Monday, August 11, 2008

agoraphobia

After 2 months in the Philippines, balik New Zealand na si brother-in-law (BIL). Ang dami nyang baon na kwento galing Manila. Nung first 3 days daw nya, akala nya di nya kakayanin ang init. Mga 3 weeks bago sya nakapag-adjust.

Tawa ako ng tawa sa kwento nya tungkol sa first malling experience nya nung nandoon sya. Nagpunta daw sila sa Mall of Asia (di ko inabutan yon so I dont know how it looks like). Pagpasok nya sa bldg, parang ayaw na daw humakbang ng paa nya. Nahilo sya sa dami ng tao. At para daw di sya makahinga. Ganun din ang nangyari sa isang kaibigan ko nung umuwi sya. Dati naman silang mga tambay sa mga malls, greenhills at divisoria kaya sanay sya sa makapal na tao pero naiba nung napunta sya dito. ha ha ha... naging sossy na sila, di napang masa.

1 comment:

Anonymous said...

noong first naming uwi ng pinas ni cioline ok lang sa akin ang malling. ang nanibago ako ay sa trapik. At ng nag punta kami ni richard sa POEA, ay insan sising sisi kami kung bakit doon pa kami kumuha ng OEC. Kakainis Ala pa ring pagbabago.Sabi nga ni cioline bat daw ang dumi sa atin.Pero loves nya ang pilipinas
gg