Kahit na konti lang ang population ng NZ, di pa rin ito ligtas sa rush hour traffic. Nasa 15kms lang ang layo mula bahay hanggang sa trabaho pero inaabot ako ng 50 to 60 minutes sa byahe. Kombinasyon ito ng 5 minutes drive mula bahay hanggang bus station, 30minutes na bus ride, at 10 minutes na lakad papunta sa office. Yung difference ay para sa paghihintay ng bus.
Excited akong pumapasok sa trabaho. First time ko kasing masusbukan yung bagong busway dito sa North Shore. Dati yung shoulder ang ginagamit na bus lane. Ngayon may sarili na silang kalsada. Ang official opening ay sa Feb 2008. Pero noong Saturday binuksan na yung isang lane. Ito yung mula north papunta sa CBD. Yung pabalik ang hindi pa handa.
Inorasan ko yung byahe ng bus. Pag-alis pa lang sa istasyon ay nakatutok na ako sa relo. Wow, in 22 minutes nasa midtown na ako. That's 8 minutes less than normal. Aba, malaking bagay yon. I'm pretty sure maraming mai-ingganyong mag-public transport mula ngayon. When that happens, there will be less cars in the road, less hassle in the traffic and less pollution in the air.
2 comments:
hi jinkee, good morning! madalis rin akong bumisita sa blog mo,medyo tamad lang mag comment.
pwede ba mahingi email mo. meron lang akong gustong itanong.plsss...
@ operradda2,
salamat sa pagtambay sa blog ko. ito ang email add ko - jinkeesay@gmail.com
Post a Comment