteristic that I am really awed is the manner they speak. They speak so softly. I observed this in the grocery, park, school and even here in the office. Parang boses pang library. Kaya nga nagbaba ako ng “order� sa bahay na dapat ay laging malumanay at mahina ang usapan namin. Gosh, ang hirap palang masanay sa ganon.

Sunday, July 02, 2006

Yehey, di na ako jobless

Nag-start na ako ng work noong Friday (June 30). May naawang isang kaibigan, ni-recommend ako sa trabaho. Ang gara nga eh, when I accepted the job, saka naman nagdatingan yung reply sa mga inapplayan ko.

About my job. Casual lang naman ako but it's very exciting . Related kasi sa experience ko sa Pinas. Medyo nangamote ako nong Friday. Sana by tomorrow, adjusted na ako.