Friday, February 02, 2007

Changeover

Feb. 17 ang balik ni MIL sa Pinas. Pag-alis nya problema ang pagbabantay sa mga bata. Meron kaming Plan A which is to bring my mom here, at Plan B Ă¢€“ take the kids to afterschool-care/daycare. Gaya ng sabi ko dati, di ako comfortable sa daycare dahil madalas ng nagkakahawahan ng sakit ang mga bata doon.

Working on Plan A. Nung December 2006 pa lang nilakad na ng nanay ko yung visa application nya. Early Feb ang ini-apply nyang departure date. Nung Jan 18 na-approve ang visa. Siguro dahil sa senior citizen na sya (nakup, wag nya sanang mababasa to) at may ilang overseas travels na din syang nagawa, visitorĂ¢€™s visa (not limited purpose) ang ibinigay sa bago naming yaya este reyna.

Dahil mahirap magpa-book ng flight sa ganitong panahon (dahil sa chinese new yr), Feb 18 ang nakuhang ticket. Gusto sana naming magkasama ang 2 lola sa iisang bubong (para may turnover of command) pero hindi na yon naging possible.

Super excited na akong makita at makasama ulit ang nanay ko. I really miss her.

2 comments:

Kiwipinay said...

lukresya ka talaga, jinkee! natawa ako dun sa bagong yaya tsaka turnover of command. ahhaha!! sana nga man lang ay magpangita ang dalawa no? sana kahit mapa-chance passenger man lang earlier ng 18th si next yaya. hahahaha.. sumbong kita! lagot ka. :D

Anonymous said...

anong sasakyan nya? Singapore airlines ba? She emailed me na sana may chance kaming mag kita kahit minuto lang.Alang pasok si cioline dahil chinese new year sa Feb 18.Miss ko na rin sya.