Umulan at bumaha daw dito sa Metro Manila kahapon. Umulan sa Pasig pero di naman bumaha. Sa Malabon naman bumaha pero walang ulan. Bakit kamo? High-tide kasi kahapon kaya ang island of Malabon ay medyo nagtampisaw sa tubig. With or without ulan, basta high-tide, bumabaha sa maraming lugar sa Malabon. I was clueless about tides until I moved to Malabon. Lumaki ako Guiguinto, Bulacan na medyo mataas na lugar.
Kung sa iba bwisit ang baha, isa si Janjing (bro.-in-law ko) sa nakangiti pag gantiong panahon. May carwash business kasi sya. Galing sa dagat ang tubig ng high-tide kaya nakakasira ng body ng kotse. Ilan nga daw yung sasakyan na lumipat ng ibang carwash kasi di na nila na-accommodate.
Malapit na naman ang tag-ulan. Mas matindi yon para sa amin - may tubig ulan na, may tubig high-tide pa. Hay naku, kelan kaya matatapos yung flood control project ng govt?
2 comments:
bumili ka na lang ng ganitong sasakyan.
http://www.aquada.co.uk/
pero kung walang pambili, madali naman sigurong lagyan na lang ng apat na gulong ang bangka para pwede rin ito sa lupa. :P
Parang yung yung nasa James Bond dati. Magpag-ipunan nga yan.
Post a Comment