Magandang klaseng isda ang snapper. Firm ang laman at masarap ang lasa. Medyo dear din ang presyo. Ang fillet ay $31.25/kg. Ang whole fish naman ay $13/kg. Siguro magmumura pa ito sa mga susunod na linggo kasi marami ng nahuhuli ngayon.
Ilang araw din namin inulam yung snapper na huli ni Henry. Para di magsawa, iba-ibang luto ang ginawa ko - prito, sarciado at pangat (my peborit). Meron pang isang buong isda na nasa freezer, pinag-iisipan ko pa kung anong luto ang gagawin ko. Any suggestion is welcome.
Nga pala, magfi-fishing ulit si Henry bukas. Pehadong maraming isda na namang huli yon. Kaya kung gusto nyo ng snapper (yung di pa linis ha), daan lang kayo sa bahay. Ito ang mobile # ko 021 1744990.
2 comments:
hi jinx,
d ako makatulog kaya bumisita ako sa blog mo 3am dito..pag di pa ako inaantok dadaan ako dyan at hihingi ako ng snapper nyo he.. he.. he..ihaw mo(para di ka na magtanggal ng kaliskis)o kaya steam mo.Ang toto nyan ,di ko kilala yang isda ni henry mamaya titingnan ko sa palengke.
G,
Di ko rin kilala ang mga isda dito. Kasi naman tilapia, bangus at kataba lang ang nare-recognize ko (ewan ko kung meron non dito).
Nga pala, happy si Queenie na nagkaka-email na kayo ngayon.
KP,
Palalanguyin ko na lang papunta dyan yung isda (pero syempre pababaunan ko ng WiseMap)
Post a Comment