Monday, October 09, 2006

Gone fishing

One of NZ's selling point to Henry is it's outdoor activities. Ito kasing asawa ko ay talaga namang mahilig mag-hunting at fishing. This is something he learned from his father.

Last weekend, isang pangarap ang natupad. Kasama yung 2 kiwing ka-trabaho nya, pumunta sila sa laot ng Browns Bay para mag-fishing (nakapag-fishing na sya dati pero sa wharf lang). Si Russell ay isang true-blooded kiwi: DIY guy, may sariling bangka at mahilig maglaro sa tubig. Si Chris naman ay kabaliktaran. Di marunong lumangoy at walang skills sa fishing. Si Henry, although kumpleto sa gamit, isda lang sa fishpond ng Malabon ang kaya nitong hulihin. Put then 3 of them together and you'll have a grand time.

Sa loob ng halos 2 oras, pitong malalaking snappers ang nahuli ni Henry. Ang pinakamalaki ay 46cm ang haba. Yung iba maliit lang ng konti. Mas madami pa daw sana yon kaya lang isinoli nila yung maliliit. Pag walang 27cm, dapat ibalik sa tubig. Si beteranong Russell ay halos ganon din ang huli. Itong si Chris ay kabo. Di kasi counted yung baby shark (as in great white) na nahuli nya. Pano ba naman, all the while di pala nakalubog sa tubig yung pain nya. It was barely touching the water (kaya shark ang nahuli).

Simula lang yon ng love story ni Henry at ng Auckland coast. Siguradong maraming weekends syang mawawala sa bahay para maging isang mangingisda. Well, I'm not complaining. Basta ba pag-uwi nya, hindi ako ang maglilinis ng mga isda :)

4 comments:

Anonymous said...

im so glad to hear that you guys really enjoying life here in Nz. I rarely give comments sa blogs mo pero nasundan ko halos lahat even nung asa pinas pa rin ako. Parang kailan lang andaming frustrations ano sa application nyo, now you're onto it. You're really blessed that God gave you your heart's desire.

Anonymous said...

hi jink,

eh di okay ibat ibang klaseng isda ang matitikman nyo.Minsan sumama ka sa fishing nya para maranasan mo rin.

barbara

Anonymous said...

hi jinx,

ikaw naman! alam ko namang kayang-kaya mong linisin yon for sure... lalo't kung tilapia ang makukuha niya di ba! ay sisiw lang sa iyo yun hehehe and tama si gg, may sarsyado ka ng isda may pesa pa...
ingat kamo si henry baka sirena makuha niya hahaha

jinkee said...

Wheng,
We're having a grand time here in Auckland. It's actually more than what we expected. Ang wish ko na lang ngayon ay makapunta dito ang buong pamilya namin.

G,
Malabong sumama ako kay Henry sa fishing nya. Una, may motion sickness ako, baka mag-sarwa lang ako don. Pangalawa, dehins ako marunong lumangoy. Ok na sa akin yung taga-kain ng isda.

Ems,
O diba sosyal na ngayon si Henry. Dati tilapia lang, ngayon snapper na :) Nag-email na sa akin si Mam Ed. Sana magkita kami pag nagbakasyon sila dito.