Monday, May 26, 2008

Another year added

John Wayne
Lenny Kravitz
Monet O na mutya ng Sta. Rita
Sophie na anak ni Nixon
Carlos na kapitbahay namin
Bro. Tirso a.k.a Pip na friend ko from Letran
Bro. Top also from Letran na nandito sa Henderson

May common sa aming 8. Ano? Birthday namin ngayon!!!!!

Hindi ko nakagisnan na nagce-celebrate ng birthday. Kadalasan kasi wala ng budget ang nanay ko dahil ubos na sa tuition namin (magpapasukan kasi). Kung tyempong itinapon kaming magpi-pinsan sa Pangasinan, tama na yung palitaw na gawa ng lola ko. May ilang birthdays ko din na di pwedeng mag-celebrate dahil may mga close relative akong tsugi at that time. And worst of all, laging may bagyo. Wala na ngang festivity, gloomy pa ang panahon. haaayyyy….

Pero may ilang memorable. Ito yon ….

1987 – in-coming college freshman ako. With my highschool buddies, lumuwas kami ng Maynila at nag celebrate sa Shakey’s. Super exciting yon kasi di naman kami nagkakalayo ng Bulacan at that time.

1997 – Kasama si Ate Chris at Queenie (mga sisterettes ko) at Vicky na kapitbahay namin, stuck kami sa NLEX dahil sa bagyo. Around 10am nang makarating kami ng Balintawak Tollgate. So instead of proceeding to our respective affairs, nag-SM North EDSA kami for the rest of the day (kain, nood ng sine, malling at madami pang iba)

2005 – Sossy ako, sa Bangkok ako nag-bday. Interview kasi namin for NZ migration application.

2006 – Eksaktong 1 week kami sa NZ. With Len and our respective families, nag-dinner kami sa may Wairau Park.

So hindi naman necessary na may handaan para maging special ang isang okasyon. It really how you enjoy it.

7 comments:

Anonymous said...

Hello Jinkee, belated happy birthday! Pwede na sa amin ang ginisang sayote, mahirap hanapin dito sa chch yan eh.

Anonymous said...

Happy Birthday Jinkee!
Enjoy your day.
God bless you.

-Brian & Cleo

Unknown said...

Hi Jinkee. Belated Happy Birthday! More happy times for you and your family.

Anonymous said...

Hi jinkee!!! BELATED HAPPY BIRTHDAY!! ngayon lang uli ako nagbasa ng blog mo. inform me naman kung kelan ang uwi mo.

God Bless
daisy

jinkee said...

@ malou,
nagha-hibernate na si sayote dahil as lamig. Padadalhan kita dyan next time na magbunga ulit.


@ Cleo and Brian,
kumusta na mga friends? maraming salamat sa greetings.

@ rey,
matutuloy ka pa ba dito? regards.

@ daisy,
wala pa kaming pamasahe so saka na lang ang uwi :)

nurse2nz said...

Happy Birthday from the Nurse2NZ community

Anonymous said...

belated happy birthday jinkee!nahuli ako sa pagbati sa iyo, sensya ka na. nakakahiya may tag pa man din ako para sa iyo :)