Wednesday, February 28, 2007

from Grapes to Apples

Finally, nakakita na kami ng bahay na malilipatan. Last week, 2 bahay yung tinignan namin na parehong mababait na pinoy ang may-ari. Si house #1 ay fully furnished (as in from kutsara to wall paintings), $350 per week rent (super mura) at malapit sa Bayview School. Si #2 ay no furnishing, malapit sa school ni Shannen at mas mahal ng konti. We decided to take the second one.

We’ll officially occupy our new place on 10 March. But we can already start moving our things on 4 March as we will have the key by then. Transferring our things wont be difficult as there’s really not much stuffs to move.

Nakausap na rin ni Henry si current landlord. He’s fine with it kaya lang he requires 3 weeks notice. Yun ang nakalagay sa tenancy agreement so we have to abide. Magkakaron kami ng 1 week rent overlap. Sayang din yong $$$.

About my post’s title, well we now have a nice grape vine in our backyard. In our new house, we’ll have an apple tree.

Thursday, February 22, 2007

Schoolgirl



Shannen is now a schoolgirl. She started pre-school yesterday. Sobrang excited itong si linggit, di mapakali nung Tuesday. Kung anu-ano ang sinisilid sa bag nya. Alam nyo ba ang motivation nya? $$$! Nakikita nya kasi na pinapadalhan namin ng pera si Vince kapag may kailangang bayaran sa eskwelahan. Dapat daw may coins din sya pag nag school na sya. Naku, bata ka!

Twice a week lang ang pasok nya sa Meadowood Community Crèche – Wednesdays and Thursdays. $8 per session (2.5hrs) lang ang bayad since non-profit yung eskwelahan. Medyo malayo lang sa amin (mga 3 kilometers) kaya kailangang mag-excuse si Henry sa trabaho para ihatid sya. Pag-uwi ni Henry, susunduin nya si Shannen then si Vince.

Wednesday, February 21, 2007

Tuyo, Tinapa and Galunggong

By Bo Sanchez

Let me tell you a story. Three construction workers were on top of their half-finished skyscraper. Rrrrring!" the lunch bell sounded, and the three men sat on a steel beam jutting out of the 56th floor with their lunch boxes in hand.

The first guy opens his and groans in exasperation, "Tuyo!" There is not a day that I don't get tuyo for lunch!" He turns to his buddies and announces, "Mark my words. If I still get tuyo tomorrow, I'm going to throw myself from this building."

The second guy opens his lunch box and moans, "Tinapa". Everyday, I get tinapa!" He looks at his friends and declares, "Believe me when I say this. If I get tinapa tomorrow, I'm going to jump and kill myself."

The third guy opens his lunch box and it was his turn to despair. "Galunggong" . All I get is galunggong!" I'm telling you, if I still get galunggong tomorrow, I'm going to jump from this building and die."

The next day, the lunch bell rings and all three men are again seated on the 56th floor. The first guy opens his lunch box and starts crying, "Tuyoooooo!" And so he jumps and crashes on the ground.

The second guy opens his lunch box and wails loudly, "Tinapaaaa!" And he also hurls himself off the building and dies.

The third guy opens his lunch box and screams, "Galunggonggggg! " And so he too jumps off the building and splatters on the ground.

Days later, during the funeral of the three men, their three wives embrace and weep together. The first wife cries out, "I didn't know my husband didn't like tuyo anymore! Why didn't he tell me? If only he told me, I would have prepared something else."

The second wife echoes her statement, "Yes! If only I knew, I would have cooked something else, not tinapa!"

The third wife, between sobs, speaks up, "I don't know why my husband killed himself." The two wives look at her curiously. "Why?" She went on, "Because ... my husband prepares his own lunch everyday..."

I love this crazy story because it presents a very important truth: all of us prepare our own lunch. If we don't like our jobs, if we don't like the state of our relationships, if! we don't like what's happening to our spiritual lives - we have no one to blame but ourselves. Because God has given us free will. He has given us the power to prepare our own lunch.

If you want to earn more and be free from debt, if you're sick and tired of your bad habits, if we want to put more joy in our marriages, if we want to grow in our relationship with God - then go back to your kitchen and prepare yourself another dish. Because you design your own future. You create your own destiny. Ask yourself what kind of future do you want to have? What kind of life? What kind of eternity? You decide.

