Monday, February 06, 2006

Blue, blue, blue . . .

Our passports with that shiny blue visa has finally arrived. We’ve been praying for this for 4 years now. The best ka talaga, Lord.

Ibang level na naman ng anxiety tong nararamdaman ko. Ang daming aasikasuhin (CFO, DSWD Clearance, LTO license cert., etc) at bibilhin. Don't get me wrong, I'm not complaining. Mas gusto ko ang ganito ang pino-problema.

To everyone who has been a part of our NZ dream, thank you. To those who are still in the process of applying, konting tiis na lang at dadating din yan.

14 comments:

Anonymous said...

hi jinkee,

CONGRATULATIONS!! The waiting is over...at last....
sana maexperience ko na rin yan....how i really wish...

Kiwipinay said...

sabi ko sa yo eh. sang linggo na lang yan eh.

congratuleyshens sistah! san ba ang landing nyo? sa wellington ba or auckland? sarap ba ng feeling? ano? kailang ang alis natin? naks!

pasalubong ng hopia ni eng bee tin ha? ;)

Anonymous said...

Congratulations!

Finally tapos na siguro ang long-lasting chapter nyo with your lovely VO.

Panibagong chapter na naman!

raainy

Anonymous said...

Congratulations!!! kakatuwa naman....

sorry di mo ako kilala... silent lurker lang sana... kaya lang di ko matiis mag comment.... sarap sarap ng feeling siguro....

Celebrate na!

Ka Uro said...

haping hapi ako sa iyo. matagal-tagal din nga ang ginawa ninyong paghihintay. pero masarap ang feeling dahil at least maganda ang kinalabasan ng inyong paghihintay. now you have to make hard decisions on your strategy on how to move to nz. sometimes it is not as easy as it looks. there could be disappointments still along the way. may mga pumunta dito expecting to find a job within a few weeks, pero na disappoint sila dahil medyo tumagal ang paghahanap nila ng job.

plan for the worse, but hope for the best, so you don't get disappointed.

Anonymous said...

congrats jinkee...ang saya saya... i know the feeling... san ang punta nyo at kelan ang alis? Good luck to your new journey!!!

lucie

jinkee said...

chay,
lapit na rin yung sa inyo. konting tiis na lang.

Kiwipinay,
Sabi mo, 1 linggo at dalawang taon :-( Buti na lang di ka nagdilang anghel. he he he. Bound for Auckland po kami. malapit ko na kayong ma-meet ni Queenie mo.

raainy,
abangan ang susunod na kabanata.

genpot,
salamat sa pag-pasyal. Daan-daan ka lang dito.

KU,
Nakakatakot ang uncertainty na dadaanin namin pero buti na lang may mga pinoy dyan na gaya nyo :-) Maraming salamat sa pashe-share mo ng mga tips and tricks about NZ. Malaking tulong yon.

Hi Lucie,
May/June pa kami aalis. Si Henry mauuna. baka April.

Anonymous said...

Jinkee, huwag mong kalimutan baon ng pangpahid sa mukha para sa pimples at shampoo para sa balakubak. kami kasi ni Mark, parehong tinighiyawat at binalakubak sa sobrang stress noong unang buwan namin dito. Aba'y wala palang eskinol at nizoral. Buti na lang may guard shampoo, pero syempre ang mahal.

grrrrrrrr......winter na ang dating nyo, ang ginaw!

CONGRATULATIONS!

kukote said...

congrats! good luck!!!

Anonymous said...

hi jinkee,

natanggap ko na rin sa wakas WTR visa namin last feb.9,2006..thanks for everything ha...lalo na sa mga encouraging words na darating din yun at dumating nga....YEHEY!!!

jinkee said...

Chay,
Congratulations!!! Kita-kits tayo sa NZ. Auckland ka din ba?

Anonymous said...

hi jinkee,
yes auckland din destination namin at sa march 3 na alis namin magasawa...so sad kasi iwan muna yung baby namin...let's keep in touch ha...magpapaforward ka din ba? interesado kasi ako eh...

jinkee said...

Hi Chay,
Mahirap talagang mawalay sa anak pero sa kapakanan din naman nila yan. Konting tiis lang.

email ko na lang sa 'yo yung list ng mga forwarders.

Bluegreen said...

Kala ko tinatawag mo ko eh...hehehehe