Dito sa NZ, especially sa trabaho, you are called by your first name. Kaya sa opisina I am known by my legal name - Jennifer. Hassle kasi kung sasabihan ko pa lahat na tawagin ako ng Jinkee. Ok lang sana kung Jen or Jenny ang nickname ko, di yon confusing. Sa Pinas ang tumatawag lang sa akin ng Jennifer ay yung mga ka-klase kong di kami close, titser ko or kaya ang nanay kong nagsasalubong ang kilay.
Dahil sa hindi ako sanay, madalas akong namamali. Kahit 5 buwan na akong may second identity ko, bopols pa rin ako minsan. Ilang work-related emails na yung napadala ko na Jinkee ang naita-type ko. Minsan naman mali ang ispeling ng Jennifer. Pati sa pagsagot ng telepono natataranta ako. Pag pinakikilala ko ang sarili ko sa ibang tao, lagi kong ine-evaluate kung si Jinkee o Jennifer ba ang dapat kong iharap. Kung isang taon na at ganito pa rin ako, aba malaking problema yon.
2 comments:
before you started your work dyan sa company, di ka ba nila tinanong kung ano ang preferred name na gusto mong itawag sa iyo? kasi sa akin, a day before i started my job, my agency rang me up and asked me that question kasi ise-set up daw sa system ang name ko. i preferred to be called by my real name kaso, sa experience ko, maraming puti ang nabubulol sa pangalan ko kaya sabi ko ay yung palayaw na lang. although sabi naman ni consultant, ok lang daw na kung ano talaga ang gusto ko. so, isinet-up yung tunay na pangalan ko. eto na nga po, kapag nag-e-email sila sa akin, kahit na naka-set up na sa directory ang pangalan ko, pati email ay nabubulol pa rin sila sa pag-address sa akin. aba! kokopyahin na lang name ko eh mali-mali pa spelling. kalowka! kaya minsan ay ipinipirma ko na lang na palayaw. gulo nga ano? mweheheheheh!!!!
ako nga eh "Maria" pag dating sa trabaho. Noong una pa nga eh "Ma" kasi naman si nanay pinaiksi yung Maria ko. nakakairita kasi kapag tinatawag ako ng "Ma" kaya todo explain ko kung bakit Ma ang Maria. Yung second name ko naman na Lourdes hindi nila mabasa o matandaan. kapag "Malou" naman ginamit ko parang toilet naman ang dating. Malambing naman silang bumigkas ng Maria di tulad sa atin na parang galit kaya ok na rin.
Post a Comment