Tuesday, January 23, 2007

Unpleasant encounter

A couple of weeks ago, pumarada kami sa tapat ng isang commercial bldg sa Wairau Park. May 2 bakanteng parking slots, sa gawing kanan ang kinuha ni Henry. Parehong malalalaking SUV yung nasa magkabilang gilid kaya na-stepping on the line kami. Just before Henry switched off the engine, may isang pulang SUV na kukunin sana yung libreng space. Pero dahil may kalakihan din sya, di sya nagkasya kaya sa iba na lang sya pumarada.

Halos sabay lang naming bumaba ng sasakyan yung puting driver ng pulang SUV. Kita ko sa mukha na na medyo galit. Nagsasalita sya habang papasok sa building. Di ko narinig yung iba pero yung dulo ay "f**king foreigners!". Nakupo, nagpantig ang tenga ko. Sabi ko kay Henry ako na ang balaha doon.

"What's your problem with us?", tanong ko sa kanya.

"You shouldn't be in NZ. Why not go back to own country...", sagot naman nya.

Abay loko pala sya. Di ba nya nakikitang kelalaki nung mga katabi naming sasakyan. Sa mga ganitong pagkakataon bumibilis akong mag-isip at gumagaling akong mag-ingles (naalala ko tuloy nang makipag-argumento ako noon sa kapitbahay naming si Atty. Jarapa). So sumagot ako. Marami pa sana akong sasabihin para i-tama yung konsepto nya but he walked away from me.

This is not a perfect world. Although a lot of kiwis are polite and accommodating, may iba ring rude at discriminating (esp. to asians). If you allow them to do it to you, they'll just keep on going. So kung ayaw mo ng ganong treatment, you have to put up with them.

3 comments:

Anonymous said...

wow ang tapang mo insan..nasa lugar din naman ang pagtataray mo.Bastos naman kasi sya!!Tama ka,dapat lumaban din tayo para di nila tayo apak apakan.

Anonymous said...

Magandang araw po sa inyo,

Ako po si M. Reveillex E. Lim, isang fouth-year BA Sociology student ng University of the Philippines, Diliman. Sa kasalukuyan semestre na magtatapos sa buwan ng Marso, ako po ay nagsasagawa ng pagsasaliksik tungkol sa buhay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa pamamagitan ng pagbasa at pagunawa sa kanilang mga blog entries.

Maaari ko po bang i-download at pag-aralan ang inyong mga blog entries mula sa pinakaunang buwan sa inyong archives hanggang sa inyong latest entries? Isa po ang inyong blog site sa aking napili dahil sukat pong mayaman ito sa mga paglalahad na lubos na makakatulong sa aking mga layunin:

Maunawaan ang mga mahihirap at masasayang karanasan ng isang OFW na kadalasang hindi nakikita o nalalaman ng karamihan ng mga Pilipinong nasa Pilipinas

Ipakita ang mga karanasan o sitwasyong kinaharap ng mga OFW na maaaring makabuwag sa mga taliwas na mito o “myths� tungkol sa kanila, ang mga dayunang tao at ang dayuhang bansang kanilang pinagtatrabahuan

Unawain ang mga pagbabagong isinasagawa at nararanasan ng mga OFW sa kanilang patuloy na pamumuhay sa ibang bansa sa aspeto ng kanilang kultura (gawi, pananaw, kilos)

Matukoy ang mga iba't iba pang aspeto ng buhay ng mga OFW na kanilang isinasakripsiyo habang namamasukan at nananatili sa ibang bansa

Matukoy ang mga “migration intetions� ng mga OFW bukod sa pang-ekonomiyang kadahilanan

Nais ko po kayong paalalahana na ang mga layunin na aking isinaad sa taas ay maaaring magbago pa na maaaring maidulot ng aking mga matutunghayan sa inyong blog entries.

Higit po sa lahat, mariin kong ipinapaalam sa inyo na pangangalagaan ang inyong “privacy� at “anonymity� sa naturang pagsasaliksik na ito.

Maaari niyo po akong i-e-mail sa address na ito: RevLim1987@yahoo.com
Umaasa po ako sa inyong pagpapaunlak sa aking pananaliksik.

Lubos na gumagalang,
M. Reveillex Lim

jinkee said...

G,
Hindi talaga ako palaban pero minsan talagang kailangan (esp. kung may fould words na).

Rev,
Are you for real?
Anyway, padadalhan kita ng email mamaya (kakayanin ko munang intindihin yung sinulat mo, medyo mahina ang pang-arok ko).

cheers,