Friday, August 25, 2006

Our first NZ car



Matagal ko nang gusto I-blog tong kotse ni Henry kaya lang baka batukan ako non pag nalaman nya. Nawawalan daw ng dignidad yung kotse.

4 weeks after he got here, nakabili na agad si henry ng kotse. A friend of a friend sold him her family’s spare car. The car is a black Honda Legend 1991. The price…. NZ$400! Ginastusan ni Henry ng $700 para sa WOF, tires at solenoid, and presto, may matinong kotse na sya. Walang problema, walang kalampag. May CD-changer, sun-roof, programmable seat-setting, automatic transmission, all-power, aircon/heater, etc. Poging-pogi itong kotse na to nung kabataan nya.

Pwede pa daw i-trade-in tong kotse for $2000. Tutubo pa kami. However, we’re keeping it. Kahit makabili na kami ng maganda-gandang second car, di namin idi-dispatsya itong si Legend.

Note: Kamukha ng nasa picture yung kotse pero hindo ito yon.

5 comments:

Ka Uro said...

mag-ingat sa mga dealers na nagpepresyo ng malaki sa trade-in. kadalasan pepresyohan ng malaki ang lumang car, pero tataasan naman yung bago. eg. kung tunay na presyo nung car nila is $10k with no tradein, sasabihin nila $11.5k ang presyo at $2k ang tradein. in effect, $500 lang talaga ang ibinayad sa lumang kotche.

in most cases kung bibili ka sa dealer mas makaka mura ka kung ibenta mo muna privately yung lumang mong car, instead na i-tradein mo.

like in the above case, you buy their $10k car, and sell your car privately for say $1k. you're better off by $500.

in any case, i believe dealers usually have a mark-up of $3k plus per car. so even if they offer you a $2k tradein, kita pa rin sila ng at least $1k.

Anonymous said...

ay! nagcompute pa naman ako agad. sabi ko ang mura naman. at poging pogi sya ha. joke..joke...joke..

Ann said...

Dito rin ang mumura ng second hand na car, ang bilis kasing magpalit ng model na mga katutubo.

Anonymous said...

akala ko yan na talaga yong kotse nyo, kamukha lang pala pero mura na yan ng 400 lalo na kung pesos lang ang halaga hehehe (halatang lokal na lokal ako no!) kaso nilagyan mo pa ng NZ$ mahal na yan, tawaran mo pa ng 50% off. dito lahat ng mall ni Henry Sy (not Say ha!) ganyan lagi ang naka-post di ba!

Kiwipinay said...

kala ko yan na ang kotse mo. :)