Friday, February 29, 2008

Nang dumanak ang dugo

Kahapon dumanak ng dugo dito sa Auckland. 25 tao ang kasama pero 18 lang talaga sangkot, at isa ako doon. Sobra ang nerbyos ko nung una, first time ko kasing ma-involved sa ganon.

Oooppppsss, walang ano mang violence na nangyari. Lahat ng dugong lumabas ay para sa good cause. Nagkaron ng community service yung grupo namin at blood donation ang napili naming activity. Sa Pilipinas, taon-taon nang ginagawa yon pero di ako qualified dahil sa anemia ko so absent ako lagi sa service.

Bago pumunta sa bloodbank, kumain muna ako ng double cheeseburger sa Burger King. Bawal daw ang gutom eh. Uminom na din ako ng maraming tubig para sigurado. Sa NZ Blood, tinignan yung iron level ng dugo ko. Yehey, naka 135 ako (130 - 170 ang normal). Mga 5 minutes lang tumagal yung extraction. Ang matagal ay yung pahinga, mga 30minutes. First time eh, takot akong mahilo. But it turned out ok. Wala naman akong naramdamang kakaiba.

Ilang beses na din akong recipient ng dugo dahil sa surgery. It's my turn this time to give. Next year magdo-donate ako ulit.

.

3 comments:

Anonymous said...

wow ang bait ng pinsan ko..ako di pa rin ako nakakranas nyan dahil anemic din ako.
gg

Anonymous said...

wow, yan ang hindi ko kayang gawin kasi matatakutin ako pag nakakakita ng dugo. hehe

jinkee said...

@g,
baka wala na yung anemia mo. pa-check mo baka pwede ka ng mag-donate ng dugo. Uuwi nga pala si Tta Nieva sa April. email kita.

@madbong,
ano, takot ka sa dugo? pareho kayo ni henry. he he he