
Friday, November 30, 2007
Santa Parade 2007

Saturday, November 24, 2007
MamaSay is here

Tuesday, November 20, 2007
Writing right

May pumansin sa advertisement ng isang shop dito. Pambihira naman kasi yung sumulat non, mukhang hindi man lang ipinacheck kahit sa isang 10yr old.
Ghastly grammar, hideous spelling and pathetic punctuation. Common yan kahit na english-speaking country na dito. Hindi rin ligtas kahit na mga professionals. Nakita nagsubmit sa akin ng request form kanina. Napansin ko na di lang yung mga boxes ang sinulatan nung employado. Nang tignan kong maige, binilugan pala nya yung mga maling spelling at punctuations. Napilitan tuloy akong i-review ng maige yung form (di ako gumawa non). Ngek, 7 mali pa yung nakita ko. Di naman ako expert kaya lang talagang obvious yung mga errors.
Ang cultura ng pinoy ay hindi masyadong forgiving sa ganitong mga pagkakamali. Ang dami nga naman kasi nating English subjects mula pre-school hanggang university. Meron nga akong naging boss na talagang binibilugan ng pulang ballpen yung mga errors sa magazine. Some people can take it but there are some who don't care much. To them, as long as the message is sent across, pwede na. Ika nga, the end justifies the means. May punto nga naman pero may isang school of thought din na nagsasabi na katamaran yon o kaya sign ng inadequate education. Mas naniniwala ako dito. Kaya kung kaya din lang, write it right.
Note: This blog may contain grammatical and spelling errors as the author is not an expert on these areas. Please use your better judgment when using any material herein.
Friday, November 16, 2007
Our backyard
Now for the second surprise, our apple tree is coming to life again. After hibernating in winter, it's now starting to bloom. Puno na ng bulaklak ang mga dulo nya. By January, we'll have a big supply of apples.

Sunday, November 11, 2007
Aubrey Miles on TV
Thursday, November 08, 2007
Haloween 2007



Monday, October 29, 2007
I dream of Manila
Monday, October 22, 2007
Labour Weekend

Let me start with Saturday. Kasama ang mga kaibigan namin, nagpunta kami sa Silverdale (north Auckland). May bagong bukas ng laruan doon. It's called The Luge. This is how it works. Using in a motorless car (see pictures), magpapadausdos ka from the top of the hill (mga 3 to 4 minutes din siguro yon). Pagpataas, you ride in a travellator (parang escallator). The boys really enjoyed it. They like it really fast. Kami ni Shannen sumakay din pero ayaw namin ng mabilis.
Next stop is Bumper Boat. Di ko mapaandar ng maayos yung boat. Talo pa ako ni Vince. At dahil "bumper boat" syempre may banggaan. Masaya talaga pero basa ka naman pagkatapos. Buti na lang may baon kaming extra clothes.
Sunday is dedicated to Kelly Tarlton. Ang dami naming nakitang isda gaya ng clown fish, sea horse, starfish, puffle fish, mako shark, snapper, stingray, etc. We also saw penguins which awed Shannen to the max. Ang cute naman kasi. Gusto nga ni Shannen magkaron kami ng pet penguin. Nakupo, ang hirap non.
Sunday pm, nag-aya si Henry sa Westfield Albany (the biggest mall in NZ). On our way there, may kakaibang nangyari. Nahuli ng pulis si Henry for speeding. It was a 50K road, nasa 64km/hr ang takbo namin. The fine is $80. Oh no!!!!! Now you know why Henry is working overtime today. he he he
Yan ang kwento namin dito.
Friday, October 19, 2007
Kiwi-style sampayan

Sa US, UK at ibang western countries, ayaw na nila nito dahil daw pangit at wa-klas. Kaya maraming bagong subdivisions doon ang banned ang sampayan. In fact, may multa ang mga offenders. Kaya ang siste, sa dyrer ang diretso ng damit pagkatapos labhan. Iba dito sa NZ. Environmentalist kasi kaya they stuck with the old-fashioned clothesline. Oo nga naman, mag-aaksaya ka pa ba ng kuryente sa dryer kung libre naman ang hangin at araw. Siguraduhin mo lang na maayos ang pagkakasipit dahil baka makarating yon sa kapitbahay. At pag dumilim, takbo na at limasin na ang labada.
Wednesday, October 17, 2007
Kiwiana lunch
3rd anniversary ng opismeyt kong Scottish dito sa NZ. To celebrate, nagkaron kami ng kiwiana lunch. Kanya-kanya kami ng dala ng pagkaing unique or common to kiwis. Ito ang ilan sa mga handa:
- L&P (softdrink)
- meat pie
- sausage roll
- cheese
- brandy snaps
- veggie salad with avocado – ang alam ko lang sa avocado ay yung may gatas at asukal
- Jaffa – orange coated chocolate balls na gawa Cadbury
- Pineapple lump
- chocolate fish – a fish-shaped marshmallow covered with chocolate
- pavlova – parang sansrival; origin is claimed by both NZ and Australia
- lamington – a sponge cake; the kiwis and aussies also dispute on this as well
- Vegemite
- whitebait fritters
- asparagus roll – sandwhich nyo ay may palamang steamed asparagus
- Cheerios – sausage lang to na kulay purple, no big deal, but kiwis cook by boiling in water
That was really a good experience. Imagine, I tasted so many new foods in one sitting. Yung unang 4 lang ang natikman ko na dati. Except for the pineapple lump and vegemite, masarap naman yung mga pagkain (hindi nga lang masyadong exciting). Pag may nag-imbita sa akin na kiwi, din a ako mahihirapang mag-isip ng dadalhin.
Nga pala, yung salad ang bitbit ko (binili ko lang). Kiwi fruit ang unang pumasok sa isip ko pero naalala ko na china nga pala ang origin nito. In fact, it’s also called chinese gooseberry.
Monday, October 15, 2007
Ambury Farm Day




