Wednesday, December 05, 2007

Ano to

Dumating noong isang linggo yung box na padala ng nanay at mga kapatid ko. Ang laman non ay mga regalo nila sa amin para sa pasko. Sa Pilipinas nga naman kasi ang dami naming natatanggap na pamasko, dito iilang piraso lang. Ang sweet nila no (love you all, mwaaah...)

Aside sa mga nakabalot na regalo, sinamahan na din nila yon nga mga anik-anik. Andyan yung dakki pillows, pang-kikay, damit ng mga bata, accessories, etc. Meron isang item doon na hindi ko mawari kung ano. Hindi naman fridge magnet kasi wala namang magnet. Hindi hair clip o earing. Hindi rin bookmark. Di talaga namin ma-figure out kung para saan yon. whachatink? any idea?

2 comments:

Anonymous said...

looks like a bag holder po. Put the round thing on the table and the hook is for the bag. (??!?)...Sana tama hula ko.^^ Kung nadecipher niyo na kung ano nga yan pakipost naman!hehehe

jinkee said...

naku, tama ka. bag holder nga yan. Yan ba ang bagong uso? Wala pa akong nakikita nya dito sa NZ (well that's not surprising at all, he he he).