Wednesday, August 16, 2006

Kiwi Goodness

Last Friday, I took the day off to take my MIL for a blood test. Walang bayad ang Glucose Tolerance Test (GTT) despite declaring her visa status (tourist). Libre daw ang blood tests sa NZ.

Since Henry has work that, MIL, Shannen and I took the bus (takot pa akong magmaneho). Instead of bringing a bus route map with us, tinandaan ko na lang yung bus # at lugar na bababaan – 2 bus rides papunta, 2 bus rides pauwi. We did ok going to the clinic which happens to be in the corner of Apollo Drive and Rosedale. Nang pauwi na kami saka nagkawindang-windang ang lahat. Pagsakay namin sa bus, sinabi ko sa driver na ibaba kami sa bus stop na papuntang Forrest Hill. After nyang i-confirm sa radio kung saan kami dapat ibaba, sabi nya “ok�. Ang kaso, mali ang instructions sa kanya. Sa ibang stop kami ibinaba, sa Constellation Station. @#$*#$%^!

Nagtanong ako sa isang bus na nakaparada kung dadaan ba sya dun sa area namin. Oo naman daw. Iba ang routa nya pero dadaan sya malapit sa amin.

Ibinaba nya kami malapit sa kanto ng Wairau at Tristram. Mga 50 meters na yung nalalakad namin nang nakita kong tumatakbong papalapit sa amin si mamang driver. Nang makalapit sya, sinabi nyang di daw kami pwedeng dumaan sa Tristram kasi walang footpath doon (ibig sabihin, bawal ang pedestrian). Sakay na lang daw kami ulit at ihahatid nya kami sa bahay. Buti na lang at kami lang ang pasahero.

Kasalanan ni Tsuper-man kung bakit napunta kami sa lugar na yon pero he could have just left us there and let us find our way home. But instead of that, he went out of his route to ensure that we get home safe. That was really sweet. O di ba mababait sila.

5 comments:

Anonymous said...

Napadaan lang po. Galing ako sa pondahan ni KiwiPinay, nakialam sa isang link na nakita ko doon at dito ako napadpad :) Isang masayang pagbati mula sa Pilipinas na kasalukuyang malamig at inuulan! :)

Ann said...

Lagi ko nga nababasa kay KU na mababait mga tao ryan. Palabati kahit sa mga hindi nila kalahi. Sana ganyan sa lahat ng place no..saya siguro.

Kiwipinay said...

o di ba? dapat ay mabigyan ng commendation si mamang tsuper-man. ipadala mo sa maxx! :)

Ka Uro said...

tama si KP, maganda rin na sumusulat tayo sa maxx kapag may mga tauhan silang may magandang nagagawa katulad ni tsuper-man. minsan kasi masipag lang tayong sumulat kapag may compaints tayo.

jinkee said...

Hi Bea,
Salamat sa pagsilip mo sa bahay ko :)

Hi Ann,
Ilang beses na kaming naka-experience ng kabutihan mula sa mga kiwi. I love it here!

KP and KU,
Salamat sa suggestion. Nagpadala na ako ng thank you and commendation letter para sa aming Tsuper-Man.