Ang bilis ng panahon. Dalawang taon na si Henry dito sa NZ. Sa dami ng pangyayari, ang hirap isipin na lahat ng yon ay nagkasya sa 2 taon.
Karamihan ng nakilala namin dito na datihan na ang nagsasabi na swerte si Henry dahil soft ang landing nya. Yung mga unang dumating kasi dito, mas mahirap ang pinagdaanan nila. All of them came here not knowing anyone, walang kaibigan, kapamilya o kahit support group. Mahirap nga yon, lalabas ka sa comfort zone mo and then move into a place na lahat ay bago. Si Henry, kahit papano may kakilala na.
April 8, Saturday nang unang dumating sya sa Auckland. Nakitira sya sa bahay ng ka-klase ko nung high school sa may Albany. Ang unang nyang comment, "Ang lamig, parang naka-aircon sa labas kahit maaraw". Nung sumunod na Biernes (which was a Good Friday), aba nasa galaan na sya. Nasabit sya sa holiday sa Coromandel. Nang sumunod na linggo, aba may trabaho na sya. Two weeks after that, nakahanap na sya ng isang cute na flat para sa pagdating namin. Di nagtagal, may nabili syang kotse for $400. Konting tuktok at palit ng pyesa, matinong kotse na.
We will be forever thankful to all those people who have helped us settle. We always include them in our prayers. At kung di man namin maibalik sa kanila ang mga favors, bumabawi na lang kami sa pagtulong sa mga bagong dating.
5 comments:
hi jinkee, ambilis ng 2 years no? parang kelan lang din ako dumating dito, apat na taon at kalahati na pala. lapit na kami maging sixty cents hehe
Happy Anniv kapatid! Uy ako nung Feb 21 1 year na (which is also my bday! Oh diba! :))
Congrats sa inyo! Alala ko nga kwento mo na nag-fishing kaagad si henry. Happy kami para sa inyo! Kailan kayo dadalaw sa amin? Next anniversary niyo, suguro may pics na ng bahay!
mark n malou
hi insan musta na kayo...wow ang tagal nyo na pala dyan. kami eto kaka approved lang ng PR namin. Di na kita na email mula ng pag dating ni dad medyo busy. Bukas Singapore youth feast, may choir competiton sila cioline.Ngapala sila myla nakalipat na sa bulacan.
take care
barbara
@ madbong,
kabisado mo na ba ang national anthem ng NZ. Kinakanta daw yon sa oathtaking. Turo mo na lang sa akin pano yon.
@ tuny,
Di ba madaling araw ka ng dumating dito? Naaalala ko yung post mo sa e-group.
@ mark 'n malou,
malayo pa yung bahay, baka mauna pa ang citizenship don.
@ g,
congrats din sa PR nyo. Sana magkita tayo either dyaan o dito.
Post a Comment