Friday, October 12, 2007
Botohan
"Malinis" ang eleksyon dito. Wala kang makikitang mga campaign materials gaya ng mga posters sa pader, streamers sa poste o kaya mga t-shirts sa mga supporters. Meron din namang mga fyers pero nilalagay lang yon sa mailbox. Ang mga billboards naman ay madalang at di malalaki.
Eligible na kaming bumoto pero useless at this point kasi di namin kilala ang mga kandidato at mga advocacies nila. I've always believed that you need to vote to have a say in the issues kaya sa susunod boboto na din ako.
Sunday, October 07, 2007
All Blacks talo :(
First half, lamang ang AB. Pero pagkatapos nito, minalas ang New Zealand team at sinuwerte naman ang mga Prances. Ang final score, 20-18. Talo ang All Blacks. hu hu hu.
A lot of kiwis are very passionate about rugby. They follow the games with their hearts. No. 1 and standing ng NZ sa mundo pag dating sa rugby kaya sila ang inaasahang mag-dominate sa laban lalo na ng mga kiwi fans. Kaya ngayong talo, marami ang luhaan. Bat nga ba natalo? Malay ko, di ko kasi alam yung rules of the game. Pero sa tingin ko, may kinalaman yon sa uniform nila. Dapat naka-all black ang All Blacks.
Sunday, September 30, 2007
Plan B
I'm sure nagsusungit na yung kasama ko sa trabaho dahil kailangan nyang akong i-cover. Ang tagal nga naman ng 1 week. At di yon ang first time. Nag-absent na din ako ng 1 linggo nung July dahil na-virus si kulasa.
Maswerte yung iba na hiyang sa daycare. Yes, nagkakasakit nga yung mga bata pero kaya nilang i-handle. Ito kasing si Shannen ang hirap na nang pakainin (kahit walang sakit) tapos mahirap pang painumin ng gamot (esp. antibiotic). Sobra akong na-i-stress. So nag-isip kami ng ibang option. May kapitbahay kaming pinoy na stayhome mom dahil may inaalagaang 1.5y/o na anak. Kinausap ko nung isang araw kung ok lang na paalagaan ko si Shannen. Wala daw problema. Magsisimula kami doon sa Wednesday (baka kasi may natira pang virus si Shannen, ayoko namang mahawa yung mga anak nya).
Maganda sana sa daycare dahil marami silang activities doon pero di kaya ng powers ko pag may sakit ang mga bata. I am really praying that this Plan B will work.
Monday, September 24, 2007
Saturday at the city

Thursday, September 20, 2007
Mga balitang nakakaaliw
Closer ngayon si Gabby at KC,
Sumakabilang-buhay na si Ramon Zamora
Umamin na si Regine at Ogie na sila nga,
Nasa Dos na si Angel, etc.
O di ba, updated ako sa showbiz chika kahit walang TFC dito. One of the things that entertain me here is to read the happenings in the Pinoy showbiz arena. Talaga namang entertaining at nakakaloka ang mga balitang artista. Ang source ko ay ang Phil. Entertainment Portal (http://www.pep.ph/). Ang galing ng mga tsismis don, madalas nauunahan ko pa sa balita ang mga kamag-anak ko sa pinas. Buti na lang nai-share ni Bim (ni Jim) at Sharon B yung site na yon.
May mga istorya din akong pinapalagpas. Una yung tungkol sa mga bagong artista dahil wala akong time kilalanin pa sila. Pangalawa, mga awayan gaya ng kay Joey-Willy. Hindi na yon nakakatuwa, nakakainis na. Parang political news yon, eh yung nga ang iniiwasan ko. Duon na lang ako sa mga nakakaaliw. Ito ang bago kong nabasa, umamin si fafa Piolo na naging sila ni Pops. Naku, ang haba ng buhok ng lola. Si fafa Sam kaya, sinagot na kaya ni Anne Curtis?
Sunday, September 16, 2007
Maori language
May pagkakahawig nga ang salita nila sa tagalog. Sa numbers na lang, tignan nyo pano sila magbilang.
1 - Tahi
2 - Rua (sa ilokano dua)
3 - Toru
4 - Wha (pronounced as 'fa')
5 - Rima
6 - Ono
7 - Whitu (pronounced as 'fitu')
8 - Waru
9 - Iwa
10 - Tekau
Madali lang ang pag-pronounce ng mga words nila. Kung pano mo basahin yon sa tagalog, ganun din sa maori. Ang a, e, i, o, u kasi nila ay ganon din kung pano natin yon sabihin.
Thursday, September 13, 2007
Trip to Auckland Museum


