When we moved here in NZ almost 2yrs ago, we have to put up with a lot of things. Nandyan yung cold weather, driving on the left side of the road, kiwi-accent, .... On top of these, nakakapanibago din yung mga ilaw na ginagamit. Karamihan ng ilaw sa mga bahay dito ay kulay yellow ang mga ilaw. Pati mga ilaw sa poste ay yellow din. Sanay kasi ako na puti ang ilaw sa bahay at mga poste ng Meralco.
Panay incandescent bulbs ang nakakabit dito sa tinitirahan namin. Relaxing daw ang ganitong ilaw pero para sa akin gloomy ang paligid, para bang merong may sakit. So after a couple of months we decided to replace them with energy saving lights na kulay "daylight". Aprub-na-aprub yon kay Henry. 75watts kasi yung mga incandescent, 15watts lang yung ESL. Ang downside ng ganitong kulay ng ilaw ay attractive sa mga insekto. Kung hindi kami magsasara ng mga bintana, siguradong papi-fiestahan ng mga gamu-gamo, lamok, etc ang bahay namin.
Pag may nakita kayong bahay sa Meadowood na puro daylight ang ilaw, sa amin yon :)
4 comments:
naku sis!! iba talaga tayong mga pinoy! ako rin, pinagpapalitan ko rin ang mga bumbilya ng flat ko ng puro "cool warm" lights. ako lang din sa friendly neighbourhood ang puti ang ilaw ng kabahayan. although nung naglagay ng sensor lights si landlady sa front and back, yun ang mga yellow bulbs.
Hi jinkee, malungkot nga ang pakiramdam ng dilaw na ilaw kaya pinalitan din namin yung mga bumbilya namin pero iniwan naming dilaw yung mga nasa wall ng sala, mainit kasi sya. naalala ko tuloy yung mga sisiw ni tatay na nagkukumpulan sa dilaw na ilaw, ganun din itsura namin.
dito sg puti din ang ginagamit nilang ilaw. Kakalungkot naman pag dilaw. kelan
hmmm, maka-ikot nga mya sa meadowood hehe
Post a Comment