Friday, February 15, 2008

Si Mang Boy

Si Mang Boy ang ilokanong may-ari/driver na school service dito sa area namin. Para sa amin, hulog sya ng langit.

Opening ng klase dito sa NZ last week. Yung iba nag-start ng Monday. Sila Vince sa St. Joseph, Thursday. Problema naming ang maghahatid sa kanya sa school kasi nagpunta na sa Melbourne yung kaibigan naming sinasabayan nya dati.

Ang una naming option ay i-train si Vince na sumakay ng school bus. Para din yong regular bus kaya lang panay estudyante lang ang sakay. Sa bus stops lang nagsasakay at baba. Medyo kabado ako dahil 8yrs old pa lang si Vince (although maraming bata na kasing edad nya ang nagbu-bus din).

Tuesday night, tumawag sa akin yung kapitbahay naming pinoy. Solved na daw ang problema namin (wala ding maghahatid sa anak nya). Tinawagan daw sya ni Mang Boy at may slots pa para sa mga bata. 7:15am sya sumusundo. Ok lang pag-summer pero mahirap yon pag winter. May second trip sana (o di ba pang nasa pinas talaga), pero para lang yon sa areas na malapit sa schools.

Gusto pa din naming matuto si Vince na mag-bus. Di naman delikado dito kaya ok lang. Uunti-untiin namin ang pag-e-expose sa kanya sa public transpo. Siguro in a few months pwede na syang isabak.

2 comments:

Anonymous said...

hi jink,dati ayoko din sanang mag public bus si cioline kaya lang nainggit ata sya sa mga klasmeyts kaya pinayagan ko na rin.Nag ba bus lang sya kung may mga extra classes sa hapon.Syempre tinuruan ko muna sya.Sinamahan ko muna ng isang linggo hanggang sa natutuo na sya.May school bus service pa rin sya sa umaga 6;25AM ang sundo nya. binigyan na rin namin sya ng celphone pag nag ba bus sya.ten years old na sya sa april kaya marunong na rin sya.
gg

Anonymous said...

dats gud, layo din kasi ng st joseph sa meadowood. yung bunso saan pumapasok?