Tuesday, February 20, 2007

Mom's here



My mom arrived last Sunday pm. Henry, the kids and I went to the airport to pick her up. It wasn't hard to spot her amongst the crowd because she was wearing a "bloody" red jacket (her favourite color). My heartbeat went faster than its normal phase and my hands were a bit sweaty. I couldn’t hide the excitement I had to see her again.

Saturday, February 17, 2007

She'll be back



Hinatid namin kaninang umaga si MIL sa airport. Ikihuha namin sya ng wheelchair para di mahirapan sa pag-transfer sa HongKong (thanks to KU's Jean's advice). Binilinan ko sya na mag-acting-acting ng konti. he he he

Nang bumalik na kami sa kotse, ayaw pang sumakay ni Shannen. Hinahanap ang lola nya. Sabi ko sumakay na ng airplane papuntang Pilipinas but "she'll be back". So ok na, naupo na sa carseat nya. Nang umaandar na kami, panay ang lingon sa likod. Bat daw wala pa si Lola. Ang intindi pala nya, nasa "back" (likod) namin. asus.....

Nag-tidy up kami ng konti nang makabalik kami sa bahay. May nakita si Shannen na isang kendi (sugar-free) na naiwan ng Mama. Ibibigay nya daw yon pag dating. Alam kong gusto nyang kainin yon pero hanggang ngayong hapon nakatabi lang. I wonder if she'll hold on to it for 9 months.

We are really grateful that she's with us in the most crutial part of our new life. Malaking bagay na may napag-iiwanan kami ng bata. Buti na lang di sya nainip dito. Well, she actually like it here kaya kahit walang teleserye ok lang.

Thanks Mommy Chit for taking care of us. We'll see you in 9 months.

Tuesday, February 13, 2007

IRD Family Assistance

Isa sa kagandahan dito sa NZ ay sinisiguro ng gobyerno na ang lahat ng residente ay pwedeng mabuhay ng maayos. Kung may sakit ka, libreng magpagamot sa govt hospitals. Meron ding Accommodation Supplement kung may binabayaran kang rent o mortgage. Kung maliit ang family income, Family Assistance ang ibinibigay.

Kasabay sa pafa-file PR application ang pagre-research namin sa mga posibleng supporta na makukuha namin sa govt. Dahil pareho kaming kumikita ni Henry (kahit di kalakihan), sa Family Assistance ng IRD lang kami nag-qualify. In the same week that we applied, na-credit sa account namin yung allowance na $75/week. Nakabase ito sa estimated annual income namin from April 2006 to March 2007. Maliit lang ang combined salary namin kasi July na ako nasimulang magtrabaho. Pag dating ng April rerepasuhin nila yung actual income namin. Kung mas maliit ang actual vs. forecasted, may lumpsum kaming makukuha (ata). Kung mas malaki naman, magbabalik kami na bayad.

Malaki man ang binabayaran mong tax, nakikita at nararamdaman mo naman kung saan ito napupunta. Hindi nakakasama ang loob mo dahil pakikinabangan mo din kung kailangan mo.

Sunday, February 11, 2007

Born to fish, forced to work



Di na talaga mapipigilan itong si Henry sa pagfi-fishing. Ilang Sabado na syang gumising ng maaga para sumamang pumalaot. Ang tyaga talaga ng asawa ko basta sa fishing.

Kahapon swerte sila ni Russell (yung kiwing kaibigan nya). 12 good-sized snappers ang nahuli nila. Bawi na yung mga araw na kabo sila. Since marami pang stock na isda sa bahay si Russell, si Henry ang nag-uwi ng lahat ng isda. Napuno yung chilly bin nya.

Di ko na sya ngayon kino-kontra sa hobby nya. Wala eh, talagang gusto nya yon kaya pagbibigyan ko na lang.

Friday, February 09, 2007

Biker Vince

Pinapagalitan ni MIL si Vince noong isang araw. Nadagdagan na naman kasi ng sugat ang binti ng anak ko dahil sa kakabisikleta. Sabi ko naman, ok lang yon, at least ngayon marunong na syang mag-bike.

A few weeks ago, may nagbigay sa amin ng lumang beginner’s bike. Working condition pa yung bike kaya lang sira yung gulong sa likod. Sa halagang $33 ($10 lang sana pero may dagdag na $10 para sa labor), may bike na si Vince.

