Sa Pinas, sinasalubong namin ang New Year sa Bulacan. Masaya mag-bagong taon doon. Laging may street party sa tapat ng bahay namin. Pagtungtong ng 12mn di ka na makakita at makadinig dahil sa mga paputok. Pag nag "dial" ka ng ilong mo, siguradong iitim ang daliri mo.
Ibang-iba dito, mapayapa at walang putukan ang salubong sa bagong taon. To most kiwis, it is an ordinary day. Buti na lang at naimbitahan kami ng isa naming kaibigan na sa bahay nila New Year. Mga 10 pinoy families ang nandon. Bawat isa ay may dalang yummy pinoys dish (super enjoy ako sa Pinakbet). Ang highlight sa mesa ay yung lechon. Nang mag-a-alas dose na, inilabas na yung mga lusis (di pwedeng magpaputok at baka ma-report yung host sa Noise Control). Nang eksaktong 12mn na, pinatalon ng mga nanay yung mga bata para daw tumangkad sila. We really had a wonderful time there. Hindi man mga kamag-anak yung mga kasama namin, very warm naman sila. At ang pinaka-importante sa lahat ay nakapag-celebrate kami.
Nang pauwi na kami, talaga nga naman pong ang tahimik ng paligid. Sa almost 4 kilometers naming byahe, 3 bahay lang ang nakita naming bukas ang ilaw (not even sure if they were celebrating). Pag dating sa bahay, syempre tawag na agad sa pinas. Malayo man, nandoon pa rin kami in spirit.
No comments:
Post a Comment