Kahit senior citizen na ang MIL ko (she's 68), mukhang dadaan sya sa butas ng karayom sa pagkuha ng visiotr's visa. Nang ipasa ng travel agency yung application form nya, nag-note si visa officer na kailangang mag-submit ng additional requirements - Sponsorship form from Henry, and bank account history. Yung unang hinihingi, impossible. Eh sa April 7 pa lang aalis si Henry. Kahit nasa NZ na sya, di pa rin uubra. Only bonafied residents and citizens can sponsor a visitor. WTR visa lang ang hawak ni Henry.
2 bank certificates were submitted as evidence of financial support. However, account history should be presented. This can come in the form of passbook or bank statement (last 3 months). Don medyo may problema. Pareho kasing bagong placements yung pera ni MIL. Yung isang account ay dating nakapangalan kay Henry na ginamit nya as WTR 'show money'. Yung isa naman ay dating low-interest investment bago naging time deposit. Ang available lang na history nung old investment ay photocopy na galing sa bangko.
Medyo kinakabahan ako sa result ng application na 'to. Kung di namin makakasama si MIL, lagot ako sa byahe :-(
4 comments:
dapat pala ang in-apply-an mong visa eh yung pang "travelling companion" or something to that effect. good luck, sis. maayos din yan. :D
kung di mo makakasama si MIL mo, you might want to take the late flight para tulog ang mga anak mo sa 13 hrs na flight nyo, tsaka baon ka ng maraming pagkakaabalahan nila. Ibilin mo na rin sa attendant or sa katabi mo if you need to go sa CR. Ganyan din problem ko kasi 3 bulilit kasama ko eh.
medyo may kahirapan nga ang situation. pero goodluck na lang.
hi jinks! may 20 naman ang tentative date ng alis namin sana...pero wala pa kaming ticket. di pa nga ako nagtatanong ng presyo. any agency you can recommend for this?
my sister ang sasama sa amin dapat pero ni step 1 ng visa process wala pa siya. dun lang kami sa limited purpose visa---what kind of visa ba ang sa mom in law mo?
praning na nga ko imagining na walang sasama sa amin ni baby tapos ikaw hindi lang isang bata ang dala mo! sana ay maaprubahan na agad ang kay MIL mo.
eto nga pala email ko sassymoon@gmail.com
Post a Comment