Wednesday, March 22, 2006

Visitor's Visa for MIL - Part 2

6:50am nasa embassy na ako. Pambihira, ang daming mas maaga sa akin. Sa unofficial listahan, pang no. 23 na ako. 7:00am, dumating na yung guard na taga-lista. Tinawag yung mga pangalan ng di na-accommodate kahapon. Pambihira, naging no. 28 na ako. Siguradong mauubos ang isang araw ko sa paghihintay.

Since 9:00am pa magpapa-akyat ng applicants, pumunta muna ako sa Anscor-Casto Travel para bayaran yung plane ticket ni Henry. Sa April 7 na ang lipad nya via Cathay Pacific. Si Carol ang contact person ko don. Member din sya ng Pinoyz2NZ. Nai-kwento ko sa kanya na magsu-submit ako ng application for my dear MIL. Pwede rind aw na sila na ang mag-lodge non. Uy, maganda yon. Di na ako pipila. Ibinigay ko sa kanila lahat ng docs na dala ko plus the P700 processing fee. Kung kukwentahin ko ang parking fee, gas, leave ko sa office at oras ng paghihintay, di na ako lugi doon. I should have considered this right from the start.

Bukas na nila dadalhin sa embassy yung application form. Sana walang additional documents na hihingin para may interview sked na agad.

7 comments:

yra said...

hi Jinkee - P700 lang pala ang processing fee, kala ko P4500? or shorter than 6 months ang stay ni MIL mo? ang nalito na ko hehehe...

jinkee said...

Hi ary,
Yung P700 ay para lang sa agency. Iba pa yung bayad sa embassy. If stay in NZ is 60 days and longer, P4700 ang bayad, else "gratis" or libre ang visa.

Kiwipinay said...

dapat pala, Jinkee, pina one month mo na lang tas dito mo na lang ipa-extend? :D

o? kailan ang dating mo dito? may date na sa May? eh si husbandry mo? san tutuloy? ok na ang sundo sa airport? ok ang cathay pacific. ganda serbisyo nila.

lapit na, sis! para ng kelan lang eh mabuset-buset ka sa kakaantay sa kanila. :D

Anonymous said...

hi jinkee,
based sa nabasa ko sa pinoz2nz forum, qantas lang ang may 40 kgs allowance sa 1st time immigrant, meron din ba nito ang cathay?
raainy

jinkee said...

Hi raainy,
Tama, Qantas lang ang nagbibigay ng 40kgs for first time migrants. Since magpapa-cargo kami, we opted for travelling with less luggage. Isa pa, malaki rin ang price difference ng Qantas and other airlines. Yung price difference between Cathay and Q ay bayad na sa isang box.

Anonymous said...

Hello po! Nakita ko po ang blog ninyo through Pamilyang NZ. Ask ko lang po kung ano pangalan ng agency na nagprocess ng VV for you MIL? My PIL are in Manila, we are in Singapore and we plan to bring them to NZ by next year pag settled na kami siguro. Maybe we will be going there by Dec. Hoping for your reply and thanks very much --- angelica

jinkee said...

@ Angelica,

Anscor-Casto ang pangalan ng agency. Paki-tignan na lang sa yellowpages. May fee na Php2000 para VV. Kung may mauutusan naman, pwedeng kayo na ang mag-ayos non. I have a list of requirements and procedure. Please send me an email if you're interested - jinkeesay@gmail.com.

cheers mate.