Thursday, June 21, 2007

BIL and SIL

Gaya ng sabi ko dati, gusto naming makasama dito sa NZ ang mga kamag-anak namin. Nagsimula na nga po ito. Kahapon, dumating ang bro-in-law (BIL) and sis-in-law (SIL) ko. They are here on a 3-weeks visit. Ang unang plano ay Sunday sila dadating dito. Kaso, Saturday na dumating yung visitor's visa nila. Masalimuot ang naging kwento ng pagkuha nila ng visa but I wont go into the details anymore. Ang importante, nakarating dito.

Excited si Vince na makita ulit ang kanyang dear uncle. Close kasi sila non. Pagdating galing school, gustong nyang gisingin si BIL. Buti na lang at napigilan ko. Iba naman ang drama ni Shannen. Noong una, parang makahiya na ayaw lumapit at magsalita. Pero nang tumagal-tagal, lumabas na rin ang kakulitan ni kulasa.

I'll take them to SkyCity on Sunday. Isasama ko na rin sa pasyalan ang aking mum (that's how they spell it here). Aside from that, we'll show them the CBD, countryside, malls, parks and beaches. Sana magustuhan din nila ang NZ. It's more than just sheeps and cows. It's a beautiful country and has a lot of interesting things to offer.

1 comment:

Anonymous said...

mabuti naman at naka bisita sila dyan..Mum din ang spell dito.Naalala ko tuloy noon na ang ginagamit na deodorant ng nanay ko ay Mum.