Thursday, October 19, 2006

Baby snapper

Wag magbibilang ng manok hanggat di pa napipisa ang itlog.

Bigo si Henry sa fishing trip nya noong Sabado. Kaya pasencya na sa mga napangakuan ko ng isda. Isang “maliit� lang na snapper ang inuwi nya. 4 daw ang sana yon pero isa lang ang lumagpas sa minimum legal size. Masyadong mahangin kaya di nakalayo ang bangka nila.

Sayang yung binili nyang pain (pusit at pilchard), di nasulit. Sabi ko nga, ako na lang sana ang kumain nung pusit. Peborit ko pa naman yon, lalo na kung inihaw. Yummm…

Siguradong babalik sa laot si Henry sa susunod na mga weekends. Tatawagan ko na lang kayo kung “success� ang lakad nya.

1 comment:

Anonymous said...

Hi jinkee,

bayaan mo at isasama namin sa aming panalangin na makahuli sya ng maraming snapper.

rene