But contrary to my initial impression, Auckland Museum is a cool place. We enjoyed every bit of it. Ang mga paborito namin ay yung stuffed elephant, tree house with oranggutan, insect area, lolli wall at dinosaur fossils. Maganda din yung volcano area kung saan may simulation ng pagputok ng bulkan. Bale papasok kayo sa isang bahay then you’ll see in the window that an underwater volcano (near Rangitoto) is erupting. Magkakaron ng earthquake tapos magwawalan ng kuryente. Cool di ba, pero itong si Shannen natakot. As in nanginig sa takot. Nag-aya tuloy umuwi ng di oras.
We stayed there for 2.5hours. Sobrang bitin yon. We could have stayed there the whole day dahil talaga naman interesting yung exhibit doon. Pero ok lang yon para maulit ulit ang punta naming sometime in the near future.
Thursday, September 06, 2007
Cooking made easy (and yummy)
Marunong akong magluto pero hindi magaling. Limitado din lang ang luto na kabisado ko. Dati tinatawagan ko ang Ate Chris ko kung kailangan ko ng saklolo, di na yon pwede ngayon pero mabuti na lang at natisod ko ang blog ni Connie Veneracion, ang http://www.pinoycook.net/. Madaling sundan at yummy ang recipe ni Tita Connie. May kasamang delectable pictures, interesting dining experiences at practical cooking tips ang blog nya kaya I always visit her site.
Kaya sa mga prends ko dyan na nagpa-planong magluto ng something special sa weekend, check out Connie’s blog. You'll definitely find something you'll enjoy doing and eating there.
Monday, September 03, 2007
Of chores
Ganito ang arrangement namin. Sa umaga, ako ang toka sa paghahanda at paghahatid sa mga bata sa eskwelahan. At 3:00pm, susunduin na ni Henry at Janjing yung mga bata. Pag dating ko nang 5:30pm, nakaluto na si Henry at natapos na ni Janjing ang mga labada. Pagkatapos ng dinner, pag-uusapan na namin ni Henry ang menu for the next day. Ihahanda na din ni Henry ang baon nila for the next day.
Maswerte ako dahil may division of labour kami sa bahay (ewan ko kung nagrereklamo sila pag wala ako). Ganun naman talaga dapat sa bahay lalo na kung walang inday na pwedeng utusan. Very stressful yon sa nanay kung lahat na lang ng trabaho ay sa kanya. Mabuti na lang at magaling ang training ng byenan ko sa mga boys nya. At hindi lang sila willing tumulong sa chores, pulido pa gumawa. O, meron kayo non?
Wednesday, August 29, 2007
Work Visa for BIL
Nasa Pinas pa lang ay very willing na yung ang boss ni Henry na bigyan ng trabaho si BIL. Dahil sa wala akong mahagilap dati na may kaparehong situation, lumapit kami sa isang agent para ayusin ang work visa nya. Pwede sanang sa Pinas i-apply yung WV kaso mas preferred ni agent na dito na yon i-file. Kaya nang dumating dito si BIL (at sister-in-law), they were on visitor's visa.
10% ng first year salary ang charge ni agent kung sya ang maghahanap ng work. I believe this is a common practice by employment agents. But since may job ofer na, 5% na lang ang bayad. Malaki pa din but because we don't know how the process works, pwede na din.
BIL is currently staying with us. This is really good para may ka-buddy-buddy si Henry at may second tatay yung mga bata. So umalis man ang mommy ko, may isa pa kaming additional na kapamilya.
Monday, August 20, 2007
Daycare: Separation Anxiety
Nang ihatid ko sya kaninang umaga sa daycare, umiiyak at ayaw nyang bumaba ng kotse. Binuhat ko sya hanggang sa loob ng daycare. Nang nakita ng teacher na na umiiyak sya, kinuha nya si Shannen. Sinenyasan nya ako na pwede na akong umalis. Gusto ko pa sanang magtagal doon hanggang sa ma-appease sya but that wasn’t a good idea. I will just prolonging our agony. Yup, our agony kasi nagdudugo din ang puso ko na iwanan sya doon na umiiyak. Feeling ko nga mas apektado ako kasi si Shannen pagkaraan ng ilang sandali ok. Eh ako, buong araw nato-torture sa kakaisip sa kanya.
Oh my poor little girl, how I wish I can be with her all day. But that’s not possible at the moment. Siguro kung tatama ako sa lotto o kaya magiging manager sa trabaho si Henry, pwede pa. Sa November pa pwedeng bumalik ang Mama ni Henry so 3 buwan kaming magtitiis sa ganitong situation. Cheesecake, cheesecake ….. can someone please give a me slice. please….
Sunday, August 19, 2007
A cheesecake moment
Ayaw ko pa sanang umalis ang mommy ko kaya lang marami na syang dapat asikasuhin sa Pilipinas. Alam kong gusto pa nya sanang samahan kami dito pero mas malaki ang responsibilidad na naghihintay sa kanya doon. She never asked me if she can go 'cause I know it also breaks her heart to see us in a difficult situation. But I have to unleashed the selfishness in me so allowed her to go. This is for everyone’s best. We will always be grateful that she spent 6 "boring" months with us.
Bakit cheesecake moment? Sa Pilipinas kasi, when I feel really down I always get myself a slice of blueberry cheesecake to cheer me up. Kaso walang Red Ribbon of Cheesecake, etc. dito so sorry na lang ako.
Thursday, August 16, 2007
Clever salesmen
Naalala ko tuloy yung kwento ng isang kaibigan kong ahente noong nasa university pa ako. Pero itong version nya eh "for reel". Top salesman ng Vulcaseal itong si Kuya Raul. Madiskarte sya sa pagbebenta ng produkto nya. Sari-saring gimik ang ginagawa nya para makakuha ng madaming order. Ito ang isa sa mga istayl nya (very effective lalo na pagkatapos ng bagyo). Sa halagang Php50, aarkilahin nya ang isang tambay para "sumama" sa kanya. Papasok sa hardware itong si accomplice at magtatanong kung may Vulcaseal sila. Pag wala, sasabihin nyang "sayang, bibili sana ako ng madami". After a while, dadating si Kuya Raul at mag-aalok. Syempre dahil sa may (artifial) market demand, eh mag-o-order ngayon itong si hardware. Ayos!
Eventually, naging sikat ang Vulcaseal (but not necessarily because of his efforts). Nagkaron pa nga nga madaming TV adverts at promo sa PBA. Hindi na nya kailangang maghagilap ng tambay sa kanto para kumota. Matagal na akong walang balita kay Kuya Raul. Ewan ko yun pa din ang trabaho nya. Anyway, kung ano man ang ibebenta non siguradong klik dahil sa creativity nya.
Tuesday, August 14, 2007
None of the above

Ang resulta, mahabang layered ang aking crowning glory. My mom said it looks good on me. I agreed with her. Pero after kong maligo, ayan na, may kanya-kanyang direction na ang buhok ko. Kung tutuusin hindi naman masama kasi din dito na ganito din ang style.
I can definitely make it look much better pero hindi ko yon kayang i-maintan. Siguro pag uso na ang maid dito sa NZ. Sa ngayon, kakarerin ko muna ang household chores at baby sitting.
Monday, August 13, 2007
Shannen's first day at daycare

