Dec. 26 is Boxing Day in New Zealand. Sa loob-loob ko, katatapos lang ng Pasko magsusuntukan na. Asus, mali naman ako doon. Hindi pala para sa mga katotoo ni Pacquiao yung holiday na yon kundi para sa mga less fortunate people. Ang origin ng celebration ay 800 years ago pa. Churches would open their alms "boxes" and distribute it to the poor.
In this time and age, Boxing Day is synonymous to grand sale. Inaabangan ito ng lahat ng tao kasi talaga nga namang makalaglag-panga ang mga presyo. Most retailers would get rid of their over stocks kaya malaking discount na binibigay nila. Gaya na lang nung 7-foot fibre-optic Christmas tree, dating nasa $200 naging $30 na lang. Nakabili ako ng throw pillows na 50% off. Ang sarap bumili kung may pambili.
Ngayong alam na namin ang gimik sa boxing day, next year ay baka ma-late kami ng bili ng mga Christmas gifts. Sasabihin ko na lang sa mga bata na na-traffic si Santa.
No comments:
Post a Comment