Thursday, October 27, 2005

2 Moms, 2 Dads

Ewan ko ba kung bakit bigla kong naalala yung kwento sa akin ng Ate Christine ko about her then 4y/o daughter Sam. One night, Sam approached her and said that she prayed to Jesus to give her 2 sets of parents. Mom & Dad # 1 will go to work to provide for the family. Ito namang si Mom & Dad # 2 will have to stay at home to look after and play with her and sister Bea.

Kids especially the younger ones need not only their parents’ love but also their precious time. If I have my way, I want to stay at home and take care of my children. But this is not feasible. Henry and I have to work to be able to sustain our expenses. Di kasi kaya yung single income lang ang household namin.

Time will come when my children are grown up and have their own lives. Ilang panahon na lang magkakaron na sila ng sarili nilang barkada. They might spend more time with them than with me and Henry. I hope that before this happens, I could devote my time to personally take care of their needs and guide them for their life ahead.

Tuesday, October 25, 2005

Php88M

Nung isng araw P88,000,000 ang jackpot sa lottlo. Grabe, ang daming zeroes non. Isulat pa lang nakakalito na, bilangin pa kaya. Kung ganon naman kadami ang pera ko, kahit kalyohin ang kamay ko sa kabibilang, ok lang.

Upon learning this, I started to day dream. Ano kaya kung ako yung nanalo? Ano kayang gagawin ko sa limpak-limpak na perang yon? Definitely, I’ll use some of it to help the less fortunate people. Ayoko ng donation, gusto ko, bibigyan ko sila ng livelihood. Sabi nga, “Give a man a fish and you'll feed him for a day. Teach him how to fish and you'll feed him for life�.

After kong mapaglaanan ang mga pangangailangan ng family ko, syempre yung personal na pangarap ko na ang kasunod. Marami naman yong P88M, maglalaan ako ng P2M sa kapritso ko (talaga nga naman, may figure pa ako). Ano naman ang gagawin ko doon? Eto po, syempre may detalye ng konti para mas makatotohanan, he he he ….

- take my family to Boracay for a week vacation
- bili ng Toshiba laptop
- bili a 6.0mp Canon digital camera
- magpapa-rebond sa David’s Salon
- buy a yellow Ford Ranger (Pinatubo edition)
- buy an acoustic guitar – tamang-tama to pang-karoling
- magpapa-lipo ng arms, belly at thighs - masakit kaya yon?
- bibili ng battery-operated na toothbrush
- Mag-aaral mag-bake ng cheesecake
- bibili ako ng purple na beanbag
- magpapa-executive checkup ako sa St. Luke’s – syempre health is wealth pa rin
- patatanggal ko yung stone ko sa kidneys.
- I’ll buy black+blue Nike rubber shoes – yung Trets ko “nakangiti� na
- alahas, perfume and make-up? – di ako mahilig don


Haaay... ang sarap mangarap. Naaliw ka na, di ka pa gumastos. You can be anybody, go anywhere and have anything. Lahat yan ay imagination lang ang katapat. Teka nga, makabili muna ng lotto ticket para naman may chance na matupad yung mga panaginip ko. Walang pag-asang na magkatotoo yon yung di ako tataya. got to go now.

Wednesday, October 19, 2005

Henry applied for NZ tourist visa

Magbabalik-tanaw ako sa ginawa ni Henry na pag-a-apply ng NZ tourist visa noong 2004 (di pa ako blogger that time).

January 2004 nang sabihin ng NZIS na 195 ang EOI selection points. Although bumababa naman ito every month, feeling namin malayo pa bago daanan ang 115pts namin. Henry and I entertained the idea of going to NZ as tourist then find a job whilst there. Si Henry muna, susunod na lang kami. When I mentioned this to my friend Len, she immediately sent Henry sponsorship form (NZ citizens na silang pamilya). Dip ala basta, basta sinasagutan yung form na yon. They went pa to the embassy to have it checked/authenticated.

Before going to the embassy, we already prepared the documents they require:
- Visitor’s Visa app form
- Passport
- Booking certificate (iba ito sa plane ticket)
- Emp. Cert
- Financial docs – bank cert, passbook, etc.
- Certificate of assets
- Sponsorship Form

Sa BPI Center sa Buendia ang office ng NZ embassy. Mga 8:30am kami dumating pero di kami pinaakyat agad nung guard. Dapat daw 9am impunto.

