Thursday, July 27, 2006

Go home and plant Kumara

Pag-sinabihan ako dito ng "go home and plant Kumara" (or camote in tagalog), I won’t get offended. Bat kamo? Ginto kasi ang camote dito. Ang grapes nasa $3/kg, broccoli $1.5/kg and Kiwi fruit $0.99/kg (minsan $0.59 lang) pero ang camote, tumataginting na $4.00. My gulay, camote lang yon! As in camoteque.

Isa pang mahal na gulay dito ang baguio beans. Nasa $11 ang isang kilo. Iniisip ko na lang na mahal ang pamasahe mula Baguio hanggang NZ. For prices of veggies and groceries, check out www.foodtown.co.nz (pero cheaper sa Pak 'n Save, wala lang silang online shopping)

8 comments:

Ka Uro said...

try niyong mamili sa fruits and veggie store sa northcote, kanto ng ocean view rd at hillcrest ave.

dun naman sa tapat niya, katabi ng pizza hut may meatshop. dun naman kami namimili ng meat. binibili ko dun yung porkchop. tamang-tamang pang ihaw.

Ann said...

Ang mahal pala ng gulay ryan sa NZ, mas mura rin ang grapes dito kaysa camote, pinakamahal dito ay ang singkamas(sr24/kl) at sayote(sr8).

jinkee said...

KU,
Nagpunta kami ng Northcote kahapon. Marami ngang gulay na mura doon kaya lang walang kalamansi at sayote. Pwede bang humingi sa tanim ni Jean :)

Ann,
Kemahal naman ng singkamas dyan!!! Ang sayote (or choko) is also expensive here, Lagi pang kuluntoy yung inaabutan namin. Wala tuloy sayote ang tinola namin :(

Ka Uro said...

wala talagang nagtitinda ng kalamansi sa nz. may konti pang bunga yung kalamansi namin, pero yung sayote wala na. sa bandang summer na uli magbubunga yon.

ann, but nga jan may singkamas kahit mahal, dito sa nz, wala pa akong nakita.

Anonymous said...

One more na mahal is talong ...$6 per piece dito sa South Island. Kaya tuloy dalang ko kumain nito.

jinkee said...

Hi Weng,
Correct ka dyan sa talong na yan. Miss ko na ang inihaw na talong :(

Ann said...

Na curious lang ako sa talong na yan, grabe ang mahal! Saang lugar yan sa NZ din ba?

Sayote rin dito kuluntoy na pagdating, madaling masira eh no? Papaya na lang nilalagay ko sa tinola.

@KU, sa Tamimi Safeway lang ho may singkamas dito, sa ibang grocery wala.

Anonymous said...

hi makasagot ulit ke Ann...yes sa NZ sa Southern part. Di ko lam sa North if ganon din kamahal. Unfortunately wala pa me nakikitang sayote dito ni minsan. Yung papaya naman hinog na so di pwedeng pangluto.