Wednesday, August 08, 2007
Dog attack
Naalala ko tuloy yung experience ni mommy at Shannen sa aso. Naglalakad papuntang school silang dalawa. Di naman kalayuan yung creche, mga 400meters lang mula sa amin. May nakita si Shannen na hubcap ng kotse na nasa gilid ng kalsada. Tinapakan yon ni Shannen, walang anu-anoy sinugod sila ng malaking aso na galing sa tapat na bahay. Walang tigil yung aso sa kakakahol sa kanila. Boses pa lang nakakatakot na. Tapos kinagat nung aso yung folder na dala-dala ni mommy. Niyakap ni mommy si Shannen habang sumisigaw sya ng tulong. Sarado yung bahay, mukhang yung aso lang ang occupant nung oras na yon. Naisip mommy yung hubcap. Tinulak nya yon palayo sa kanila. Dun pa lang tumahimik yung aso. Laruan pala nya yon at na-agitate sya nung paglaruan ito ni kulasa.
May bad experience din ako sa aso nung maliit pa ako kaya takot ako sa aso. Kaya pag may nababasa at naririnig akong dog attacks, talaga nga namang kinikilabutan ako (para akong si Helen Clark). Ito namang mga dog owners, sana maging mas responsable sila. They must ensure all times that their dogs wont harm any innocent people (ok lang kung magnanakaw). Kung mahirap yon para sa kanila, eh di wag na lang silang mag-alaga o kaya yung maliliit at mababait na breed na lang ang alagaan nila. I really hope wala ng dog attacks mula ngayon, sa bata man o matanda.
Monday, August 06, 2007
$1.50 carseat
2 linggo din akong nagbantay sa Trademe para maghanap ng second-hand carseat. Nagbunga din ang pagtya-tiyaga ko kahapon. Nanalo ako ng carseat for $1.50 (nasa $120 ang bago). Kahit na sa Greenlane pa namin kinuha yung item, sobrang good deal pa din yon.
Friday, August 03, 2007
First language?
Nauwi ako sa paglalagay na "English/Filipino" ang first language ni Shannen. It's inevitable that english will be our kids first language as this is what they deal with most of the time. Gayun pa man, tagalog (or filipino) pa rin ang gagamitin namin sa loob ng bahay.
Thursday, August 02, 2007
"walang ganyan sa States"
- Nagpapasikat ang Mt. Bulusan in Sorsogon (Bicol), trowing ashes
-2 days ago may buhawi sa Baliuag sweeping almost 100 houses, cutting electric lines & century old trees, pero sa bukid naman hindi sa bayan.
- Yesterday umulan ng yelo (hale) sa Baguio
- Kagabi naman lumindol sa Panggasinan (intensity 4) and Baguio (intensity 2).
- Water in Angat and Magat Dams are both in critical levels kaya madalas walang kuryente sa M Mla, nag re-rain-seeding na nga palagi pero hindi tumutuloy ulan.....
Ano pa kaya ang susunod? Naku, sana naman wala na at matapos ng lahat yan. Kawawa naman ang mga kababayan natin sa beloved PI.
Wednesday, August 01, 2007
Trip to the daycare
Plano naming ipasok si Shannen sa daycare by mid-August. Uuwi na kasi ang mommy ko kaya wala ng makakasama si Shannen sa bahay. Sa Nov pa sana pero marami na syang kailangang asikasuhin sa Pinas.
Ang una naming option na tinignan ay ipaalaga si kulasa sa pinoy. Akala kasi namin eh sobrang mahal ang daycare. Hindi naman pala totoo. Meron kasing free 20hrs/week na binibigay ang govt kaya $130pw na lang ang ibabayad namin (kasama na ang pagkain).
The daycare idea is not really bad. Ang mga bata ay may socialization with other kids at madami silang acitivies. Meron din silang nap time sa hapon at pinapakain sila ng healthy food (hopefully this will work for my picky eater). Ang problema lang eh nagkakahawahan ng sakit ang mga bata. Di yon maiwasan kahit na nagdi-disinfect sila ng gamit at banned ang mga batang may sakit. Ang uso daw ngayon ay cold, flu, conjunctivitis at chicken pox.
By end of next week ay magta-trial kami. Dadalhin ko si Shannen doon for a couple of hrs a day. If that turns out fine, she'll be on her own. Ihahatid ko sya doon ng 7am, susunduin naman sya ni Henry ng 3pm. This works for a lot of families so sana mag-work din sa amin ang ganitong setup (*fingers-crossed*).
Sunday, July 29, 2007
Another foggy morning


