Monday, December 04, 2006
First NZ Christmas parties
Christmas party nila Henry kahapon. Ang aga 'no? Ibang klase yung handaan nila, barbaque by the (Long Bay) beach. At ibang klase din ang barbeque nila. Inihaw lang talaga yung beef, lamb at sausages. Wala ng timpla-timpla. I was contemplating on bringing some Knorr Seasoning with us pero sabi ni Henry nakakahiya daw. Mahilig ang mga kiwi na mag-bbq esp. kung ganitong summer (Dec 1 ang official start ng summer pero 10degrees ang temp sa umaga).
Walang mga gimik yung happening nila. Wala man lang silang nakahandang games kahit na para sa mga bagets. Puro kwentuhan lang. Buti pa yung mga pinoy sa katabi naming cottage may dala silang gitara at nagkakantahan.
We left the party early. Christmas party din kasi ng AKLNZPINOYS sa Takapuna. Yoon ang totoong party. May raffle, parlor games at delicious food. Say mo, yung magandang emcee namin ay naka-costume pa ng Snow-white. Ang saya-saya talaga. Pero ang pinakamasaya doon ay si Vince nang manalo ng payong. Noong una kasi nakasimangot dahil talo kami sa Pera o Bayong (di ko kasi alam ang pangalan ng latest bagyo sa Pinas).
Haayyy... ngayon pa lang ay nami-miss ko na ang pasko ng Pinas. Yung may simbang gabi, bibingka, amoy ng castaƱas, tiangge sa Greenhills, parol at higit sa lahat family reunion. There's no better place like HOME.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
wow doctor ayos!! sama nyo naman ako sa mga pangarap nyo hehehe...
anyway, pa-link din po salamat! susubaybayan ko to
ang aga nga ng celeb nyo ng christmas... dito sa office, wala na naman kaming party. pero may raffle pa rin on 22 of Dec. siyempre, sayang ang pagkaka-solicit ko ng mga gifts di ba! may yahoo messenger ka rin ba? may web cam na rin ako dito sa bahay... para naman magkita pa rin tayo kahit sa webcam man lang, pati na ang mga kids mo!!!
Emma
Post a Comment