Sa itaas, hintayan na naman. Di lang kasi basta nagsu-submit ng documents. May konting interview na ginagawa yung visa officer upon receipt of application (sa may window lang naman ito). Nung kay Henry na, may mga tanong si v.o. na di nya marinig so come to the rescue si stage-wife (medyo ako yon). Nung una ok lang, pero nung second time na nag-coach ako, I was asked to return to my seat. Pahiya ang beauty ko. Henry was holding a slip when he returned to his seat. Nakalagay doon yung interview sked nya, July 13 daw.

Naka-formal si Henry nang bumalik for the interview (syempre kasama pa rin ako sa eksena). Mga 20 minutes tumagal yung interview. Tinanong daw kung ano ang gagawin nya sa NZ, saan sya titira, pano nya nakilala yung sponsors nya, ilang taon na yung mga members ng family ng sponsos nya (?), etc. Medyo nasilip din na ilang beses nang nag-sponsor ng relatives si Len and husband sa bahay nila. Tamang duda yung v.o. Ika nga, guily ka unless proven innocent.

Several days later, bumaba na yung result ng application. Nakakapanlumong denied ang hatol. Ang rason - no incentive to return to home country. However, Henry was given a chance to make an appeal. Dumugo ang utak ko sa pag-compose ng letter. Nilagay namin don na may stable job si Henry, could very much afford to pay for his trip, etc.

July 26, the final verdict arrived. Mag-isa akong pumunta sa embassy. Hindi tatak sa passport ang nakuha ko kundi isang malaking denial letter. Wala na kaming magawa. It is not our right to be travel to NZ, it’s just a privilege. Kung ayaw nila, wala kaming magagawa. Pero sumama talaga ang loob ko. Umuulan noon pero sige lang, lumakad ako papunta sa kotse kahit nababasa.

Isang araw ko ring dinamdam yong rejection na yon. Not sure if Henry felt the same, mas cool yon kesa sa akin. When I went back to my senses, I realized that there is nothing more I can do about it. Dapat na lang naming paghandaan yung plan B which is to wait for the pts to drop to 115. Di nagtagal, bumaba sa 100 ang selection pts. Pasok na kami.

Looking back, it’s good that Henry’s bid for visitor’s visa was not accepted. Medyo magastos din yon at walang katiyakang may trabahong makukuha. God is really good. When He closes a door, He opens a window.

Tuesday, October 18, 2005

Hyper

I feel so alive this afternoon. Ang taas ng energy level ko. Pano ba namang hindi, I had a high caloric dessert at lunch. It was a slice of cheesecake. yummy....

Monday, October 17, 2005

4 Forks, 3 knives, 2 spoons and 1 teaspoon

I was able to get everything fixed for the party last Saturday. Last minute na nung nag-decide akong magpa-parlor para naman maging pinstraight yung crowning glory ko.

4:00pm yung wedding ceremonies but I got there at 6:00pm so sa reception na lang ako pupunta. I parked at Landmark, mahal sigurado kung doon mismo sa 6750 ako paparada. Ang dami nang tao sa labas ng ballroom when I arrive. They were waiting for the entourage to arrive. Narinig ko na nagpi-picturan pa sila doon sa ceremony venue.

It almost 7pm when the ballroom door opened. We immediately rushed our table because our feet were already hurting. Nalula ako sa utensils na nakahain. There were 4 Forks, 3 knives, 2 spoons and 1 teaspoon on the table. Baka kaya iba-iba pang klaseng kubyertos yon eh pwede namang isang pares lang ng kutsara, tinidor, kutsarita at kutsilyo? Nag-text ako agad kay Henry, asking for help. Syempre nakakahiya namang magtanong sa katabi ko kung kainan time na. Sabi nya, rule of thumb daw, use the outermost utensil first. Ewan ko kung nanghuhula lang ang asawa ko, eh katulad ko rin naman yong once in a blue moon lang pumunta sa sosyalan. Bahala na. I used whatever suits me.

Nung makita kong nagse-serve na ng pagkain yung mga matipunong waiters, talaga namang natuwa ako. Kung hindi naman kasi, baka bumulagta na ako doon because of hydoglycemia. Nabusog naman ako doon sa food. Actually, halfway through the menu eh busog na ako. I really enjoyed the pasta and salmon. May mga nakita akong nagwa-wine pa. Di naman ako sanay don kaya pass ako. Baka mamaya di pa ako makauwi ng bahay. Habang kumakain kami eh may mga kumakanta. Natutuwa ako doon sa nag-perform na galing pa talaga ng China. Akala ko mababasag yung mga baso doon sa tinis ng boses.