Tuesday, July 24, 2007
Filipino Sunday



Thursday, July 19, 2007
How's your communication skills?
Communication is not only about talking and understanding the language. May iba pang elements sa equation gaya ng ....
Accent. Kiwis pronounce some things differently. They turn e into long e. Gaya ng "you're my beast friend". Don't get provoked immediately when you hear this. Kung nakangiti yung tao nang sabihin yon, ibig sabihin eh best buddies kayo. But if it was delivered with a straight face, tingin ka sa salamin kung me problema ka nga :D
Jargons - Iba ang istayl dito. Maraming wala sa mga american tv programs at movies na napapanood natin sa Pinas. Gaya ng "the torch is flat". Aakalain mo ba na ang ibig sabihin non eh wala ng batterya yung flashlight?
Body language. May kasama akong indian na very fluent mag-english pero nako-confuse ako minsan sa gusto nyang sabihin. "Yes" ang sinasabi nya pero yung ulo nya eh pailing-iling. Ganun pala talaga sila mag-signify ng conformance.
Expression of thoughts. Para sa akin yan ang pinaka-importanteng ingredient sa communication. Di baleng inglis karabao, basta nakakapagbigay ka ng opinion. Yan ang area na dapat kong punan. Hindi kasi ako spontaneous. Madalas delayed reaction. Ine-evaluate ko pa kasing maige kung tama ba ang grammar at context ng sasabihin ko, at kung ano ang magiging reaction ng mga kausap ko. O bi ba, ang haba ng processo bago ko ma-express ang opinion ko. By then, iba na yung topic, ngek. Mabuti pa yung mga chinese eh kahit mali-mali ang inglis, aba sige lang basta nasasabi yung gusto nila.
Monday, July 16, 2007
Paki explain
Matagal-tagal din ang magpa-rebond. Sabi ni Jhoy, isang parlorista sa Malolos pero panadera dito sa NZ, mag-allot daw ako ng 6hrs para don (well, you really can't rush beauty, he he he). Since naging busy kami this past month, naging least sa priority ko ang aking beautification project.
Kung kelan ito mangyayari, di ko pa masabi. Kung wala ng mga issues sa bahay, pwede na akong magpaka-kikay. Buti na langat meron pa akong natitirang konting ganda :D
Sunday, July 15, 2007
A very tiring week
Shannen is now better but not yet 100%. Once a day na lang ang trip nya sa toilet pero ayaw pa ring kumain at uminom ng milk. I hope she gets back to her old self very soon.
Wawa naman si Kulasa, ang laki ng hahabuling timbang. Ito yung itsura nya ngayon. Ok, hindi masyadong halatang nangayayat sya pero totoo yon... promise. May sakit pa yan ha. Imagine nyo na lang kung wala.
Monday, July 02, 2007
Sky City pix
Sunday, July 01, 2007
Offertory
Kinuha ko yung 2 bowls - isa para sa akin, yung isa binigay ko kay Vince. Magsisimula nang maglakad ng ma-realize ko na di pala ako naka-lipistik. Yung buhok ko di ko man lang na-check kung tikwas-tikwas. Anyway, wala na akong magagawa kundi siguraduhing safe yung mga hostia pag-abot namin sa pari. Wala naman naging problema kahit na si Shannen ay gustong umextra.
I've learned my lesson. Laging sinasabi ng mommy ko na dapat "the best" ka pag magsisimba. I shouldn't have ignored her. At sa susunod, sa gilid na kami pupwesto :)
Tuesday, June 26, 2007
Henry the babysitter
Ipinasyal ko si mum, BIL and SIL nung Sunday. Naiwan si Henry at mga bata sa bahay. Nang hapon na, may dumating na isang kababayan nya sa Malabon. Syempre kwentuhan muna nung una. Makarami na sila ng usapan nang magtanungan tungkol sa pamilya. Sinabi ni Henry na 2 ang anak nya, sabay turo kay Shannen at Vince. Nagulat itong si kababayan. Akala kasi nya nagbe-babysit si Henry ng anak ng Kiwi. Ha ha ha, napeyk sila ni Shannen.
Thursday, June 21, 2007
BIL and SIL
Excited si Vince na makita ulit ang kanyang dear uncle. Close kasi sila non. Pagdating galing school, gustong nyang gisingin si BIL. Buti na lang at napigilan ko. Iba naman ang drama ni Shannen. Noong una, parang makahiya na ayaw lumapit at magsalita. Pero nang tumagal-tagal, lumabas na rin ang kakulitan ni kulasa.
I'll take them to SkyCity on Sunday. Isasama ko na rin sa pasyalan ang aking mum (that's how they spell it here). Aside from that, we'll show them the CBD, countryside, malls, parks and beaches. Sana magustuhan din nila ang NZ. It's more than just sheeps and cows. It's a beautiful country and has a lot of interesting things to offer.
Monday, June 18, 2007
Have a seat
Bago umandar yung bus, may isang bagitong koreano (I can easily tell by his hairstyle) na tumayo para ibigay sa isang babae ang kanyang upuan. Tumanggi nung una si babae pero tinanggap din at nagpasalamat noong huli. The lady was in her mid-30s so di mo sasabihing type sya ni koring. Di rin sila nag-usap pagkatapos non kaya malamang di sila magkakilala. Ang tingin ko, nakinig nang maige sa good manners na turo ng nanay nya itong si bagets.
Kahit nasa ibang bansa man, huwag din sanang kakalimutan ng mga pinoy ang ganitong ugali. Oo ngat di sanay ang mga kiwi sa ganong siste, pero wala namang masama kung ipagpapatuloy nating ang nakasanayan. Kiwis are generally kind and lovely so baka mausohan din sila non.
Thursday, June 14, 2007
Pwede nang mag-asawa
Nitong mga nakaraang linggo, nagugulat ako sa mga pangyayari. Aba, laging special ang ulam namin courtesy of my mom. Yummy na yung ulam, maganda pa ang presentation. Kagabi chowmein ang ulam namin, pwedeng pagkamalang binili sa takeaway. Kanina burger steak ang hapunan, pati si Vince at Shannen ginanahang kumain. At hindi don natatapos yon, lagi syang naglalagay ng lovely flowers sa kitchen. I therefore concluded na pwede na syang mag-asawa :D
Monday, June 11, 2007
Cultural Diversity Part 2 - Maori
Nang matapos ang 1.5hrs seminar (half hour more than scheduled), napag-alaman kong maraming ways pala para masaling mo ang mga Maoris. Kaya dapat mag-research ka muna bago ka humarap sa kanila. Nandyan yung dapat tama ang pagpo-pronounce ng maori terms. Wag kang uupo sa ibabaw ng mesa. May ibang Maoris na hindi type na nakikitang nagha-Haka o may maori tattoo ang mga hindi nila kalahi (although sa iba ok lang).
Treaty of Waitangi. It was signed by a Crown representative and Maori chiefs from the North Island. This treaty plays a big part in the past, present and future of this country. However, balot ito ng maraming kontrabersiya kaya hanggang ngayon iba-iba ang pananaw ng mga Tao tungkol dito. Andyan yung iba daw ang English version sa Maori version. Merong nagsasabi na di ito applicable sa kanila kasi hindi kasali ang chief nila sa pirmahan. May iba namang kinikilala ang Treaty as agreement para payagang tumira sa NZ ang mga non-maoris.
Di gaya ng mga aborigines ng Australia, Indians ng Tate at Aetas ng Pinas, mas may recognition ang mga Maoris dito sa as first settlers ng NZ. Tingin ko, this is attributed to the fact that NZ has been colonized much later than the other countries. Mas marami ng alam ang dalawang partidos (maoris and the Crown) tungkol sa pananakop.
Isang taon na kami dito pero wala pa akong nami-meet na Maori. Buti na lang yon kasi hindi prior to the seminar, clueless ako kung ano ang cultura at mga tradisyon nila. Actually hanggang ngayon hindi pa din ako confident na makakaharap ako sa kanila ng hindi ako sumasablay sa protocols. And if that moment comes, I think the best way for me to do is to show them respect which every person deserves, regardless of color, culture or ethnicity.
Thursday, June 07, 2007
Garden na sossy

