May party sa kapitbahay naming pinoy nung Saturday. Yung ibang bisita ay mga ka-trabaho ni kapitbahay sa Fisher Paykel. Isa doon ay sobrang familiar sa akin ang mukha. Nung tsinika ko, aba classmate ko pala sa university. So far 6 na ang mga ka-batch ko sa Mapua na nandito (may isa daw kaming instructor na nandito din pero di ko pa nami-meet).
Lahat ng mga classmates ko na nandito ay more than 10 yrs na dito. Karamihan sa kanila ay napunta dito through invitation. A few years after I finished school, may natanggap din akong invitation para mag-migrate dito as skilled migrant. Di ko matandaan kung ang nagpadala ay immigration agent o NZ govt mismo (ang sossy ko naman kung yung pangalawa). Anyway, di ko yon pinansin. At that time, hindi ko alam kung nasaan sa mapa ang New Zealand. Ang akala ko lahat ng countries na may "land" sa dulo ay nasa Europe (ang engot ko).
Wala naman kasi talaga sa isip ko noon ang mangibang-bayan. Influence yon ng patriotic kong tatay. Dati kasi feeling ko basta nakapag-aral ka, mabubuhay ka na ng disente. Di pala ganon ang tutuong buhay sa Pinas. Kaya ito kami ngayon, nakikipagsapalaran sa lupain ng mga kiwi.
4 comments:
noon ,okay pa ang buhay sa pinas(tama ang dad mo). Kung tinanggap mo ang offer noon na mangibang bayan malamang di kayo ni henry ang nagkatuluyan. Siguro Puti ang napangasawa mo. hmmmm.
gg
@ g,
ano kaya ang feeling ng may blonde na anak. he he he . Si Shannen kasi brown lang ang buhok.
Nakidaan lang. Gusto ko rin pumunta ng NZ kaso di ko alam kung papaano. meron po bang sponsorship for nurses? hehe
@ william,
Di naman komplikado ang mag-practice ng nursin dito sa NZ. I am curently helping my sister in her application kaya medyo familiar ako sa processo. Puntahan mo yung blog na http://nurse2nz.blogspot.com to get more info.
cheers
J
Post a Comment