Sunday, April 08, 2007

Henry - 1yr in NZ

April 8, 2006 nang iwanan ni Henry ang Pilipinas at nakipagsapalaran sa New Zealand. Mabuti na lang at natunton ko ang ka-eskwela ko noong high school na nandito na sa Auckland, kaya 'soft landing' si Henry ng dumating dito. Di na nya naging problema ang susundo sa airport, bahay na tutuluyan sa susunod na 4weeks, job referral at marami pang iba. Mas maswerte sya sa ibang bagong salta dito.

Ang unang impression ni Henry sa NZ ay malinis at parang may aircon ang buong lugar. Autumn pa lang non pero nalalamigan na sya. Kaya yung mga sando at shorts na baon nya, di nya nailabas sa maleta.

Sa unang linggo nya nakapag-holiday agad sya. Holy week kasi noon at yung host nya ay nag-outing sa Matarangi so sabit din sya. Ok di ba, wala pang trabaho nagre-relax na.

Before the month ended, nagsimula na syang mag-trabaho. Sa isang maliit na company sa Albany sya napasok. Masaya naman si Henry doon dahil kasundo nya ang lahat ng katrabaho nya (walo lang silang lahat doon). Pagdating sa boss, wala din syang problema, he recognizes Henry's skills.

Everything went smoothly, thanks to friends and friends of friends. Malayo pa kami sa "ideal" na buhay but we're not complaining. We enjoying what we have right now. Dadating din kami doon in His time :D

2 comments:

Anonymous said...

hi jink..naka one year na pala si Henry dyan.Talagang nagustuhan nyo na dyan.Mabuti na lang marami kayong mga kaibigan.Mabait din naman kasi kayong mag asawa eh.Regards to Tita Gay.Ok na pala si dad.Salamat sa inyo kahit malayo kayo naalala nyo pa rin ang aking tatay
gg

Anonymous said...

Hi Jinkee,

Annycel here. Kumusta na? Buti pa kau natuloy na talaga. Kami wala na yata plano ung husband ko na tumuloy. Ay naku kung pwede lang ako magapply mag1. Add mo naman ako sa YM annycels_west. And eto email address ko para usap naman tau paminsan minsa assilos@west.com. Call center ako ngayon nagwowork e. Kaya pang gabi ako. Sige ingat and regards