$10 ata yung pinakamura, most often asian ang taga-gupit. Kung sa parlor na puti ang haircutter, nasa $20 to 22 ang patabas. Nakakamiss yung friendly neighborhood barbero naming si Jimmy na P40 lang ang singil.
Gamit ang $19 na clipper from Hill&Stewart plus 10 minutes na free tutorial kay Jimmy, nangahas akong gupitan ng buhok si Vince. Noong una, nagaaway pa kaming mag-ina kasi naiipit yung buhok nya sa ngipin ng clipper. Nang patapos na kami, nakuha ko na rin kung pano gamitin yung lintyak na clipper. Final result: parang gupit din ni Jimmy yun nga lang kung may hangover sya. (picture to follow)
7 comments:
ok yan. baka later mag-sideline ka na rin na taga-gupit.
I was about to say that to Jinkee ka Uro, hehehhe
natawa naman ako sa gupitan nyo ni vince..dito rin mahal ang gupit yung pinakamura nila presyong ricky reyes na kaya ang ginagawa ni richard nag papagupit sya sa friend nya.
hehehe... naalala ko tuloy nang unang gupitan ko rin ang mga bagets at si mark. nilalakasan ko lang loob ko pero sa totoo lang natatakot ako sa magiging reaksyon nila sa pagharap sa salamin. ok naman ang resulta, 1 yr na kami dito ako pa rin barbero nila at take note buo pa rin mga tenga nila. May gusto na ngang magpagupit na friend ni panganay(pinoy din) duda ko nagtitipid lang din gaya namin. pero bago ko sya gupitan tatanungin ko muna kung sakali ok lang ba sa kanya pakalbo?
sige, praktis pa ke vince at henry, pag master mo na me 2 + 1 coming na customer na nakapila na.
raainy
Ako rin dati naggugupit sa 2 boys ko, pero nung magkaisip na sila, ayaw na..hehehe..dalhin ko na raw sa barbero, mahal din ang gupit dito.
Galing nga pala ako sa bahay ni Cielo.
KU,
Baka gusto mong magpagupit sa akin?
Cielo,
Kung mas matagal siguro yung taining ko sa barbero, say about 30 minutes, baka maghanap na ako ng customers. hehehe
G,
Bat naman lumalayo pa ri Ricky? Bat di na lang ikaw ang gumupit sa kanya :D
Malou,
Nagiging talented tayo dito sa NZ.
Raainy,
Basta naba-bribe ng lolly yung customer, ok lang sa akin.
Hi Ann,
Salamat sa pagbisita. Sasamantalahin ko ngayon ang pagkakataon habang di pa nagrereklamo si Vince.
Post a Comment