Thursday, May 29, 2008

Ako'y shocked.... ayyyy

Extra ingat ako ngayon sa pagbubukas ng kotse. Kung naka-long sleeves ako, yung dulo ng sleeve ang ipinambubukas ko. Lately kasi lagi akong nakukuryente. Yun bang static shock. Nung summer di naman ganito.

Nag-research ako sa internet. Ang haba ng explanation kung bakit nagkakaron ng static electricity. Ang masama non, di ko pa naintindihan. Pero may part don na nakalagay na common daw ang static shock pag dry ang hangin. Teka, lalo akong na-confuse. Very humid dito sa Auckland ke winter man o summer. So bat nga ba ako nakukuryente? Ka Ernie Baron, nasan ka ngayong kailangan kita!

Static shock pa lang yon nasasaktan na ako. Pano na kaya yung mga nasi-silya elektrika. Kaya nga naggu-good girl ako eh :)

6 comments:

Anonymous said...

kaya kong sagutin yang tanong mo jinkee dahil disipulo ako ni ernie baron. yung static electricity, mas madalas sa winter dahil sa suot nating damit. yung kasing damit na may insulation ay nakaka-cause ng static electricity. ngayon sa sasakyan naman ay kailangan magpakabit ka lang ng anti-static na goma na ikakabit lang sa ilalim ng sasakyan mo. para lang siyang "ground" ng kotse. :)

Kiwipinay said...

ay naku sis! pareho tayo. kahit na sa opis, bago ko buksan ang steel cabinet, testing ko muna ng aking mga mala-luya na daliri. kundi, naku, ako mismo ay napapa-sigaw sa kuryente. nung minsan din nga, kinalabit lang ako ng kaopisina ko, pareho kaming na-shocked! hanube!

Anonymous said...

http://www.satcure-focus.com/design/page7.htm

http://www.cartalk.com/content/columns/Archive/1997/June/07.html

http://www.wikihow.com/Get-out-of-a-Car-Without-Getting-Shocked-by-Static-Electricity

Anonymous said...

wag ka daw mag alala dahil gamot daw yan sa rayuma( pina comment lang sa akin ni richard}.

gigi

jinkee said...

@ madbong,
kaya pala may "lawit" yung ibang kotse dahil sa grounding.


@ sis KP,
ako din napapasigaw sa sakit. madalas ding nakukuryente yung mga humahawak sa balikat ko.

@ anonymous,
p're, maraming salamat sa links. so yung mga synthetic clothes pala ang cause non. ilalagay ko yun sa susunod na post ko.

@ g 'n rick,
sinabi ko yon kay Henry. magpapakuryente daw sya lagi nang mawala yung rayuma nya. he he he

Anonymous said...

...para sa rayuma ni labs henry mo....pakainin mo parati ng fresh pineapple....at saka salabat, yong gawa sa fresh ginger hindi sa ginger powder....