Monday, November 24, 2008

Buried 'n Burned

May party sa kapitbahay naming Maori nung Friday night. May mga adults na nag-iinuman sa deck. Yung mga bata naman masayang naghahabulan sa bakuran.

Extended hanggang Saturday yung kasiyahan nila. Doon na ata natulog lahat ng bisita. About 9am, some 6 adult males gathered in the backyard. Yung isa naman may hawak na ilang piraso ng tela (parang kumot). Yung dalawa may dalang pala at mukhang naghuhukay. Di masyadong makita yung actual na ginagawa nila kasi natatakpan ng bakod. Ilang minuto pa, may usok/apoy na galing doon. Tapos naisip ko yung mga bata. bat wala ng naglalaro? bat wala ng maingay? Naku, baka kaya may kine-cremate na sila doon. At higit sa lahat.... ang sampay ko!!! nauusukan!!!

I was in the verge of ringing 111. Bawal kasi yung nagsusunog sa bakuran. Kaso, nakita ko yung malaking Maori na puno na tattoo sa katawan at mukha. Sa loob-loob ko, maaagrabyado si Henry dito. So we just waited for what's gonna happen next.

5 hours later, tapos na ang cremation. Wala ng apos/usok. Tapos tinanggal nila yung tela na balot. Then kinain nila yung nasa loob non. Naku, asan na yung mga bata!!!

Itutuloy.....

3 comments:

nurse2nz said...

ate nagluto ba sila ng kamote? or hangi? hehehe

jinkee said...

correct ka dyan nurse2nz. Pinakaba talaga ako non. susme kamote lang pala ang laman non. marami din bang nagha-hangi dyan sa inyo?

nurse2nz said...

wala pa ako nakita actual na hangi, Pero meron ditong nagbebenta ng hangi, nakita ko minsan me karatula sya sa labas ng bahay nya..10nzd ata ang halaga.