Nakakabigla ang taas ng presyo ng bigas dito. Yung Jasmine rice na 10kg, dati $16 ko lang nabibili. Nung mag-grocery ako 2 weeks ago, aba naging $22.00 na. Tumataginting na 37.50% price increase yon. grabe no....
Yung ibang asians na kilala ko, nag-stock ng as much as 75kg. Dahil sa wala kaming paglalagyan hindi ako bumili ng sobra sa usual kong binibili. Tinanong ko sa bahay kung kaya ba nilang kumain ng walang kanin, okay lang daw. Sa akin sobrang ok. Baka yung ang only chance kong makapagbawas ng timbang, he he he.
.
6 comments:
hi jink di ko pa na try ang jasmin rice. thai rice ang binibili ko.Siguro mas mahal ang jasmin rice.
gigi
thai rice din pala ang jasmin rice. Pero di ako bumibili. Di pwede ang walang rice kay richard dahil mabigat ang trabaho nya. Kung sa opis lang sana sya nag ta trabaho pwedeng di na mag rice.kaya eto tumataba ako, ang sarap kasing kumain pag may kanin.
sinabi mo te, nun bumibili ako nun jasmin rice sabi ko yung maliit lng. sabi sakin nun saleslady $50 daw, sabi ko yun dati kong binibili yun 25kg, sabi nun saleslady oo daw yun nga. dati $38 lang yun. Hindi pwede walang kanin sa bahay, gigyerahin ako ng mga anak ko. saka d naman pwedeng tinapay ang i-partner sa sabaw kagaya ng sinigang o kaya sa adobo. hehehe...
jinkee dun sa tindahang pinouy $20 lang yung 10kg
@ g,
si Henry kanin ang binabaon na breakfast. Tinatawanan sya, eating machine daw sya eh ang liit naman ng katawan nya (buti pa sya)
@ cindy,
Sinubukan namin ng walang kanin nung isang araw. Pritong manok at corn/carrot ang dinner namin. Isang oras pa lang naghahanap na ulit ng pagkain ang mga kasama ko sa bahay. Mas magastos ata yung ganon.
@ madbong,
Punta nga ako sa tindahanpinoy. kaso lang mas madami akong nabibiling di dapat pag nandon na. Sana meron pa silang FlatTops at Cheesecurls.
hi sis, dito sa pinas grabe din ang pagtaas ng bigas, yung nabibili dati na 25 pesos na milagrosa rice, now its 35 to 37, pagnilasahan mo pa parang hinaluan p ng NFA rice...and to think na agricultural country tayo.
hayyyy buhay, sabay sabay ang pagtaas ng price dito, meralco, gas grabe na tlg...pagmahirap lalong humihirap, di pa sumasabay ang taas ng sahod...
si dagul na lang daw ang di nataas dito hehehhe
Post a Comment