Sunday, August 23, 2009

7 Tacitus Place









Ito na yung pinakahihintay nyong pictures ng aming bahay. Syempre, pinili ko na yung anggulo na magaganda (maganda na yun sa lagay na yon).

Kanina, nagpintura ng deck si Henry, Janjing, Vince and Shannen (oo, pati si kulasa kasama). Ako naman yung mail box ang sagot ko :) Inayos din namin ni Ate Chris yung garden. Ilang puno na yung natabas namin. Ang sakit ng braso ko.

Work-in-progress pa yung bahay. Uunti-untiin namin ang ayos.

PS: Pasensya na, hindi na-set yung date sa camera.

6 comments:

cindy said...

te,
congratulations ulit!

Manang Biday said...

Napakaganda ng bahay. Pakintabin ang deck - tamang tama ito para sa "bayle" sa reunion. Huwag kalimutan pa -bendisyunan para lumayo ang mga masasamang gamu-gamo.
I am really very happy for you. Huwag kalimutan magla-an ng pambayad buwan buwan.

Unknown said...

Congrats! Malaki yata backyard, para makalaro ang mga bata.

madbong said...

nice haus marekoy! lapit lang pala haus nyo sa kumpare namin.

jinkee said...

@ Manang M,
Magpapo-floorwax at magkakabit ako ang banderitas sa deck para sa bayle. he he he

@ Cindy, Mark, Bong,
thanks. tapos na ang stress sa paglilipat. pagbabayad naman ang kasunod.

malou said...

Wow ngayon lang uli ako napasyal dito ah at good news pa.... Congratulations! "Huwag kayong mag-alala hindi nyo na babalikan uli ang pangungupahan" yan ang sabi sa amin ng broker naming si Peter. At totoo nga akala ko kasi noon mahirap matulog ng mahimbing kapag may utang pero sa awa ni Lord 2years na kaming nakakaraos. Kayang-kaya nyo yan.