Friday, June 01, 2007
Top of the world
Nakakabilib ang determination nya. He put aside everything (even his job) to accomplish every mountaineer's dream. He's so slim nung nasa Mapua kami. Hindi ko aakalaing kakarerin nya ang pamumundok.
Well done Regie.
Wednesday, May 30, 2007
Lost little girl
Dali-dali akong pumunta sa direksyon na sinabi ng babae. Nakita ko si Shannen sa tabi ng pinto papuntang carpark. Nakaupo sya sa sahig katabi ang isang puting babae. Kalmado sya pero mukhang galing sa iyak. Todo-todo ang pasasalamat ko doon sa babae na sumama sa kanya.
Natakot ba ako habang nawawala si Shannen? Sa totoo lang, hindi masyado. Maybe because I perceive NZ as a safe place. But when things begun to sink in, I realized that it was a very scary situation. I could have lost her kahit sabihin mo pang mababait ang tao dito. Next time, I'll make sure that she's got some ID with her.
Tuesday, May 29, 2007
Brain drain
How does the govt feel that more and more Filipino skilled workers and professionals are choosing to work and live overseas? Is it a nation's pride or the motherland's anguish?
Saturday, May 26, 2007
Wednesday, May 23, 2007
One year and counting
368 days na nang kami ay sumakay ng Cathay Pacific para magsimula ng bagong buhay sa Akl. Grabe, miss na namin ang mga kamag-anak at kaibigang iniwanan namin. May email, Yahoo Messenger at telepono man, iba pa rin yung nakikita at nahahawakan mo sila.
Maliban sa kanila, may ilang mga bagay-bagay na sana meron dito kagaya ng:
- Phil. mango, lakatan, latundan
- cheap na beauty parlor (para makapagpa-rebond at highlight ako ng buhok)
- Purefoods hotdog (di ko type ang lasa ng sausages nila)
- Jollibee, Chowking at Kenny Rogers
- Pork (sabi ni MelNep, di kinakapon ang mga baboy dito kaya may kakaibang lasa)
- Sari-sari store
- Jeepney at tricyle
- mga nagtsi-tsismisan sa kanto (nuisance ang tingin ko sa kanila dati, ngayon mga “concerned citizens” na)
- Teleserye, telenovela, fantaserye, etc.
- Ready-to-eat na pinoy food (di kasi ikaw mismo ang magluluto)
- Beach na warm ang tubig
- Pinoy novelty songs (like otso-otso, spaghetti, wowowee, etc.)
- SM City, Megamall, Mall of Asia
- yaya (para di ko na kailangang pwersahin ang mommy ko na mag-stay dito kahit marami syang responsebilidad sa pinas)
So do we have plans to go back to the Philippines sometime in the future? At this point, wala. Pilipinas na lang ang dadalhin namin dito.
Friday, May 18, 2007
Alin ang bagay
Bago ako umalis ng Pinas, sinigurado kong nasa things-to-do ko ang magpa-rebond. Isang taon na yon, di na ulit nasundan. Ang mahal kasi dito. Nagpapa-trim lang ako ng buhok every 2 months sa $10 Haircut. Lately, pinag-iisipan ko na magbago ng hairsytle (sa mga asians lang uso ang pin-straight hair). However, di ko alam kung ano ang bagay sa mukha ko. Pwede bang tulungan nyo akong mag-decide?

Wednesday, May 16, 2007
Cultural diversity - Samoan
Yan ang topic ng series of seminars dito sa opis namin. As a “new kiwi”, it is important to me to know what the other cultures. If you know more about them, you learn to respect and blend with them.
Samoan ang una naming pinag-usapan. Ito ang ilan sa mga natutunan ko tungkol sa kanila.
Migration. The first leg of Samoan migration in NZ happened in the 1950’s. In search of better opportunities, many Samoans travelled to their neighbouring Aotearoa by boat. They worked hard in NZ to give their children nourishment (kaya malalaki sila :D) and education. Kaya maraming nakapag-aral na mga second generation Samoans dito. Sila yung nasa 30 – 40 age group.
There’s an NZ immigration policy that allows them to go here through raffle. Every yr, 1100 samoans go here through that channel. Ka-swerte naman ng mga yon. However, sila yung mga nahihirapang mag-settle dito kaya madalas ay beneficiary sila ng govt assistance. If I understood it right, sila rin yung nai-involve sa mga gangs.
Settlement. Nasa South Auckland ang kanilang community. They find safety, security and belongingness in this area.
Culture. Si tatay ang nagtatrabaho at disciplinarian, si nanay ang taga pag-alaga at taga-instill ng values sa mga bata. They have extended family kaya madalas madaming occupants ang isang bahay. The head/s of the family are always consulted in major family issues. The eldest child looks after the welfare of his younger siblings while the youngest do the chores.
Humor. Samoans is a very happy culture. They laugh at almost anything. May madapa, tatawa. May pipilay-pilay maglakad, tatawa. This is their way of coping with life’s adversities.
Religion. Most of them are Christians. Church plays a big influence in their decision making.
Clash with the Tongans. Meron daw pero di sinabi bakit.
It’s not difficult to embrace the samoan culture coz I see similarities in our pinoy culture. I esp. like the humour part. Kaya nga kami ni Samoan friend ko ay nag-click right away.
Maori ang next topic namin. This will be really interesting. Gusto kong malaman kung ano ang tingin nila sa mga immigrants.
Friday, May 11, 2007
The actual driving test
3 parts yung test. First deals with basic driving skills. Second, identifying driving hazards. And lastly, driving in high speed zone.
Pero bago magsimula yung test, iche-check muna ng examiner yung indicators (signal lights) at brake lights. Tapos non, sakay na sa kotse.
1- Basic driving skills. The examiner, Ross, gave me instructions on where I should go. Nandyan yung sasabihin nyang liko ako sa kanan, liko sa kaliwa, diretso, etc. Tinitignan nya kung sinusunod ko ang paggamit ng indicator, give-way rule, mirror check (every 10 seconds), use of turning bay, etc.
2- Identifying hazards. Ano nga ba ang driving hazards? These are the vehicles and people that comes or might come along your way. Pinapunta nya ako sa limang intersections. Paglagpas namin sa bawat intersection, pinahihinto nya ako para isa-isahin ko sa kanya yung mga na-encounter kong hazards. Sablay ako nung una kasi di ko nabanggit yung old lady na naglalakad malapit intersection. Kahit pala di akmang tatawid, potential hazard din pala si lola.
3 - Driving in high speed zone. Henry did his in the motorway. Mine was in the Hibiscus Coast Highway. Nakupo, curvaceous yung kalsada at bangin ang gilid. Sinabihan ako ni Ross na mag-over ng 5 sa maximum speed limit na 80kph para daw ma-assess nya kung pano ko yon iha-handle. Pumalag ako oong una kasi sabi ko madaming kurbada yung daan. Sabi nya bahala daw ako. Saglit lang akong ng 85kph tapos I maintained 65kph. Siguro tama yung ginawa ko.
Tips. Ensure that your car is roadworthy. Do drive around the area before the actual exam so that you'll get familiar with the road conditions. Don't place your thumbs inside the steeringwheel, dapat nasa ibabaw lang. When changing lane at high speed area, make sure to do a head check and indicate more than the required 3 seconds.
For more details about the test, check LTNZ website.
Thursday, May 10, 2007
(fully) Licensed to Drive
Ross ang pangalan ng examiner ko. After nyang magpakilala, tinanong ko agad sya kung allowed ba ako na magkamali. “Sure, but not big ones”, nakangiting sagot nya habang kinakabit nya yung salamin para ma-check nya ang eye movements ko.
Kaba ang pinakamalaking kalaban ng mga nag-e-exam. Kaya bago ko pinaandar yung sasakyan, nag-breathe in, breathe out muna ako. Nangiti ulit si Ross.
Mga 45 minutes din yung session. May checklist si Ross ng mga tasks na dapat kong kumpletohin. May mga sablay ako gaya ng nag-over ako ng 7kph sa maximum speed, nag-signal ako sa right pero left ang instruction nya, at iba pa. Kaya ng tapos na yung test, hindi ko alam kung pasado o bagsak ako. Kumuha ng calculator si Ross at nagcompute-compute. Thank goodness, I made it!
Nagpa-salamat ako kay Ross for being warm which helped me become comfortable all throughout the test. Kung stricto sya, malamang na mas marami akong mali. Kaya ngayon, Ross is my friend.
Wednesday, May 09, 2007
“Made in UK”
Akala nyo ba sa pinas lang may mga “made in UK” (as in ukay-ukay), pati dito meron din. Pag linggo, merong nagtitinda nito sa Takapuna flea market (tiangge). Kung magaling kang pumili, makakakuha ka ng mga almost new na mga pants, shirts, jackets, etc. Nasa $2 ang isang item.
Kung di mo type ang maghalukay, punta ka Salvation Army, hospice, at op shops kung saan naka-hanger ang mga damit at pwede pang mag-sukat. Aside from apparels, meron ding mga kitchenwares, cutleries, books, home furnishings, toys, etc. na nabibili. Sa charity napupunta ang proceeds nila. Usually volunteers ang mga tumatao (madalas mga senior citizens).
Monday, May 07, 2007
Ang sarap maging hostess