Binigyan lang ni Henry ng konting tips si Vince at mag-isa na syang nag-aral (without the training wheels). Lunes sya nagsimulang mag-practice. Pag-uwi ko ng Martes, aba marunong na. Medyo malaki yung bakuran namin kaya doon lang sya umiikot.

Naghahanap ako ngayon sa Trademe ng 20� bike. Pang 2 to 4 yrs lang kasi yung nasa bahay, tama lang para kay Shannen. Pretty soon, ire-reklamo na yon ni Vince. O sya, magbi-bid muna ako.

Wednesday, February 07, 2007

Tigil muna sa paghahanap

Kinausap ni Henry si landlord kahapon tungkol sa pag-alis ni MIL at sa pagdating ng mommy ko. Agad na sumagot si landlord na “no problem�. Pagkatapos ng ilang minuto, binalikan nya si Henry para sabihing kailangan na naming mag-share sa bayad sa tubig. Sagot kasi ni landlord ang H2O bill. Di naman kamahalan, mga $200 per six months. Prepared naman kami ng magbayad ng extra kaya ok lang.

Nawala na ngayon ang pressure sa amin na maghanap ng bagong titirhan. Ang hirap kasi talagang maghanap dahil madaming bagong dating na migrants. May requirement pa kaming dapat malapit ang bahay sa eskwelahan kaya mas lalong mahirap maghanap. So we’re be staying in our nice little place for a few more months.

Monday, February 05, 2007

Betty

Early January of this year, kabi-kabila ang mga ads sa TV para sa mga bagong shows. Isa sa mga eye-catching ay yung palabas na Ugly Betty. Nang minsang mapanood ko ito, parang "sounds family" yung plot/theme. I did some search in Google and found my answer. Ito pala yung Betty La Fea na pinalabas sa GMA (Channel 7) one or 2 yrs back.

Kahit hindi ako "kapuso", may recall sa akin yung palabas na yon. Palagi kasi itong binabanggit ng pamangkin kong si Sam. Ang istorya ay tungkol sa di-kagandanhang si Betty Suarez na nagta-trabaho sa isang fashion magazine. Matatangkad, sexy, pretty at fashionista man yung mga kasama nya, special si Betty dahil maganda ang kanyang kalooban.

Pang-4 na episode na bukas ng Ugly Betty. Yung mga nauna ay napanood kong lahat. Iilan lang ang palabas dito na talagang pinapanood ko. Nakaka-miss ang mga TV shows sa Pinas esp. yung mga teleserye, telenovela, koreanobela, fantaserye, etc. Marami na rin lang pinoys dito sa NZ, i hope soon magkaroon na ng TFC.

Friday, February 02, 2007

Changeover

Feb. 17 ang balik ni MIL sa Pinas. Pag-alis nya problema ang pagbabantay sa mga bata. Meron kaming Plan A which is to bring my mom here, at Plan B – take the kids to afterschool-care/daycare. Gaya ng sabi ko dati, di ako comfortable sa daycare dahil madalas ng nagkakahawahan ng sakit ang mga bata doon.

Working on Plan A. Nung December 2006 pa lang nilakad na ng nanay ko yung visa application nya. Early Feb ang ini-apply nyang departure date. Nung Jan 18 na-approve ang visa. Siguro dahil sa senior citizen na sya (nakup, wag nya sanang mababasa to) at may ilang overseas travels na din syang nagawa, visitor’s visa (not limited purpose) ang ibinigay sa bago naming yaya este reyna.

Dahil mahirap magpa-book ng flight sa ganitong panahon (dahil sa chinese new yr), Feb 18 ang nakuhang ticket. Gusto sana naming magkasama ang 2 lola sa iisang bubong (para may turnover of command) pero hindi na yon naging possible.

Super excited na akong makita at makasama ulit ang nanay ko. I really miss her.

Tuesday, January 23, 2007

Unpleasant encounter

A couple of weeks ago, pumarada kami sa tapat ng isang commercial bldg sa Wairau Park. May 2 bakanteng parking slots, sa gawing kanan ang kinuha ni Henry. Parehong malalalaking SUV yung nasa magkabilang gilid kaya na-stepping on the line kami. Just before Henry switched off the engine, may isang pulang SUV na kukunin sana yung libreng space. Pero dahil may kalakihan din sya, di sya nagkasya kaya sa iba na lang sya pumarada.

