Tuesday, June 26, 2007

Henry the babysitter

Henry as a babysitter? Why not.

Ipinasyal ko si mum, BIL and SIL nung Sunday. Naiwan si Henry at mga bata sa bahay. Nang hapon na, may dumating na isang kababayan nya sa Malabon. Syempre kwentuhan muna nung una. Makarami na sila ng usapan nang magtanungan tungkol sa pamilya. Sinabi ni Henry na 2 ang anak nya, sabay turo kay Shannen at Vince. Nagulat itong si kababayan. Akala kasi nya nagbe-babysit si Henry ng anak ng Kiwi. Ha ha ha, napeyk sila ni Shannen.

Thursday, June 21, 2007

BIL and SIL

Gaya ng sabi ko dati, gusto naming makasama dito sa NZ ang mga kamag-anak namin. Nagsimula na nga po ito. Kahapon, dumating ang bro-in-law (BIL) and sis-in-law (SIL) ko. They are here on a 3-weeks visit. Ang unang plano ay Sunday sila dadating dito. Kaso, Saturday na dumating yung visitor's visa nila. Masalimuot ang naging kwento ng pagkuha nila ng visa but I wont go into the details anymore. Ang importante, nakarating dito.

Excited si Vince na makita ulit ang kanyang dear uncle. Close kasi sila non. Pagdating galing school, gustong nyang gisingin si BIL. Buti na lang at napigilan ko. Iba naman ang drama ni Shannen. Noong una, parang makahiya na ayaw lumapit at magsalita. Pero nang tumagal-tagal, lumabas na rin ang kakulitan ni kulasa.

I'll take them to SkyCity on Sunday. Isasama ko na rin sa pasyalan ang aking mum (that's how they spell it here). Aside from that, we'll show them the CBD, countryside, malls, parks and beaches. Sana magustuhan din nila ang NZ. It's more than just sheeps and cows. It's a beautiful country and has a lot of interesting things to offer.

Monday, June 18, 2007

Have a seat

May nakakatuwang eksena kanina sa bus. Dahil rush hour, punuan na yung bus. Maswerte ako at nakuha ko yung huling bakanteng upuan. Kaya yung mga sumunod sa akin ay nakatayo na (mga 8 siguro sila).

Bago umandar yung bus, may isang bagitong koreano (I can easily tell by his hairstyle) na tumayo para ibigay sa isang babae ang kanyang upuan. Tumanggi nung una si babae pero tinanggap din at nagpasalamat noong huli. The lady was in her mid-30s so di mo sasabihing type sya ni koring. Di rin sila nag-usap pagkatapos non kaya malamang di sila magkakilala. Ang tingin ko, nakinig nang maige sa good manners na turo ng nanay nya itong si bagets.

Kahit nasa ibang bansa man, huwag din sanang kakalimutan ng mga pinoy ang ganitong ugali. Oo ngat di sanay ang mga kiwi sa ganong siste, pero wala namang masama kung ipagpapatuloy nating ang nakasanayan. Kiwis are generally kind and lovely so baka mausohan din sila non.

Thursday, June 14, 2007

Pwede nang mag-asawa

My mom is very talented and skillful. Magaling syang educator lalo na sa pre-schools. She plays the piano, marunong mag-drawing (she's done some murals), marunong manahi, minsan puninturahan nya yung bubong at gate namin, etc. Mahaba pa ang listahan ng kayang gawin ng nanay ko but unfortunately hindi kasama doon ang pagluluto. Pagdating sa kusina, she's still learning. Wala akong matandaang special ulam na niluluto ng nanay ko (hindi counted ang special prito at special ginisa). Minsan magsasaing na lang sa rice cooker sumasablay pa. Buti na lang kahit ano kinakain namin. Ang biruan nga namin sa bahay dati, pano sya nakapag-asawa ng di sya marunong magluto. Her defense, my lola did not allow her (and her sister) to work in the kitchen. Baka makasunog, may mabasag, mali ang ilagay, etc. Ayun naman pala.

Nitong mga nakaraang linggo, nagugulat ako sa mga pangyayari. Aba, laging special ang ulam namin courtesy of my mom. Yummy na yung ulam, maganda pa ang presentation. Kagabi chowmein ang ulam namin, pwedeng pagkamalang binili sa takeaway. Kanina burger steak ang hapunan, pati si Vince at Shannen ginanahang kumain. At hindi don natatapos yon, lagi syang naglalagay ng lovely flowers sa kitchen. I therefore concluded na pwede na syang mag-asawa :D

Monday, June 11, 2007

Cultural Diversity Part 2 - Maori

Note: The purpose of the series of seminars is to know the different cultures of people in NZ so that staff would have an understating of the protocols when engaging with them. Whatever is written here is based on my understanding of what the resource person shared with us.

Nang matapos ang 1.5hrs seminar (half hour more than scheduled), napag-alaman kong maraming ways pala para masaling mo ang mga Maoris. Kaya dapat mag-research ka muna bago ka humarap sa kanila. Nandyan yung dapat tama ang pagpo-pronounce ng maori terms. Wag kang uupo sa ibabaw ng mesa. May ibang Maoris na hindi type na nakikitang nagha-Haka o may maori tattoo ang mga hindi nila kalahi (although sa iba ok lang).

Treaty of Waitangi. It was signed by a Crown representative and Maori chiefs from the North Island. This treaty plays a big part in the past, present and future of this country. However, balot ito ng maraming kontrabersiya kaya hanggang ngayon iba-iba ang pananaw ng mga Tao tungkol dito. Andyan yung iba daw ang English version sa Maori version. Merong nagsasabi na di ito applicable sa kanila kasi hindi kasali ang chief nila sa pirmahan. May iba namang kinikilala ang Treaty as agreement para payagang tumira sa NZ ang mga non-maoris.

Di gaya ng mga aborigines ng Australia, Indians ng Tate at Aetas ng Pinas, mas may recognition ang mga Maoris dito sa as first settlers ng NZ. Tingin ko, this is attributed to the fact that NZ has been colonized much later than the other countries. Mas marami ng alam ang dalawang partidos (maoris and the Crown) tungkol sa pananakop.

Isang taon na kami dito pero wala pa akong nami-meet na Maori. Buti na lang yon kasi hindi prior to the seminar, clueless ako kung ano ang cultura at mga tradisyon nila. Actually hanggang ngayon hindi pa din ako confident na makakaharap ako sa kanila ng hindi ako sumasablay sa protocols. And if that moment comes, I think the best way for me to do is to show them respect which every person deserves, regardless of color, culture or ethnicity.

Thursday, June 07, 2007

Garden na sossy

Namasyal kami sa Auckland Botanic Gardens nung Monday. Kinagabihan, pinadalhan ko ng ilang pictures si Queenie (my younger sister). Kinabukasan sumagot ang lola. Para lang daw kaming nasa Tabang (bilihan ng halaman sa Guiguinto, Bulacan). Nag-email ako ulit. Sabi ko, sossy ang Botanic Gardens, ang mga hardinero don eh mga degree holders. At walang panama ang mga halaman sa Tabang sa lupit ng pangalan ng halaman na 'to....

Friday, June 01, 2007

Top of the world

Ang gleng-gleng ng college classmate ko - si Regie Pablo. He reached the summit of Mt. Everest on 17 May 2007. You can read about it in The Phil. Daily Inquirer.

Nakakabilib ang determination nya. He put aside everything (even his job) to accomplish every mountaineer's dream. He's so slim nung nasa Mapua kami. Hindi ko aakalaing kakarerin nya ang pamumundok.

Well done Regie.