Friday night, ang haba ng aming kwentuhan. Syempre andyan yung balitaan tungkol sa pilipinas, aming barrio (Sta. Rita, Guiguinto) at kanya-kanyang pamilya. Nandyan din yung reminiscing kami about our first few months in NZ at kung pano kami nag-a-adjust sa bagong environment.
On Satuday, we took the couple to Devonport port, Mt. Victoria and Snowplanet (sight-seeing lang). Iikutan pa sana namin ang Albany kaya lang kapos na sa oras. Hindi lang sila ang nag-enjoy sa pamamasyal, pati kami ay na-appreciate namin lalo ang aming adopted home.
Sure they stay was short but it was enough to convince them that it's a good place to raise their family. Si husband ay babalik sa June. Susunod na lang yung family nya once he's settled. I would love to have them as neighbors here in AKl. They are very beautiful people inside and out. Isa pa, maliliit din yung mga anak nila kaya tamang-tama na playmates ni Shannen.
To M and G, welcome to your new home.
Wednesday, May 02, 2007
Valet parker
Bago ako tumango tinanong ko muna kung kanino yung sasakyan. Kay Martin daw. Ah doon pala sa technical support namin. O sya, kinuha ko yung susi sa kanya.
Pagbaba namin sa parking lot, isang flashy BMW ang nakita ko. Kay Martin na head ng IT pala yung pinapamaneho sa akin (magkapangalan kasi sila). Nakupo, napasubo ata ako. Pero nandon na rin lang, pinaandar ko na yung sasakyan. Kinakabahan ako kasi ang dikit-dikit ang pagkakaparada ng mga sasakyan. Eh kaiinom ko lang na kape non kaya talagang kumakabog ang dibdib ko.
Nailipat ko naman ng maayos yung BMW. Mabagal nga lang para siguradong di sasabit. Siguradong kukutusan ako noong may-ari kung sakaling nagalusan ko yon. Haaayy, next time sasabihin kong paso na ang lisensya ko.
Tuesday, May 01, 2007
Overstaying
Kinakabahan kami noong una kasi baka bigla na lang may pumunta sa bahay at pauwiin ang nanay ko. Pero sabi naman ng mga kaibigan namin di naman daw yon mangyayari kasi on-going naman ang processing ng extension. Ibo-blog ko nga sana yon pero naisip ko na baka may mag-sumbong sa mga 'alagad ng batas' at ma-deport bigla si mommy. Di ba maraming ganon sa US? Yung pinoy na nagre-report sa mga pinoy na TNT.
Enjoy the next months with us , mom.
Tuesday, April 24, 2007
Vince's 3rd school
Bago kami pumunta sa classroom, dumaan muna ako sa school office para magbayad ng school fees at mag-shopping. Mahal ang school uniforms kaya kung di ka maselan, pwede kang bumili ng second-hand. $35.00 ang binayaran ko para sa 2 short pants, 1 vest at 2 shirts. Ang isang bagong shirt ay $42 na. O di ba malaking tipid yon. Medyas lang ang binili ko na brand new ($11/pair).
Sa classroom, na-meet namin ulit si Ms. Luxon, ang mabait na teacher ni Vince. Isang nakapaskil sa wall ang nakakuha ng attention ko. It's about the class' stat. Nakalagay doon majority ng bata ay itim ang buhok. When I looked around, the class indeed has a big number of pinoy, indian and korean kids.
I didn't stay long in the school. After the bell rang, I immidiately went to my next appointment (my driving test). I know Vince doesn't need any support from me anymore as he is already used to "first days'.
Monday, April 23, 2007
Scratch 'n Pass
All the while I thought that the test is online, hindi pala. It's paper-based na parang promo coupon na may scratch-off ink. Kung tama ang sagot mo, 'check' ang makikita mo sa ilalim ng silver ink. Kung mali, 'x'. May suspense habang nagkukutkot ka ng sagot kasi minsan wala sa gitna yung resulta .
Isa na lang ang problema ko, yung pratical driving test sa 10 May at AA Orewa (syempre iwas ako sa Browns Bay). I'm still learning how to do the 'head check' when changing lane. Medyo nalilito pa ako sa paglingon. Other than that, I'm ok. Sana one take lang ako para di magastos ($70.80 ang bayad sa practical test).
Friday, April 20, 2007
Lonely me
Si friend no. 1 at ako ay parehong 'asian' kaya we stick together. Nakaka-relate ako sa kanya dahil familiar naman ang mga pinoys sa pagkain, kultura at tradisyon ng mga tsino. Ang common naman sa amin ni friend no. 2 ay ang aming religious affiliation. She's a practicing catholic (like most Samoans). Sabi nya, in her 18 years of working, ako lang ang nakasama nya na kapareho nya ang faith (only 12% of NZ's population is catholic).
Ok din naman yung iba kong kasama pero iba yung closeness namin nung 2. I'll miss them big time.
Friday, April 13, 2007
Pukeko