Halos sabay lang naming bumaba ng sasakyan yung puting driver ng pulang SUV. Kita ko sa mukha na na medyo galit. Nagsasalita sya habang papasok sa building. Di ko narinig yung iba pero yung dulo ay "f**king foreigners!". Nakupo, nagpantig ang tenga ko. Sabi ko kay Henry ako na ang balaha doon.

"What's your problem with us?", tanong ko sa kanya.

"You shouldn't be in NZ. Why not go back to own country...", sagot naman nya.

Abay loko pala sya. Di ba nya nakikitang kelalaki nung mga katabi naming sasakyan. Sa mga ganitong pagkakataon bumibilis akong mag-isip at gumagaling akong mag-ingles (naalala ko tuloy nang makipag-argumento ako noon sa kapitbahay naming si Atty. Jarapa). So sumagot ako. Marami pa sana akong sasabihin para i-tama yung konsepto nya but he walked away from me.

This is not a perfect world. Although a lot of kiwis are polite and accommodating, may iba ring rude at discriminating (esp. to asians). If you allow them to do it to you, they'll just keep on going. So kung ayaw mo ng ganong treatment, you have to put up with them.

Monday, January 15, 2007

Kwarentallador

Summer is undeniably here. Well, December pa ito officially nagsimula. Although ramdam ang change ng temperature, madalas pa ring malamig ang panahon esp. kung cloudy. Ngayon, pag nakasilip si Haring Araw, talaga nga namang iindahin mo ang init.

Di na namin matiis ang alinsangan sa gabi (isang malliit na bintana lang ang pwede naming buksan sa buong bahay) kaya bumili kami ng 2 electric fans noong Sabado. Haaayyyy…. ang himbing ng tulog ng mga bata.


Note: 2 x bentellador = kwarentallador

Thursday, January 11, 2007

Hanapbahay - Part 3

Haaayyyy.... Wala pa rin kaming nahahanap na lilipatan. So far lahat ng tinignan namin ay di pwede. Kung hindi maganda yung location, di namin kaya yung rent o kaya pangit yung bahay.

Sa February dadating ang nanay ko dito (hopefully). Mag-o-verlap sila ng mga 2 weeks ni MIL. Siguradong di na papayag yung landlord namin for another extra headcount. Yun kasing kay MIL ay pinakiusap lang namin. Sinabi ni Henry na shortterm lang ang stay nya pero 8 months na ngayon.

Sabi yung rental agent na nakausap namin, mula ngayong week na to hanggang early Feb ang kasagsagan ng rental market. Sinasamantala ng mga tao ang school holiday sa paglilipat. Sana nga within the next days ay mahanap na namin ang aming next house.

Friday, January 05, 2007

Boxing Day

Dec. 26 is Boxing Day in New Zealand. Sa loob-loob ko, katatapos lang ng Pasko magsusuntukan na. Asus, mali naman ako doon. Hindi pala para sa mga katotoo ni Pacquiao yung holiday na yon kundi para sa mga less fortunate people. Ang origin ng celebration ay 800 years ago pa. Churches would open their alms "boxes" and distribute it to the poor.

In this time and age, Boxing Day is synonymous to grand sale. Inaabangan ito ng lahat ng tao kasi talaga nga namang makalaglag-panga ang mga presyo. Most retailers would get rid of their over stocks kaya malaking discount na binibigay nila. Gaya na lang nung 7-foot fibre-optic Christmas tree, dating nasa $200 naging $30 na lang. Nakabili ako ng throw pillows na 50% off. Ang sarap bumili kung may pambili.

Ngayong alam na namin ang gimik sa boxing day, next year ay baka ma-late kami ng bili ng mga Christmas gifts. Sasabihin ko na lang sa mga bata na na-traffic si Santa.

Thursday, January 04, 2007

First NZ New Year

Sa Pinas, sinasalubong namin ang New Year sa Bulacan. Masaya mag-bagong taon doon. Laging may street party sa tapat ng bahay namin. Pagtungtong ng 12mn di ka na makakita at makadinig dahil sa mga paputok. Pag nag "dial" ka ng ilong mo, siguradong iitim ang daliri mo.

