Wednesday, February 22, 2006

Ang Pagre-Resign – Unang Yugto

Yung pagpapaalam ko sa boss ko noong isang araw ay hindi ang unang pagkakataon na nag-abot ako sa kanya ng resignation letter. That was actually the second time. The first time happened a couple of years ago.

The year was 2001. May nakita akong magandang ads. Business Analyst for SAP for JAKA ang nakalagay. Tamang-tama sa qualifications ko yung requirements nila. At higit sa lahat, SAP yon. Malaking challenge para sa akin. As in malayo sa Visual Foxpro/Basic applications namin sa office.

So nag-apply ako. After the exam, I was interviewed by the team leader. Pasado naman ako sa kanya kaya pinasa nya na ako sa MIS Manager. Ang huling tanong sa akin “when can you start?�. Sabi ko, “Please give me a month�. Ok daw.

Di nagtagal, nagpa-medical ako (sagot nila yung bayad). Nang-ok ang result ng medical ko, nagpasya akong mag-hand in ng resignation letter sa boss ko. Nagulat sya. May mga pinangako syang “changes� sa akin, baka daw sakaling magbago ang isip ko. Balikan ko daw sya kung decided na ako.

Right after that talk, I got a phone call from my future boss. Katatapos lang daw ng meeting nya with her bosses. Pinapa-hold ng management lahat ng personnel hiring kung hindi rin lang replacement. Ano!!!! Bakit nangyari yon? Natalo kasi sa national elections si Juan Ponce-Enrile kaya naapektuhan ang finances ng company. Pano na yon? Pano na ako? Saan ako pupulutin gayung nakapag-paalam na ako? Kung alam ko lang na magkakaganon, ipinangampanaya ko sana si Enrile.

Buti na lang at di ako kaagad pinayagan ng boss ko. After two days, bumalik ako sa opisina nya. Sinabi ko na nagbago na ang isip ko (syempre di ko sinabing yung employer ang nagbago ng desisyon). A few months later, I was promoted.

6 comments:

yra said...

hehehe..blessing in disguise para sa career mo ang pagkatalo ng Enrile..

Ka Uro said...

galing ng story mo jinkee. just shows na talagang may tumitingin sa atin sa taas. at minsan ang mga disappointments tulad ng sabi ni yra blessings in disguise.

Kiwipinay said...

uy sis! kailan ka na ga darating? naghahanap ako ng flatmate. *winks*

Flex J! said...

Dyarrrraannnn!!! so malapit na pala talaga ang NZ trip...Godspeed!

kung nagkataon pala napasok ka sana sa competitor namin....hehehe

well! as i usually says...all things worked together for good...to those who love God....

Flex J! said...

Jinkee,
Curious lang, ano yung SAP? a type of software program?

thanks....

jinkee said...

Ary and KU,
Blessing nga yung nangyari but I realized only months later. Habang nagaganap yon, akala ko doomsday ko na.

Kiwinoy,
Mukhang matagal na chikahan yan pag nagkita tayo :-) see you soon

Sis KP,
Mga end-May pa kami siguro aalis. Ano na ba nangyari kay Indiano? mami-miss ko ang mga mis-adventures mo sa piling nila. he he he

Jun,
yes, computer application ang SAP