** Wholesome ang site na to kaya bawal ang madumi ang isip. **
Ayon sa aking bubwit, meron ding ganitong specie sa Pilipinas (esp. in Candaba, Pampanga) kaya lang pale-blue ang kulay. hmmmm…. Parang wala akong nakikita o nababalitaang ganitong ibon eh ang lapit lang namin sa Candaba. Meron nga siguro pero baka sa mesa yon nakadapo, katabi ng beer.
Sunday, April 08, 2007
Henry - 1yr in NZ
Ang unang impression ni Henry sa NZ ay malinis at parang may aircon ang buong lugar. Autumn pa lang non pero nalalamigan na sya. Kaya yung mga sando at shorts na baon nya, di nya nailabas sa maleta.
Sa unang linggo nya nakapag-holiday agad sya. Holy week kasi noon at yung host nya ay nag-outing sa Matarangi so sabit din sya. Ok di ba, wala pang trabaho nagre-relax na.
Before the month ended, nagsimula na syang mag-trabaho. Sa isang maliit na company sa Albany sya napasok. Masaya naman si Henry doon dahil kasundo nya ang lahat ng katrabaho nya (walo lang silang lahat doon). Pagdating sa boss, wala din syang problema, he recognizes Henry's skills.
Everything went smoothly, thanks to friends and friends of friends. Malayo pa kami sa "ideal" na buhay but we're not complaining. We enjoying what we have right now. Dadating din kami doon in His time :D
Thursday, April 05, 2007
Overseas license in NZ
Point #1– Validity ng overseas driving license
If you do have a current overseas driver licence or international driving permit, you can drive using that for a maximum of 12 months from the date you arrive in New Zealand.
Each time you visit New Zealand, you can drive for a further 12-month period on a valid overseas licence or international driving permit, as long as you stay for no more than a year at a time.
Kung lumabas ka ng NZ tapos bumalik ka ulit, may 12 months ka ulit para magmaneho.
Point #2 – Theory test invalidates overseas license
When you have passed the theory test you will get a New Zealand driver licence and you can no longer use your overseas driver licence for driving in New Zealand, even if you have been here less than one year.
So hindi pala pwede yung iniisip ko na lalabas si Henry ng NZ kung bagsak sya sa Practical Test kasi invalid na yung Phil. license after he past the theory exam. Buti na lang talaga pumasa sya.
Tuesday, April 03, 2007
Akl harbour trivia

Last Saturday, we had a chance to get a free boat trip as part of Port of Auckland’s SeePort Week. It was an experience to view the port and its operation. To round off the tour, we were taken to the Harbour Bridge, Westhaven Marina and Viaduct Harbour.
Aside from the great view, the trip also gave us a lots of trivia about Auckland. Gaya nito.
- Ang lahat ng containers na pumapasok sa Auckland (and probably in other parts of NZ) ay dumadaan sa biosecurity check. Kung may insektong nasama sa container, mahuhuli yon. Galing!
- Ito palang Akl CBD ay part ng 390 acres of reclaimed land from the harbour. Asus, 9 months na akong nagtatrabaho sa CBD pero di ko man lang nabalitaan ito.
- Harbour bridge, which was opened in 1959, originally has 4 lanes (2 in each direction). Due to increase in traffic volume, nagdagdag ng another 4 lanes nung 1969.
- Pwede mag-bungee jumping sa ilalim ng Harbour Bridge.... kung matibay ang dibdib mo.
Kahit takot ako sa tubig (dahil di ako marunong lumangoy), nag-enjoy ako sa aming boat ride. Ang mommy ko panay ang pa-picture. Syempre dapat yung may katabi syang porenger. Para daw hindi sabihing nasa Pasig River lang sya at yung Harbour Bridge ay ang Jones Bridge.
Monday, April 02, 2007
whew!
Whew! Buti naman at maganda ang turn-out ng test nya. Sa Sunday na kasi mapapaso yung Philippine license nya. Kung semplang sa test, ang plan B ay pupunta sya Australia para pagpasok nya ng NZ another yr ang validity Philippine license. Magastos yon pero yun lang ata ang better option.
Kung bumagsak si Henry sa practical driving test, I think he'll still get a license pero conditional yon. Ang condition ay kailangang may kasama syang 'supervisor' (anyone who has a full license for at least 2yrs). Parang sinabi nilang wag na syang magmaneho.
My turn will come before the month ends. Ang pagre-review ng road code ang kakarerin ko sa bakasyon (Good friday to Easter Monday).
















