Thursday, June 12, 2008

Balikbayan

Umuwi sa Pinas si Janjing (brother-in-law) noong 01 June. Halos isang taon din sya dito sa NZ. Bakasyon lang yon, babalik din sya sa August. Sa halos 2 linggo nyang stay sa Maynila, marami ng exciting na pangyayari sa kanya. Unang araw nya, ang init!!! Tagaktak daw ang pawis nya. Nakahubad na nga sya maghapon pero pawis na pawis pa din sya.

Pangalawang araw, encounter with a traffic officer in Makati . Lumiko sya sa kanan kaso nasa second lane sya (nasanay na ata sa right-hand driving). Ayun, huli ng pulis. Buti na lang nakukuha sa "pakiusapan" si manong. Later that day, malling naman sila sa Mall of Asia (di ko na inabot yon). Nung dumidilim na, nag-aaya ng umuwi. Akala ata hanggang 5pm din ang mall hours doon. he he he Pag-uwi nila, tinakasan ba naman yung teller ng parking lot. Eh dito kasi libre ang parking (except sa CBD).

Last week, andyan yung inabot sya ng baha, heavy traffic, brownout at walang tubig. O di ba parang pinababalik na sya dito. Kahapon naman, nakipagbuno sya sa mga "friendly" staff ng POEA.

Pag lumabas ka ng Pinas, lalo na kung medyo matagal, maninibago ka sa mga bagay na dati mo nang ginagawa. May mga bagay na dati ay “ok lang” pero ngayon ay inconvenient na. Sa isang banda, may mga maliliit na bagay na di mo pinapansin dati pero nami-miss mo. Di ko alam kung ano doon ang nararamdaman ni Janjing. Anyway, I hope he’s having a good time there.

1 comment:

Anonymous said...

Hi! Naku tuwang tuwa ako dito sa post mo that I had to link it to my blog. Totoo talaga na malaki ang adjustment pag matagal ka nang nawala sa Pinas. Yung mga bagay na hindi nakakainis dati (dahil sanay ka na) eh nakakainis na ngayon dahil na-experience mo na how things could be living in a country where the system works.