After almost 3 weeks of unemployment, back to work na ulit ako. No thanks to the 65 job applications and 8 interviews I had. Pinabalik kasi ako sa dati kong trabaho. Sabi nung isang kasama ko, she did an Oscar award-winning act para ma-reinstate ako. Buti na lang nagbait ako sa kanila. he he he...
Hindi ko masasabing sayang yung effort kong mag-apply. Magastos man at minsan frustrating, I really learned a lot from that experience. I didn’t change employer for 10 yrs sa Pinas kaya nangangapa ako sa pag-a-apply. Noong una, talagang nanlalamig yung mga kamay ko habang nakasalang ako sa interview. But after a couple of interviews, I became more confident (although minsan nabubulol pa din ako). Practice makes perfect, ika nga.
One important thing I realised while applying is that you can’t just apply for a role which you think you can do. You should have the required skills and experience before you can claim that you are actually capable of doing it. At dapat nakikita ng recruiter/employer yan sa covering letter at CV mo. Kaya nga ang dami kong versions ng letter at CV. May pang business analyst, helpdesk, admin, contact center and kung anu-ano pang roles. Problema lang don, minsan mahirap tandaan kung anong version ang pinadala mo.
Ilang beses din akong na-reject dahil sa wala akong Permanent Residency. May isang potential job na talagang shoot yung skills at experience ko tapos malapit lang sa amin. Tuwang tuwa ako nung tinawagan ako for an interview. Nang tanungin ako sa residency status ko, biglang nalungkot yung kausap ko. PR or citizen daw kasi ang kailangan nila.
Kahit anong trabaho ok lang sa akin. Ang mahalaga, interesting yung ginagawa ko, may potential growth at syempre may pandagdag gastos kami. In due time, makukuha ko rin yung trabaho na talagang gusto ko.
1 comment:
balikan mo yung inaplayan mo na hinahanapan ka ng PR. sabihin mo, saksak nya sa baga nya! hirap sa kanila eh... nagdaan na nga sa butas ng karayom ang mga migrants, kung anu-ano pang kaek-ekan ang hinahanap nila.
Post a Comment