The highlight of the program was the message of the bride and groom to their parents, relatives and friends. After that, umuwi na kami. I got home at 11pm.

Friday, October 14, 2005

Sosyalan

Wedding ng officemate ko tomorrow. Anak yon ng president naming kaya talagang bongga. Shangri-la Makati ang reception. There were only a handful of us who are invited, nakakahiyang di umattend.

Matagal ko nang pinoproblema tong occasion na to. Una, wala akong isusuot. Strickly formal daw ang attire. I only have 2 dresses that qualify. One is a maroon cocktail dress I wore on Tinay’s wedding 3 yrs and 10lbs ago. Nang isukat ko, muntik nang di mag-abot ang zipper. Imposibleng makaupo ako nang di bumibigay yung mga sinulid. Last months, I promised myself to loose some weight. Di kinaya ng powers ko. Masarap talagang kumain lalo na sa gabi. Tapos tuwing nag jo-jog or jumping jack naman ako, ewan ko ba kung bakit lagi akong nawi-weewee. 15 counts pa lang kailangan ko nang tumakbo sa banyo.

Dress #2. I wore this in Dec of 2003. No diet nor exercise necessary. Di problema sa paghinga dito. Pano ba namang hindi, I was 5 months pregnant when I wore this. Pangit tignan kasi ang luwag, pero wala na akong time magpa-repair.

Last week, nagdala yung isang officemate ko ng mga damit nyang formal. Buti na lang may nagkasya sa akin. May matching shoes and bag akong nakuha from my mom’s closet. Solve na ang costume ko.

Gift… Gift checks lang ang nasa bridal registry ng couple. Yung ibang officemates ko P2000 daw ang ibibigay. Kainis, wala pa man din akong pera ngayon. Kung pwede sana ang ibang item, madali lang yon, may credit cards naman ako. Bahala na kung magkano ang ibibigay ko.

Yan kasi ang problema sa mga hindi sanay sa sosyalan. Natataranta pag may mga social gatherings. Kung pwede lang sanang umabsent. One thing that I look forward to is rubbing elbows with the rich and famous. May mga tycoons na nandon. Meron din mga politicians. Titignan ko kung pano sila kumain. He he he. Kukwentuhan ko kayo sa Monday.

Thursday, October 13, 2005

Apat dapat

Ito yung assignment ko mula kay Flex!J

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO
1. Ninoy Aquino
2. Ramon Magsaysay
3. Tatay ko
4. Nanay ko

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Bayani Fernando
2. Tony Meloto (Gawad Kalinga)
3. Sen. Mar Roxas
4. Cong. Francis Escudero (he’s brillant, ayaw ko lang na nasa panig sya ni Erap)

APAT NA MAGAGANDANG LUGAR SA PILIPINAS NA NARATING MO
1. Baguio
2. Subic
3. Ilocos
4. Manila Bay (pag sunset, yung tipong di mo na maaninag yung mga lumulutang na basura)

APAT NA LUGAR SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Boracay
2. Amanpulo
3. Davao
4. Sorsogon

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS
1. Tabo
2. bahay kubo
3. Karitela
4. jeepney

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO
1. sinigang sa miso
2. kare-kare
3. daing na bangus
4. inihaw na talong

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
1. burnik (ito ang word of the day ko courtesy of my friend Jay)
2. salipawpaw – airport
3. pasimano – window pane ata
4.

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG
1. Lupang Hinirang
2. Pinoy Big Brother theme
3. Sa Kabukiran
4. Bahay Kubo

APAT NA MATATAMIS NA SALITA O KATAGANG PILIPINO
1. giliw
2. irog
3. sinta
4. jowa (ngek!!!)

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Magpantay
2. Dimayuga
3. Liwanag
4. Munsayac

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK
1. Ambrocio
2. Pogito (may officemate akongyan ang panglan)
3. Junior
4. Baby

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA
1. Moro-moro
2. Patintero
3. Tumbang Preso
4. Touch the color

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS
1. graft and corruption
2. traffic
3. trapos
4. poor health service
5. mga driver ng bus and jipney
6. usok
7. baha
8. basura everywhere
9. Filipino time
....ha, apat lang ba talaga dapat?

