Wednesday, March 08, 2006

Saying Goodbye to my Staff

After keeping my mum for two weeks, yesterday, I finally decided to talk to my staff about the "inevitable" day. Hindi pa sana pero I know they'll know about it soon. Meron na kasi kaming ads sa Manila Bulletin nung Sunday. Kaya kesa malaman pa nila sa iba, mabuting sa akin na manggaling yung announcement.

Gaya ng inaasahan ko, meron nang nakatunog. May mga natatanong na daw bakit posted yung position ko sa dyaryo. Ipinaliwanag ko sa kanila yung dahilan ng aking paglilihim (naks, ang lalim ng tagalog ko) at kung bakit ako aalis. Walang masyadong reaction sa kanila. Palibhasa, mga shy-type at no-talk itong mga boys ko.

Tuloy pa rin ang mga projects namin. Lahat ng deadlines ay dapat pa ring i-meet. The least I expect to happen is for my group to go in chaos after I leave. I'll make sure that my replacement will be able to pickup from where I left off. Kaya eto ako, busy sa pag-document ng mga itu-turnover ko.

4 comments:

Flex J! said...

Bon Voyage sa inevitable day!!!

Hope to see you there....

Anonymous said...

hi jink wala bang nag kaiyakan sa mga staff .....Pati ako excited sa pag alis nyo.Kamusta naman si tita gay?

Kiwipinay said...

hala! ang tagal naman, ateng! parine ka na at majinaw na! brrrrr!!!!

Ka Uro said...

parang ako ang nalungkot. hirap mag-goodbye ano?