Very good. Yan ang nakalagay sa CV ko pag nagpapadala ako ng application. Bat nga ba hindi, marunong akong bumasa, umintindi at magsalita ng inglis (mataas pa nga ang IELTS points ko). Pero nang mag-simula akong magtrabaho dito sa NZ, na-realize ko na kulang pala ang communication skills ko.
Communication is not only about talking and understanding the language. May iba pang elements sa equation gaya ng ....
Accent. Kiwis pronounce some things differently. They turn
e into long
e. Gaya ng "you're my
beast friend". Don't get provoked immediately when you hear this. Kung nakangiti yung tao nang sabihin yon, ibig sabihin eh best buddies kayo. But if it was delivered with a straight face, tingin ka sa salamin kung me problema ka nga :D
Jargons - Iba ang istayl dito. Maraming wala sa mga american tv programs at movies na napapanood natin sa Pinas. Gaya ng "the torch is flat". Aakalain mo ba na ang ibig sabihin non eh wala ng batterya yung flashlight?
Body language. May kasama akong indian na very fluent mag-english pero nako-confuse ako minsan sa gusto nyang sabihin. "Yes" ang sinasabi nya pero yung ulo nya eh pailing-iling. Ganun pala talaga sila mag-signify ng conformance.
Expression of thoughts. Para sa akin yan ang pinaka-importanteng ingredient sa communication. Di baleng inglis karabao, basta nakakapagbigay ka ng opinion. Yan ang area na dapat kong punan. Hindi kasi ako spontaneous. Madalas delayed reaction. Ine-evaluate ko pa kasing maige kung tama ba ang grammar at context ng sasabihin ko, at kung ano ang magiging reaction ng mga kausap ko. O bi ba, ang haba ng processo bago ko ma-express ang opinion ko. By then, iba na yung topic, ngek. Mabuti pa yung mga chinese eh kahit mali-mali ang inglis, aba sige lang basta nasasabi yung gusto nila.