Galing ako sa NZ embassy sa Makati nung Tuesday. Magsu-submit sana ako ng Visitor’s Visa application para sa mother-in-law (MIL) ko. 9 to 11:30am ang oras ng pagtanggap ng application form. 8:05am ako dumating, madami nang taong naghihintay sa baba ng bldg. Ang una kong ginawa ay hanapin yung guard na naglilista. Wala! Umakyat daw sabi nung isang guard. Nasilip ko yung listahan, medyo mahaba na.
Habang naghihintay, ilang ulit kong ni-review yung mga dala kong documents. Dala ko yung application form, passport, bank certs, business registration cert., at booking cert. ni MIL. May isa na lang akong kulang, yung Supplemental Questionnaire (one page lang) na sa embassy lang nakukuha. Nang kampante na akong kumpleto ang dala kong documents, inumpisahan ko nang makipag-tsikahan sa mga nandoon. Syempre, mga babae lang ang nilapitan ko.
Girl #1 - Babae na may 2 anak. Family Category daw sila. Nandon na sa Palmy yung mister.
Girl #2 - Visitor’s visa ang pakay para sa kanilang mag-ina. May dala syang medical cert kasi more than 1 yr ang plano nyang stay. Si husband daw ay almost a year nang nasa South Island as Dairy Farm worker. Tinanong ko kung pano nagka-work visa si mister. Nag-apply daw sya at mga kasama sa www.frenz.co.nz.
Girl #3 – May good friend daw syang pupuntahan sa Auckland. Plano nyang wag nang bumalik sa Pinas if ever ma-grant ang application nya.
Girl #4 – Magpapakasal daw sya sa NZ sa jowa nyang Kiwi. Nagtataka ako bakit yung sister ni lalaki ang nag-sponsor sa kanya at di si fiancé.
9:00am nang bumaba yung taga-lista. Pinaakyat nya na yung mga taong una sa listahan. Pagkatapos non, inilista naman yung pangalan ng mga naiwan. Dahil sa walang sistema, naging number 1 ako…. number one sa next page. Grrrrr!#$%^*&^ . Mamayang konti, pinaakyat na si girl #s 1 and 4.
10:30am, yippee, mapalapit na ang turn ko. Medyo nag-retouch na ako (ang arte. he he he). Bumaba na si girl no. 4 (yung may fiancé) na nakasimangot. Kulang daw sya ng requirements, kailangan daw dala na nya yung application fee na P4700 (libre kung ang stay ay less than 59days). Nakupo, wala din ako non. Bayad pala agad. May credit card ako pero bank draft, cashier’s check and manager’s check lang ang acceptable. Takbo ako sa BPI (sa grnd floor din). May account naman ako doon, pwede akong bumili ng manager’s check. Nanlambot ako nang makita kong ang haba ng pila sa teller. Imposible na akong umabot sa cut-off time ng embassy. Kainis, nasayang ang oras ko.
May part 2 pa to. Sa Tuesday, babalik ulit ako sa embassy. Sisiguraduhin king nandoon ako nang 6:45am para mauna akong tawagin.
No comments:
Post a Comment