A couple of weeks ago, pumarada kami sa tapat ng isang commercial bldg sa Wairau Park. May 2 bakanteng parking slots, sa gawing kanan ang kinuha ni Henry. Parehong malalalaking SUV yung nasa magkabilang gilid kaya na-stepping on the line kami. Just before Henry switched off the engine, may isang pulang SUV na kukunin sana yung libreng space. Pero dahil may kalakihan din sya, di sya nagkasya kaya sa iba na lang sya pumarada.
Halos sabay lang naming bumaba ng sasakyan yung puting driver ng pulang SUV. Kita ko sa mukha na na medyo galit. Nagsasalita sya habang papasok sa building. Di ko narinig yung iba pero yung dulo ay "f**king foreigners!". Nakupo, nagpantig ang tenga ko. Sabi ko kay Henry ako na ang balaha doon.
"What's your problem with us?", tanong ko sa kanya.
"You shouldn't be in NZ. Why not go back to own country...", sagot naman nya.
Abay loko pala sya. Di ba nya nakikitang kelalaki nung mga katabi naming sasakyan. Sa mga ganitong pagkakataon bumibilis akong mag-isip at gumagaling akong mag-ingles (naalala ko tuloy nang makipag-argumento ako noon sa kapitbahay naming si Atty. Jarapa). So sumagot ako. Marami pa sana akong sasabihin para i-tama yung konsepto nya but he walked away from me.
This is not a perfect world. Although a lot of kiwis are polite and accommodating, may iba ring rude at discriminating (esp. to asians). If you allow them to do it to you, they'll just keep on going. So kung ayaw mo ng ganong treatment, you have to put up with them.
Tuesday, January 23, 2007
Monday, January 15, 2007
Kwarentallador
Summer is undeniably here. Well, December pa ito officially nagsimula. Although ramdam ang change ng temperature, madalas pa ring malamig ang panahon esp. kung cloudy. Ngayon, pag nakasilip si Haring Araw, talaga nga namang iindahin mo ang init.
Di na namin matiis ang alinsangan sa gabi (isang malliit na bintana lang ang pwede naming buksan sa buong bahay) kaya bumili kami ng 2 electric fans noong Sabado. Haaayyyy…. ang himbing ng tulog ng mga bata.
Note: 2 x bentellador = kwarentallador

Thursday, January 11, 2007
Hanapbahay - Part 3
Haaayyyy.... Wala pa rin kaming nahahanap na lilipatan. So far lahat ng tinignan namin ay di pwede. Kung hindi maganda yung location, di namin kaya yung rent o kaya pangit yung bahay.
Sa February dadating ang nanay ko dito (hopefully). Mag-o-verlap sila ng mga 2 weeks ni MIL. Siguradong di na papayag yung landlord namin for another extra headcount. Yun kasing kay MIL ay pinakiusap lang namin. Sinabi ni Henry na shortterm lang ang stay nya pero 8 months na ngayon.
Sabi yung rental agent na nakausap namin, mula ngayong week na to hanggang early Feb ang kasagsagan ng rental market. Sinasamantala ng mga tao ang school holiday sa paglilipat. Sana nga within the next days ay mahanap na namin ang aming next house.

Friday, January 05, 2007
Boxing Day
Dec. 26 is Boxing Day in New Zealand. Sa loob-loob ko, katatapos lang ng Pasko magsusuntukan na. Asus, mali naman ako doon. Hindi pala para sa mga katotoo ni Pacquiao yung holiday na yon kundi para sa mga less fortunate people. Ang origin ng celebration ay 800 years ago pa. Churches would open their alms "boxes" and distribute it to the poor.
In this time and age, Boxing Day is synonymous to grand sale. Inaabangan ito ng lahat ng tao kasi talaga nga namang makalaglag-panga ang mga presyo. Most retailers would get rid of their over stocks kaya malaking discount na binibigay nila. Gaya na lang nung 7-foot fibre-optic Christmas tree, dating nasa $200 naging $30 na lang. Nakabili ako ng throw pillows na 50% off. Ang sarap bumili kung may pambili.
Ngayong alam na namin ang gimik sa boxing day, next year ay baka ma-late kami ng bili ng mga Christmas gifts. Sasabihin ko na lang sa mga bata na na-traffic si Santa.

Thursday, January 04, 2007
First NZ New Year
Sa Pinas, sinasalubong namin ang New Year sa Bulacan. Masaya mag-bagong taon doon. Laging may street party sa tapat ng bahay namin. Pagtungtong ng 12mn di ka na makakita at makadinig dahil sa mga paputok. Pag nag "dial" ka ng ilong mo, siguradong iitim ang daliri mo.
Ibang-iba dito, mapayapa at walang putukan ang salubong sa bagong taon. To most kiwis, it is an ordinary day. Buti na lang at naimbitahan kami ng isa naming kaibigan na sa bahay nila New Year. Mga 10 pinoy families ang nandon. Bawat isa ay may dalang yummy pinoys dish (super enjoy ako sa Pinakbet). Ang highlight sa mesa ay yung lechon. Nang mag-a-alas dose na, inilabas na yung mga lusis (di pwedeng magpaputok at baka ma-report yung host sa Noise Control). Nang eksaktong 12mn na, pinatalon ng mga nanay yung mga bata para daw tumangkad sila. We really had a wonderful time there. Hindi man mga kamag-anak yung mga kasama namin, very warm naman sila. At ang pinaka-importante sa lahat ay nakapag-celebrate kami.
Nang pauwi na kami, talaga nga naman pong ang tahimik ng paligid. Sa almost 4 kilometers naming byahe, 3 bahay lang ang nakita naming bukas ang ilaw (not even sure if they were celebrating). Pag dating sa bahay, syempre tawag na agad sa pinas. Malayo man, nandoon pa rin kami in spirit.

Subscribe to:
Posts (Atom)