May sayote din dito sa NZ. Ang tawag nila ay choko. Last year, may nagbigay sa amin ng isang basket ng sayote. Sa dami, napabayaan namin yung iba. Noong una, gulay pa lang yon. Next time we knew it, aba nagta-transform na sya into a plant. Since mahilig mag-gardening ang nanay ko, itinanim nya yon sa likod ng bahay. Nung umuwi na si mommy sa Pinas, hindi nakakalimutan ni Vince at Shannen na diligan yon. Nilagyan pa nga namin ng bantay na cute scarecrow para hindi puntahan ng ibon.
Last month, nagsimulang magbunga si sayote. First harvest namin, 6 na bunga. Tuwang tuwa kami esp. Vince dahil paborito nya yon (igigisa with hipon). Nasundan pa yon ng ilan pang bunga. Ngayong linggong to, ine-expect namin na makakapag-ulam ulit kami ng sayote.
Last month, nagsimulang magbunga si sayote. First harvest namin, 6 na bunga. Tuwang tuwa kami esp. Vince dahil paborito nya yon (igigisa with hipon). Nasundan pa yon ng ilan pang bunga. Ngayong linggong to, ine-expect namin na makakapag-ulam ulit kami ng sayote.
Nung Martes ng hapon, may pinadalang property maintenance guy ang aming landlord. May pagawain kasi sa bahay. Nang matatapos na yung trabaho, may narinig daw si Vince na parang may nabaling halaman. Punta agad sya sa likod para i-check yung mga sayote. hu hu hu. Yung 5 bunga nabawasan ng 2. Kinatok pa ata nung nagta-trabaho. Masamang magbintang ng kapwa pero di naman pwedeng tinangay yon ng pusa. I'm sure di rin interesado yung mga ibon (may scarecrow nga di ba). Anyway, nasaan sila sayote ngayon, sana nasarapan yung kumain sa inyo.
7 comments:
ay sister! ang gaganda ng sayote mo. ako rin, favorite ko sayote. ackshually, yan ang ulam ko kanina tas sinahugan ko rin ng malalaking hipon! yummmeeeee!!! mukha ngang napag-interesan ang sayote mo. eh kasi nga, ang gaganda. nyahahhahaa!! ang mura naman ng sayote ngayon para hindi sya makabili o kaya sana nanghingi na lang ano?
ay siguradong pinitas yan ng dalawang kamay. Siguro nag paalam nalang kay scarecrow. Paborito din yan ni cioline, Pero inihahalo ko sa tinolang manok. Bihira kasi akong makakita ng hilaw na papaya dito.Tsaka ala din dito ang talbos ng sili kaya spinach at sayote ang halo sa tinola ko. Ang tawag nila dito chayote pero minsan choko din. Try ko rin na igisa sa hipon. he he he.
gigi
hello...naaliw ako sa sayote...wayback college years sa baguio ang sayote eh parang ligaw na damo lang dun...kaya purgang purga kami sa sayote, even yung mga doggies namin, nilagang sayote ang dog food nila...
aba kawawang sayote biktima ng robbery...hehehhe
pero seriously, yung effort ng mga kids mo ang mahalaga dun, sana sila ang nagpitas, iba kasi ang joy nun eh
@ sister kp,
Oo nga eh, $0.99 lang ang isang sayote ngayon. Siguro sobrang irresistable ang ganda ng sayote namin kaya di nakapagpigil yung kumuha.
@g,
talaga, choko din ang tawag dyan? Igisa mo sa hipon with kamatis, yummmm. Sa tinola, mas type ko ang sayote kaysa sa papaya.
@ lyzius,
first time akong nakakita ng sayote eh sa baguio mga 5 yrs ago. aliw na aliw ako kasi all the while akala ko rootcrop ang sayote.
@ cielo,
itong si Vince nagkaron tuloy ng thinking na di pwedeng pagkatiwalaan ang mga tao. Sa Pinas ok yon pero gusto ko lumaki silang trusting sa kapwa (pero streetsmart).
nga pala sis, masarap din ang talbos ng sayote. isahog mo rin sa hipon. nung nade-destino ako sa baguio nun, lagi akong nag-uuwi ng talbos ng sayote. tinanong ko lang ang tindera kung paano niluluto. kaya ayun, naging regular na rin sa amin ang talbos ng sayote kapag may nakikita inang ko sa palengke. :)
korek, si sis KP. masarap nga ang talbos ng sayote. ang tatay tirso ang nag sabi sa amin
Post a Comment