Friday, February 29, 2008

Nang dumanak ang dugo

Kahapon dumanak ng dugo dito sa Auckland. 25 tao ang kasama pero 18 lang talaga sangkot, at isa ako doon. Sobra ang nerbyos ko nung una, first time ko kasing ma-involved sa ganon.

Oooppppsss, walang ano mang violence na nangyari. Lahat ng dugong lumabas ay para sa good cause. Nagkaron ng community service yung grupo namin at blood donation ang napili naming activity. Sa Pilipinas, taon-taon nang ginagawa yon pero di ako qualified dahil sa anemia ko so absent ako lagi sa service.

Bago pumunta sa bloodbank, kumain muna ako ng double cheeseburger sa Burger King. Bawal daw ang gutom eh. Uminom na din ako ng maraming tubig para sigurado. Sa NZ Blood, tinignan yung iron level ng dugo ko. Yehey, naka 135 ako (130 - 170 ang normal). Mga 5 minutes lang tumagal yung extraction. Ang matagal ay yung pahinga, mga 30minutes. First time eh, takot akong mahilo. But it turned out ok. Wala naman akong naramdamang kakaiba.

Ilang beses na din akong recipient ng dugo dahil sa surgery. It's my turn this time to give. Next year magdo-donate ako ulit.

.

Wednesday, February 27, 2008

Flat

I'm so flat @ work these past 3 weeks. Most of the time I work 10hrs/day. At kahit wala na ako sa opis, di maiwasang trabaho pa din ang iniisip ko. Kasi naman may major project kaming ginagawa. Walang dinagdag na tao kaya nadagdagan lang load namin. Yung isa naming kasama nag-resign. Tapos yung isa naman biglang na-operahan. haaaaayyyyy.....

I never had this much work before (not even in Manila). Hindi ko ine-expect na i'll be in this situation kasi ang alam ko ay relaxed ang lifestyle dito sa NZ. Sabi nga eh may work-life balance dito. People here don't normally work more than 40hrs a week. Nasa exception list ako ngayon. Oh well temporary lang naman to. I'm sure this will eventually go back to normal. Yung mga sobra kong oras ay babawiin ko na lang. Day (or time) in liueu ang tawag nila. Sa amin kasi walang OT pay kaya yung sobrang pasok ay pwedeng i-absent.

aba, umaga na pala. Ilang oras na lang trabaho ulit. isa ulit haaaaayyyyy.......

Friday, February 15, 2008

Si Mang Boy

Si Mang Boy ang ilokanong may-ari/driver na school service dito sa area namin. Para sa amin, hulog sya ng langit.

Opening ng klase dito sa NZ last week. Yung iba nag-start ng Monday. Sila Vince sa St. Joseph, Thursday. Problema naming ang maghahatid sa kanya sa school kasi nagpunta na sa Melbourne yung kaibigan naming sinasabayan nya dati.

Ang una naming option ay i-train si Vince na sumakay ng school bus. Para din yong regular bus kaya lang panay estudyante lang ang sakay. Sa bus stops lang nagsasakay at baba. Medyo kabado ako dahil 8yrs old pa lang si Vince (although maraming bata na kasing edad nya ang nagbu-bus din).

Tuesday night, tumawag sa akin yung kapitbahay naming pinoy. Solved na daw ang problema namin (wala ding maghahatid sa anak nya). Tinawagan daw sya ni Mang Boy at may slots pa para sa mga bata. 7:15am sya sumusundo. Ok lang pag-summer pero mahirap yon pag winter. May second trip sana (o di ba pang nasa pinas talaga), pero para lang yon sa areas na malapit sa schools.

Gusto pa din naming matuto si Vince na mag-bus. Di naman delikado dito kaya ok lang. Uunti-untiin namin ang pag-e-expose sa kanya sa public transpo. Siguro in a few months pwede na syang isabak.

Monday, February 04, 2008

Nurse2NZ

Tumawag sa akin ang sister-dear ko last Sunday. She relayed to me the news that I've been expecting for a long time. Nakapasa na sya sa IELTS. Magaling namang umingles si Ate X pero mataas lang talaga ang IELTS score na kailangan nya. Isang kasi syang dakilang nars. Requirement sa nursing registration ang makakuha ng 7.0 in all bands sa academic module.

After that call, nataranta na ako. Di ko na alam kung ano ang next step namin. Noong early 2006 pa kasi sya nag-start mag-prepare ng mga requirements. Nakalimutan ko na kung ano ang proseso.

Buti na lang naalala ko yung blog na Nurse2NZ. Isa itong blog tungkol sa pinoy nurses going to NZ. It gives you all steps in going about the application. Very detailed yung guide na nakalagay don. Napaka-informative talaga.

Kaya kung may kilala kayong nurse na nagbabalak pumunta dito, paki pasyalan na lang kung kapitbahay kong blog - nurse2nz.