Thursday, May 29, 2008

Ako'y shocked.... ayyyy

Extra ingat ako ngayon sa pagbubukas ng kotse. Kung naka-long sleeves ako, yung dulo ng sleeve ang ipinambubukas ko. Lately kasi lagi akong nakukuryente. Yun bang static shock. Nung summer di naman ganito.

Nag-research ako sa internet. Ang haba ng explanation kung bakit nagkakaron ng static electricity. Ang masama non, di ko pa naintindihan. Pero may part don na nakalagay na common daw ang static shock pag dry ang hangin. Teka, lalo akong na-confuse. Very humid dito sa Auckland ke winter man o summer. So bat nga ba ako nakukuryente? Ka Ernie Baron, nasan ka ngayong kailangan kita!

Static shock pa lang yon nasasaktan na ako. Pano na kaya yung mga nasi-silya elektrika. Kaya nga naggu-good girl ako eh :)

Monday, May 26, 2008

Another year added

John Wayne
Lenny Kravitz
Monet O na mutya ng Sta. Rita
Sophie na anak ni Nixon
Carlos na kapitbahay namin
Bro. Tirso a.k.a Pip na friend ko from Letran
Bro. Top also from Letran na nandito sa Henderson

May common sa aming 8. Ano? Birthday namin ngayon!!!!!

Hindi ko nakagisnan na nagce-celebrate ng birthday. Kadalasan kasi wala ng budget ang nanay ko dahil ubos na sa tuition namin (magpapasukan kasi). Kung tyempong itinapon kaming magpi-pinsan sa Pangasinan, tama na yung palitaw na gawa ng lola ko. May ilang birthdays ko din na di pwedeng mag-celebrate dahil may mga close relative akong tsugi at that time. And worst of all, laging may bagyo. Wala na ngang festivity, gloomy pa ang panahon. haaayyyy….

Pero may ilang memorable. Ito yon ….

1987 – in-coming college freshman ako. With my highschool buddies, lumuwas kami ng Maynila at nag celebrate sa Shakey’s. Super exciting yon kasi di naman kami nagkakalayo ng Bulacan at that time.

1997 – Kasama si Ate Chris at Queenie (mga sisterettes ko) at Vicky na kapitbahay namin, stuck kami sa NLEX dahil sa bagyo. Around 10am nang makarating kami ng Balintawak Tollgate. So instead of proceeding to our respective affairs, nag-SM North EDSA kami for the rest of the day (kain, nood ng sine, malling at madami pang iba)

2005 – Sossy ako, sa Bangkok ako nag-bday. Interview kasi namin for NZ migration application.

2006 – Eksaktong 1 week kami sa NZ. With Len and our respective families, nag-dinner kami sa may Wairau Park.

So hindi naman necessary na may handaan para maging special ang isang okasyon. It really how you enjoy it.

Thursday, May 15, 2008

Mahiwagang sayote



May sayote din dito sa NZ. Ang tawag nila ay choko. Last year, may nagbigay sa amin ng isang basket ng sayote. Sa dami, napabayaan namin yung iba. Noong una, gulay pa lang yon. Next time we knew it, aba nagta-transform na sya into a plant. Since mahilig mag-gardening ang nanay ko, itinanim nya yon sa likod ng bahay. Nung umuwi na si mommy sa Pinas, hindi nakakalimutan ni Vince at Shannen na diligan yon. Nilagyan pa nga namin ng bantay na cute scarecrow para hindi puntahan ng ibon.

Last month, nagsimulang magbunga si sayote. First harvest namin, 6 na bunga. Tuwang tuwa kami esp. Vince dahil paborito nya yon (igigisa with hipon). Nasundan pa yon ng ilan pang bunga. Ngayong linggong to, ine-expect namin na makakapag-ulam ulit kami ng sayote.

Nung Martes ng hapon, may pinadalang property maintenance guy ang aming landlord. May pagawain kasi sa bahay. Nang matatapos na yung trabaho, may narinig daw si Vince na parang may nabaling halaman. Punta agad sya sa likod para i-check yung mga sayote. hu hu hu. Yung 5 bunga nabawasan ng 2. Kinatok pa ata nung nagta-trabaho. Masamang magbintang ng kapwa pero di naman pwedeng tinangay yon ng pusa. I'm sure di rin interesado yung mga ibon (may scarecrow nga di ba). Anyway, nasaan sila sayote ngayon, sana nasarapan yung kumain sa inyo.