Wednesday, August 08, 2007

Dog attack

Isa na namang bata ang inatake ng aso dito sa NZ. Poor girl underwent hours of surgery, 290 stitches on her face and a plate on her broekn jaw. Ang masaklap nyan, she's merely 2yrs old (mas maliit pa kay Shannen).

Naalala ko tuloy yung experience ni mommy at Shannen sa aso. Naglalakad papuntang school silang dalawa. Di naman kalayuan yung creche, mga 400meters lang mula sa amin. May nakita si Shannen na hubcap ng kotse na nasa gilid ng kalsada. Tinapakan yon ni Shannen, walang anu-anoy sinugod sila ng malaking aso na galing sa tapat na bahay. Walang tigil yung aso sa kakakahol sa kanila. Boses pa lang nakakatakot na. Tapos kinagat nung aso yung folder na dala-dala ni mommy. Niyakap ni mommy si Shannen habang sumisigaw sya ng tulong. Sarado yung bahay, mukhang yung aso lang ang occupant nung oras na yon. Naisip mommy yung hubcap. Tinulak nya yon palayo sa kanila. Dun pa lang tumahimik yung aso. Laruan pala nya yon at na-agitate sya nung paglaruan ito ni kulasa.

May bad experience din ako sa aso nung maliit pa ako kaya takot ako sa aso. Kaya pag may nababasa at naririnig akong dog attacks, talaga nga namang kinikilabutan ako (para akong si Helen Clark). Ito namang mga dog owners, sana maging mas responsable sila. They must ensure all times that their dogs wont harm any innocent people (ok lang kung magnanakaw). Kung mahirap yon para sa kanila, eh di wag na lang silang mag-alaga o kaya yung maliliit at mababait na breed na lang ang alagaan nila. I really hope wala ng dog attacks mula ngayon, sa bata man o matanda.

5 comments:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

sila macki & aldrin madalas din maka-encounter ng mga galang aso sa pag-deliver nila ng mga junk-mail dito sa chch. ang sarap sakalin ng mga dog-owner nila grrr..

Unknown said...

hi jinkee... i have an email to you..pls read it. thanks.

daisy

Anonymous said...

Gala ako ng gala sa agno noon kaya madalas akong habulin ng mga galang aso.Buti na lang mabilis akong tumakbo(dahil payat pa ako noon)kaya di nila ako maabutan.Sabi nila umupo daw at kuyari kukuha ka ng bato,para matakot sila.Ginawa ko naman yun pero di naman effective.

jinkee said...

@ malou,
make sure di naka-shorts ang mga boys mo para kung madale man ng aso, may protection ng konti.

@ dais,
thanks for the email. sana magkita ulit tayo.

@ g,
oo nga, super slim "tayo" noon. he he he. may time din na hinabol ako ng aso dati at na-outrun ko sya. Yung uupo, mahirap ata yon. Parang inaalay mo na ang sarili mo sa aso para kagatin.