Ibang-iba dito, mapayapa at walang putukan ang salubong sa bagong taon. To most kiwis, it is an ordinary day. Buti na lang at naimbitahan kami ng isa naming kaibigan na sa bahay nila New Year. Mga 10 pinoy families ang nandon. Bawat isa ay may dalang yummy pinoys dish (super enjoy ako sa Pinakbet). Ang highlight sa mesa ay yung lechon. Nang mag-a-alas dose na, inilabas na yung mga lusis (di pwedeng magpaputok at baka ma-report yung host sa Noise Control). Nang eksaktong 12mn na, pinatalon ng mga nanay yung mga bata para daw tumangkad sila. We really had a wonderful time there. Hindi man mga kamag-anak yung mga kasama namin, very warm naman sila. At ang pinaka-importante sa lahat ay nakapag-celebrate kami.

Nang pauwi na kami, talaga nga naman pong ang tahimik ng paligid. Sa almost 4 kilometers naming byahe, 3 bahay lang ang nakita naming bukas ang ilaw (not even sure if they were celebrating). Pag dating sa bahay, syempre tawag na agad sa pinas. Malayo man, nandoon pa rin kami in spirit.

Friday, December 22, 2006

Seasons Greetings!




Merry Christmas!

from

Jinkee-ganda, Henry-pogi,
Vince-likot and Shannen-kulit

Thursday, December 21, 2006

Hanapbahay - Part 2

As expected, di ibinigay sa amin yung bahay. Nakakalungkot talaga. Pero tuloy pa rin ang (hanay)buhay. Mamaya may titignan ulit akong bahay na malapit sa school ni Vince (KU, malapit lang kila Marlene). Di ko na isasama yung mga makukulit. Sana ito ang swerte namin. Wish me luck!

Tuesday, December 19, 2006

Hanapbahay

Ilang linggo na rin kaming nagtitingin-tingin ng bahay na malilipatan. 2 bedrooms lang kasi itong flat namin. We want something bigger na may magandang ventilation, may garahe, nasa quite street, malapit sa school, malapit sa bus stop at higit sa lahat, afford namin.

Kahapon, may ni-rekomenda sa amin yung kapitbahay naming pinoy. Ipapa-rent daw nung kaibigan nya yung bahay nila dahil nakabili sila ng bago. So nung gabi, pinuntahan namin yung bahay sa Glenfield. The house is perfect for us. Lahat ng criteria ko ay na nandoon at may bonus pa, malaki yung mga bedrooms, may linen cupboard at cul-de-sac yung kalsada.

Gustong-gusto namin yung bahay. Pero ang tanong, gusto ba kami nung may ari. Huli na nang ma-realize naming na bad idea na kasama yung mga bata. The moment we got there, nakupo, naglilikot na sila. Normally, tameme itong si Shannen kapag di nya kilala yung kaharap. Aba kagabi, hyper si kulasa. Nasobrahan siguro sa lolly noong hapon. Ito namang si Vince, nag-indian sit sa sofa. Di daw kasi abot ng paa nya yung sahig. grrrr.....Nakakainis talaga.

I think we made a bad impression before the landlord. They might think that we are not capable of taking care of their dear house. Yun pa man ding mga renovations nila ay katas ng pawis ni mister. Ngayong lingo daw namin malalaman ang desisyon nila. Dinadamihan ko na lang ang dasal para kami ang i-favor.

Wednesday, December 13, 2006

My gulay

Usapang kusina naman. Lagi kaming may gulay sa fridge. We make it a point to eat lots of veggies so that the kids would grow up liking them. Effective to kay Vince. Kay Shannen, hopeless as she only eats french fries.

Dahil sa GI (genuine Ilocana) ang nanay ko, sanay akong kumain ang ibat-ibang gulay. Kahit ata damo kaya kong lunukin. Dito limitado ako sa variety. Ang mga mainstays sa kusina naming ay kamatis, broccoli, cauliflower, asparagus, cabbage at patatas. Yung ibang gulay ay mga “aliens� sa akin. Open naman ako sa ibang gulay kaya lang di ko alam pano yon kinakain. So if you could give me tips on how to prepare them, that would be great.

Here’s the list.
Rhubarb
Swede
Zuchinni
Beetroot
Courgette
Olive
Parsnip
Yam (parang luya na pula)
Brussel sprouts
Turnip
Silverbeet