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. pamilya
2. kaibigan
3. kapitbahay (kahit minsan mga tsismosa)
4. tumatawa ang mga tao kahit maraming problema

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS
1. i'll see to it that all law-breakers get penalized
2. Ang penalty, community service
3. supilin lahat ng mga nangongotong
4. Magre-resign ako!


Di ko na maipasa ito, all of my blogmates have already been tagged.

Di mapakali

I feel so awkward today. Di ako mapakali. Nakakailang. Uuwi ba ako ng maaga o hindi. Bat naman kasi na-overlook ko yon.

Magkaiba yung medyas na naisuot ko (I bear boots kasi). Pareho naman ng kulay pero yung isa mahaba, yung isa maikli. One is made of cotton, polyester ata yung isa. Medyo nasasakal yung kaliwang paa ko dahil sa garter, maluwag naman yung sa kanan. Haay, ang hirap ng ganitong feeling. Lagi kasi kaming nagmamadali sa umaga kaya sa kotse na ako nagsusuot ng medyas. Huli na nang ma-realize ko na di pala sila magka-partner. Henry is already late for work, kaya di yon papayag na bumalik kasi. Kaya ako, pinagtyagaan ko na lang kahit magkaiba ng lapat yung paa ko.

Sana uwian na.....

Tuesday, October 11, 2005

Ang simula ng pangarap

Bakit nga ba kami nangarap at nag-pursige na mag-apply sa New Zealand? Katulad din kami ng iba na gustong bigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak. At yon ay di namin nakikitang madali kung nasa Pinas kami.

Year 2001 when Henry and I seriously considered moving to a new territory to raise our family. We only have Vince then. Oo nga’t libre na yung bahay namin (we live with Henry’s parents) at stone-throw away lang sa simbahan, school at palengke kaso mo, Malabon naman yon. This is spelled out as B-A-H-A. Kahit siguro mansion ang bahay ko, kung para naman akong nasa island pag high-tide, wala ring kwenta. Nagsimula na kaming magplanong lumipat ng Bulacan (where I grew up). We purchased a lot in a subdivision in Malolos. Nagtanong-tanong ako sa kilala kong contractor kung magkano aabutin ang house construction. My jaw dropped, nakakalula ang presyo. That was the time when we thought of using the money for migration instead. Nice idea di ba.

Lahat kami sa family are fixed income earners, mga bayarang manggagawa 'ika nga. Kung magkasakit ang isa sa amin na matindi (wag naman sana), malamang na pati pamanang hapslip ng lola ko eh maibenta namin. Oo nga’t managerial capacity na kami pareho ni Henry pero sa mga routine and emergency expenses lang napupunta ang kita namin. Nalilimas kami everytime may nagkakasakit o kaya kung may kailangang ipaayos sa kotse. We think that we are almost at the peak of our careers and yet we can’t provide a safe, healthy and secured environment for the kids. Pano pa kung may nawalan ng trabaho sa amin? Nakakatakot isipin.

If my dad is still around, he’ll probably make me think twice. Kahit na puro freckles ang balat at banyaga ang apelyido nya, may pagka-patriotic yon. He never entertained the idea of leaving the Philippines for good. Aba, sasabihin ko naman sa kanya that our plans don’t mean I love my country less. Priority ko lang talaga yung mga bagets. However, if he is able to witness all the controversies our economy and government have been dealing with, malamang sasabihin non “sige anak, suportahan taka�.

Tuesday, October 04, 2005

Happy 6th Birthday Vince

Medyo masama ang pakiramdam ko since yesterday kaya tinanghali ako ng gising kanina. When I opened my eyes, wala na si Vince sa kama (tabi-tabi kasi kaming matulog, hi hi hi). Pagbaba ko ng bahay, I saw him preparing for school. I gave him a big hug then greeted him Happy Birthday. Sabi ko sa kanya ako na ang magbibihis sa kanya. Aba, wag na raw. 6 years old na daw sya at kaya na nyang magbihis mag-isa. Napangiti ako. Parang kailan lang mukha syang bubwit na kinakarga ko. Ngayon, marunong nang magbasa, mag-toothbrush at magbihis nang walang tulong itong si kuya. Ilang panahon pa, magkakaron na sya ng sariling buhay, sariling mundo. Sana mapalaki namin sya ng tama para tama rin ang mga gagawin nyang desisyon sa buhay nya.

Happy 6th Birthday Vince. mwaaaaahhhh!