Tuesday, September 30, 2008

Oreo

A friend from Manila sent me an email on recalled sweets from China. Nasa listahan yung Lotte Koala, Dove choc, Meiji, M&M, Snickers, White Rabbit, etc. Allegedly, marami itong melanine (di ba plato yon?).

As usual, nag-grocery ako sa Pak 'n Save nung weekend. Bakasyon ang mga bata ngayon kaya mas madami than usual ang snack foods na nasa listahan ko. Kumuha ako ng dalawang packs ng Oreo wafersticks, favorite yon ni Vince. Nakailang hakbang na ako nung maisipan kong silipin kung saan gawa yon. Gulat ko, made in China. All the while akala ko galing yon sa Australia. Di ko matandaan kung nasa listahan ang Oreo. So to be safe, iba na lang ang kinuha ko.

Pag dating sa bahay, binalikan ko yung email. Nakupo, nandon nya ang Oreo sa listahan. Hay, mabuti na lang nagdalawang isip ako. My brother-in-law is not a fan of china-made products (kahit na mura). Ngayon nadagdagan sya ng rason bakit.

Sunday, September 21, 2008

Hoodie-doodie

In sa bagets dito ang Billabong, an australian clothing brand. Ang alam ko meron na ring retail non sa Pinas. Kahapon, sinamahan namin ni Shannen yung kapitbahay naming pinoy sa Billabong factory outlet sa Albany. Meron kasi silang teen and pre-teen na anak. Isa pa, nagpupuno sila ng box para ipadala sa Pinas for Christmas.

Itong si friend, tumitingin ng mga hooded jackets. Yun daw ang bilin sa kanya ng mga pamangkin nya. Huh? Eh ang init di ba sa pinas. Pwede sigurong isuot sa December pero after that para ka ng sinisilaban. Eh uso daw yon. Sabi ni brother-in-law, sa teleseryeng Joaquin Bordado, lahat daw ng scene naka-hoodie yung mga tao. O sige, pagbigyan na for the sake of art.

Monday, September 15, 2008

tea with milk

Sa Pinas, Milo drinker talaga ako. Kahit libre ang brewed coffee sa opis namin, sa hot choco pa din ako. Sabi kasi ng nanay ko dati, pang matanda lang daw yon.

Dito sa NZ, natutunan ko ang pag-inom ng kape. Meron ding hot choco sa beverage machine namin kaso sobrang tamis. Minsan latte ang iniinom ko, minsan capucino. Hindi ko alam magkaiba pala ng timpla yung dalawa. Para sa taste buds ko, pareho lang yon.

Last month, may sinubukan akong bago. Tsaa naman. Di lang basta tsaa but tea with milk. Dati napapa-ngiwi ako pa nakikita ko yung mga opismeyts ko na nagti-timpla non. Common yon sa mga tao dito (healthier daw) pero sa akin unimaginable. Lemon lang ang alam kong sinasama sa tea (na hindi ko din masyadong type).

May isang pinoy na nagsabi sa akin na masarap daw yon. Madali naman akong magtiwala so sinubukan ko. Guess what? Gusto ko yung lasa. Since I tasted it, di na ako nag-attempt magtimpla ng kape. Pang matanda lang kasi yon. ha ha ha

Thursday, September 11, 2008

Rippa Rugby

I was supposed to take the day off today. May rippa rugby tournament kasi si Vince. Their school is competing with other schools. Pangalawang laban na nila. Natalo sila nung first. Di ako nakanood dati so sabi ko sa kanya manonood ako this time to give him moral support.

While having dinner last night, sabi ni Vince ok lang daw na di na ako sumama kasi may trabaho ako. That was really thoughtful. But since pinayagan na ako ng boss ko, sabi ko manonood talaga ako. Isa pa, gusto ko ring malaman paano nilalaro yung rippa rugby. Para naman "in" ako, di ba. However, he still insisted na ok lang syang mag-isa. Eventually, lumabas din ang totoong rason. Ma-e-embarass daw sya kung may kasama syang parent/s. ano?!!! ...

Medyo natauhan ako doon. Ang baby ko, nagsisimula ng magkaron ng sariling buhay. He's turning 9 next month. Hindi ko alam kung too early yon para magsimula syang mag build ng sarili nyang indentity and independence. Oh well, mangyayari naman talaga yon. Hindi man ako sang-ayon eh dapat paghandaan ko na talaga.

Wednesday, September 03, 2008

Tuesday

There's been a lot of changes in the past 2 weeks. And all of it had to happen because my mother-in-law (MIL) had to go back to Manila. Umalis sya nung 23 Aug, 9 months after staying here.


Si Shannen ang pinakaapektado. Kailangan na syang ipaalaga sa iba at ilipat ng school. Di na kasi suitable sa bago naming situaton yung dati nyang pre-school.

Tuesday ang official start ni Shannen sa new school (we had 3 days orientation last week). This new "experience" has been causing me grief in the last couple of weeks. Alam ko kasi na magiging susceptible sya sa mga viruses sa school. Sa crèche kasi iba. Lahat ng bata don ay may taga-alagang fulltime sa bahay. Kaya absent ang bata pag may sakit. Sa daycare at ibang pre-schools, most of the time working ang parents kaya unless talagang grabe ang sakit, sige pa din ang pasok ng bata.

On my way home on Monday, may nakatabi akon sa bus na pinay. Madami kaming napag-kwentuhan. Isa na don ay tungkol sa pre-school. Sinabi nya sa akin na sana mag-focus ako dun sa mga matututunan ni Shannen sa school. Aside from letters and numbers, she'll also learn independence, assertiveness, sharing, socialization, etc., At kasama talaga lagi sa equations ang sakit. At kahit naman saan pwede nyang makuha yon. Tama nga naman.

Heaven sent talaga yung babae sa akin. She somehow gave me some peace of mind. Siguro naawa sa akin si Lord dahil nai-stress talaga ako. Good thing that He's looking over us :)